2

25 2 0
                                    

"Bago ako mamatay, sana'y masilayan ko ang ngiti sa labi niya kahit na iniwan ko siya."

Sa gitna ng napaka bising lugar, nakita ko siya. Hawak niya ang mga gamit niyang nakapaloob sa isang kahon na kulay berde.

Sobrang lungkot ng kanyang mata.

Nasesante na naman ba siya?

Ramdam na ramdam ko ang lungkot niya, ano bang nangyari?

Hinay-hinay akong umupo sa upuang madalas kong upuan. Pinagmasdan ko lamang siya sa malayuan, simula sa pagbuntong hininga niya habang naglalakad hanggang sa pagsakay niya sa sasakyan niyang minsan nang nasira.

Kasabay nang pag andar ng sasakyan niya'y pagbalik ng katinuan ko. Agad akong sumakay sa motor ko at sinundan siya. Huminto siya sa isang malaking bahay na nasa gitna ng naglalakihang puno.

Napangiti ako dahil dito.

"Pa!"mahabang lantanya ng isang batang babae. Tingin ko'y nasa anim na taong gulang na ito.

Kitang-kita ko kung paano nabuo ang ngiti sa labi ni Niño. Kitang-kita ko kung paanong muling mabuhay ang sistema nito. Kitang-kita ko kung paano lumiwanag ang mukha niya.

Ang kaninang hinang-hina na sundalo'y tila nakakita ng pag-asa kung kaya't siya'y bumalik sa gyera. Gano'ng-gano'n ang aking nakikita.

Sunod kong nakita ang ina ng anak niya. Alam kong walang pagmamahal sa pagsasama nila, nasa iisang bubong lamang sila para 'di maapektuhan ang bata.

Hindi ako takot lumaban at mas lalong 'di ako takot sa taong palaban. Takot ako sa taong walang laban.

Agad niyang ibinaba ang kahon at hinintay ang paglapit nang kanyang anak na kalalabas lamang ng gate. Tumakbo ito papalapit sakanya kaya maligayang sinalubong din ito ni Niño.

Ito ang hindi ko kayang ipagkait sakanila. Ang isang mapayapang pamilya. Magugulo ko lamang ang utak at kaluluwa ng bata kung lalaki siyang may dalawang pamilya.

Nakita ko na ang gusto kong makita, ang ngiti mula sa taong iniwan ko. Alam kong kaya niyang tumayong mag-isa, sana'y maging masaya siya.

Before I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon