"Bago ako mamatay, sana'y mabalikan ko ang lugar na nagbigay sa akin ng maraming alaala."
Dala ang bulaklak sa kaliwang kamay ay inilapag ko ito bago umupo.
Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang simoy ng hangin.
Nasa ilalim ako ng puno kung saan kami naglalaro noong bata pa lamang kami. Tiningnan ko ang paligid at nakita ang ibang magkasintahang naglalampungan.
"What brings you here?"
Napalingon ako sa likod ko.
Rayven, kababatang kaibigan ko.
Sabay na kaming lumaki kaso lumipat kami ng bahay kaya minsan na lang namin sila mabisita.
"Wala lang. Namiss ko lang." sabi ko habang nakangiti.
"Bago 'yan ah." tiningnan ko siya dahil sa nasabi niya kaya't bahagya siyang natawa. "Diba nga simula nung lumipat kayo'y parang napipilitan ka na lang bumisita dito?" pang-aasar nito.
"Busy eh." tugon ko.
"Yeah, right." umupo siya sa tabi ko at hindi na nagsalita ulit.
Sabay naming pinagmasdan ang paligid sa loob ng 3 oras. Gano'n lang.
Tumayo siya at naglakad palayo, marahil ay uuwi na dahil alas 5 na. Laking gulat ko nung bumalik siya habang may bitbit na Royal at ibinigay ito sa akin.
"Sana hindi ako makalimutan ng bayang 'to."
Napatingin siya sa akin. "Hindi ka talaga makakalimutan ng bayang 'to, kahit ilang buwan, taon o dekada ka pang hindi bumisita."
Napangiti ako sa sinabi niya at napatango. Tumayo ako at inalalayan siyang tumayo pagkatapos.
"Una na 'ko. Salamat sa oras." Nakangiti at sinserong sabi ko.
Tango ang sagot niya at hinatid ako ng tingin papunta sa sasakyang dala ko.
Sana, sana'y pag nawala na ako ay talagang di ako makalimutan ng bayang kinalakihan ko. Sana'y manatili ang saya sa bayang ito.
BINABASA MO ANG
Before I Die
General FictionTRIGGER WARNING // suicide // death // depression Date Posted: December 30, 2018 (12:36 am) Date Reposted: May 7, 2019 (1:58 am) Date Reposted (AGAIN): April 14, 2020 (12:53 am) Date Revised: January 29, 2021 (6:43 pm)