Yuri
10.22
Birthday ko ngayon pero ni isa walang nakakaalala.
Masyado na ba silang busy?
Tapos etong woojin naman, di rin ata alam na birthday ko ngayon.
"Eyy, bat ka nanaman nakasimangot?" tanong niya sa akin at pinisil ang mga cheeks ko.
"Hmp. wala." sabi ko nalang.
Nakakalungkot lang ha, pero wala pa talagang nakakaalala sa birthday ko.
"Nandito naman ako eh" sabi niya sabay ngiti.
Sus woojin wag kang ganyan. nahuhulog ako hahaha
"Wala. akala ko kasi-" sabi ko pero hindi ko na tinuloy, medyo sumama pakiramdam ko.
"Gusto mo na bang umuwi?" tanong niya sa akin kaya tumango ako.
6 pm narin naman kaya uuwi nalang kami. nakakasad.
"Sige, samahan na kita." sabi niya
Naglalakad kami pauwi. Hindi ko na talaga mapigilan.
"Anong araw ngayon?" tanong ko sakanya.
"Ah October 22?" sabi niya sa akin.
"Wala ka bang alam?" tanong ko ulit.
"Ha? ah wala. bakit? meron ba?" sagot niya sa akin.
"Bahala ka!" pagtatampo ko sakanya at naglakad na ng mabilis.
"Uy, hintayin mo ako" sabi niya at hinabol ako. Nahabulan niya naman ako tsaka hinawakan pa kamay ko.
Tss. Hindi mo ako madadaan sa mga paganyan ganyan mo woojin.
"May problema ba??" tanong niya pero hindi ko parin siya kinakausap.
"Yuri" sabi niya pero pinabayaan ko lang.
Hanggang sa makarating na kami sa bahay.
Bat ang dilim?
"Bat di ka pa umuwi?" tanong ko sakanya.
"Pumasok ka na, tas uuwi na ako." sabi niya kaya kahit medyo natatakot ako, pumasok parin ako sa bahay.
"Unnie! Unnie!" pasigaw sigaw kong sabi habang papasok ng bahay.
"Hoyy wag kayong nagbibibiro!" sigaw ko huhuhu
Pagsindi ko ng ilaw, may parang pumutok. Shet confetti.
Sabay sabay agad silang kumanta ng birthday song. AT MERON DIN ANG WANNA ONE DITO.
Pagkatapos nilang kumanta, agad akong nilapitan ng izone at niyakap.
PERO ASAN SI WOOJIN
"Akala ko nakalimutan niyo na." sabi ko sakanila ng may paluha. Pati wanna one binati rin ako. pero wala si woojin :'(
"Waaaaaait! theres more!!!" sigaw ni jisung tsaka naggitara at kumanta si Jaehwan.
I found a love for me
Darling just dive right in
And follow my lead
Well I found a girl beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for mePagkakanta palang ni jaehwan sa mga linyang yan, pumasok si woojin sa bahay.
Nakangiti.
May hawak na bulaklak.
Nakatingin sa akin.
Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song
When I saw you in that dress, looking so beautiful
I don't deserve this, darling, you look perfect tonightPapalapit parin siya sa akin. At ang mga kasama naman namin, tili ng tili.
Binigay niya sa akin ang bulaklak na hawak niya.
Huminto muna si Jaehwan sa pagkakanta pero nagsstrum parin ng guitar.
"Hi Yuri, Happy birthday. Sana magustuhan mo itong munting surprise ko sayo. Alam naming lahat na birthday mo pero plano kong wag ka munang batihin dahil gusto kong ako ang unang babati sayo." sabi niya sa akin habang magkahawak ang kamay namin at nakatingin sa isa't isa.
"Yuri, unang araw palang na nagkakilala tayo, alam kong hindi maganda iyon. At dahil sa nakasara parin ang puso ko, naging bitter ako dahil sayo. Nakakatawa kasi, kamukha mo yung minahal kong past ko pero ikaw yung mahal na mahal ko na present ko na ngayon." sabi niya kaya naghiyawan ang mga kasama namin
"Hanggang sa napagtanto ko nalang na mahal na pala kita. isang araw, gumising ako, mahal na kita. Naging indenial man ako sa feelings ko, pero heto ako ngayon, nililigawan ka na. Sorry dahil nasaktan man kita noon. Sorry dahil naging manhid ako. Sorry dahil pinagtabuyan kita noon." pagpapatuloy niya.
"Izone, sana pagbigyan niyo akong patunayan sa kanya at sa inyo na mahal ko si yuri." sabi niya at tumingin sa mga kaibigan ko.
"OO!!" Sagot nilang lahat
"SAYO NA YAN!!" sigaw ni yena kaya nagtawanan kaming lahat.
Sa totoo lang, naooverwhelm ako sa mga nangyayari ngayon. Di ko akalaing masasabi ni woojin ang mga ganyang salita.
sheeetttt!
"Yuri, pwede ba kitang maging girlfriend?" tanong niya sa akin.
"Woojin, sobrang thankful ako dahil sayo. Nung una akala ko forever enemy mo na ako. Pero hindi ko akalain na mamahalin mo rin ako." sagot ko sa mga sinabi niya.
"Woojin, kahit ano pang mangyari, ikaw at ikaw parin ang gusto ko at mamahalin ko." pagpapatuloy ko.
"Woojin, oo, sinasagot na kita." sabi ko sakanya at bigla niya akong niyakap.
Hindi ko mapigilan ang luha ko.
Tears of joy. :')
"Mahal kita, Jo Yuri!" sabi ni woojin.
"Mahal din kita, Park Woojin!" sagot ko rin.
Nagsihiyawan silang lahat at tinuloy na ni Jaehwan ang kanta niya at mas lalo akong nainlove kay woojin.
Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song
I have faith in what I see
Now I know I have met an angel in person
And she looks perfect
I don't deserve this
You look perfect tonight"Mahal na mahal na mahal kita, yuri" sabi niya at hinalikan ako sa labi. pero mabilisan lang.
Naghiyawan nanaman silang lahat.
"HOY WOOJIN! HOKAGE KA HA!!" sigaw ni Yena.
"WOOJIN LODI TALAGA KITA!!" sigaw rin ni Jinyoung.
"WAW WOOJIN MAY PAHALIK!!" sigaw ni Jihoon.
nagtawanan nalang kaming lahat.
Sana hindi na matapos ang gabing ito. :)
Pinaka the best na birthday ko ever. ❤
✨
BINABASA MO ANG
sml? | woojin x yuri
Fanfiction𝐏𝐑𝐎𝐃𝐔𝐂𝐄 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 𝟐 ☞𝙘𝙤𝙢𝙥𝙡𝙚𝙩𝙚𝙙☜ ❝sungki, gusto kita!❞ -yr ❝sml?❞-wj ⑅from /share mo lang/ to /so much love/⑅ ➳𝔀𝓪𝓷𝓷𝓪 𝓸𝓷𝓮 & 𝓲𝔃*𝓸𝓷𝓮➳ •epistolary •narrative •tagalog pwj x jyr Date Started: October 6, 2018🌺 Date Finishe...