Part 3: Laptop

20 6 0
                                        

------------*****--------------

"So Mr. Perez it's your turn to discuss your documentation." Sabi ng prof namin.
Ngayon kasi ididiscuss ang mga documentary na ginawa namin about sa isang Hotel and Restaurant, si Joshua na ang mag didiscuss pero parang may problema ata siya.

"Ah Sir I forgot my laptop, but I have a extra." Sabi niya. So yun pala ang problem niya. Wala siyang laptop.

"So ano ang kailangan mong gawin?." Naiinis na sabi ng prof namin sakaniya.

"Sabi ko nga po Sir manghihiram ako eh." Sabay lakad papunta sa harapan para manghiram ng laptop sa ibang kakalase namin. "Ah pwede ba kong makahiram ng laptop.?" Tanong niya.

"Ah sorry, gusto man kitang pahiramin pero sa pinsan ko kasi to eh. Baka masira." Sabi ng hiniraman niya.

"Ah ganun ba sige salamat." Napakamot siya sa batok niya. "Ah pwede ba kong makahiram ng laptop.?" Tanong niya ulit.

"Ah sorry ha, sensitive kasi yung laptop ko baka mag karoon to ng virus eh." Sagot ng hiniraman niys ulit.

"Mr. Perez, your wasting my time. Kapag hindi ka nakapag report ngayon, you'll be failed on my subject." Galit na sabi ni Sir.

Napakamot na lang si Joshua sa kaniyang ulo at balak na niyang umupo dahil wala talagang gustong mag pahiram ng laptop sa kaniya.

"So Mr. Perez you prefer to drop my subject ha?." Sakrastikong sabi ng prof namin sakaniya. Isusulat na sana ng prof namin sa list niya ng......

"No Sir, Joshua will discuss his documentation." Sabi ko sabay harap kay Joshua. "Right Joshua?." At pumunta na ako sa harapan para  maiayos na ang kaniyang irereport. At pumunta na nga si Joshua sa harapan para idiscusss ang documentation niya.

Nang matapos na, nag dismiss na ang prof namin. Inayos kona ang gamit ko para makauwi na din ako
"Maraming salamat sayo Jasmine :)." Sabi niya sabay bigay ng laptop ko habang naka ngiti.

"Wala yun no. Syempre mag classmates tayo eh kaya papahiramin kita no :)." Sabi ko sabay kuha ng laptop ko.

"Salamat talaga ha, kung hindi dahil sayo baka bumagsak na ko sa subject nayun eh." Sabi niya sabay kamot sa batok niya.

"Wala yun no ano kaba :). So pano ba yan mauuna nako ha. Bye see you. :)" Paalam ko sakaniya.

Imagine (Short Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon