1

40 2 0
                                    


"Hey."

Napabalik ako sa ulirat at pilit na ngumiti. "Oh, and'yan ka na pala." sambit ko. Hindi ko man lang napansin ang presensya niya gayong kapansin-pansin naman ito.

"Quit spacing out, will you?" ramdam ko sa boses ang panlalamig at ang kawalan ng gana sa tono nito.

"Tama na. Tapusin na natin, alam nating pareho na hindi na natin maisasalba ang relasyon na 'to." sabi ko at sumimsim ng kape.

Kasing pakla ng kapeng 'to ang nararamdaman ko.

Ni minsan ay 'di ko nagustuhan ang kape, sadyang kinailangan ko ito upang may maihalintulad sa nararamdaman ko, siguro para na rin maiwasan ng mata ko ang paglakbay pabalik sayo.

Or maybe I wanted to prove something, that I've changed and I would no longer need him.

"Bakit ka ba nagkakagan'yan? Hindi ka naman gan'yan dati, ah?" pigil inis na sabi niya.

Kung alam niya lang sana ang dahilan kung ba't ako nagkakaganito, siguradong hindi ganyan ang magiging reaksiyon niya.

"Sa'kin na lamang 'yon. Salamat sa oras mo, Niño. Pero pasensya, tinatapos ko na kung ano man ang meron tayo." sabi ko at may kinuhang papel sa bag ko.

Letter.

Hindi ko alam kung babasahin niya ito pero sana. Sana pagkatapos ay maintindihan niya ang sitwasyon.

Mabilis akong kumilos at iniwan siyang mag-isa sa loob ng paborito naming restaurant.

Before I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon