It's those times when you're happy that you temporarily forget the things that you thought, matters.
I imagine life as a basket and everything is being thrown to us, be it a good lesson,
a moment of distraction,
a pointless matter and whatsoever.We just need to sort things out and identify if that "thing" being thrown at us would wound us or actually heal us even more.
But in my situation, i made it complicated...
I treated a "painful lesson" into a blessing.
It was thrown to me and i'm fully aware of its poison.
I truly believe that life is fair...
Our decisions and choices are what makes it unfair.'cause most of the time we embrace things that makes our lives hard to live..
------"Oh next! next!" sigaw ni Warren sakin sabay refill nung shot glass na ininuman ni Nina na katabi ko.
"Ako nanaman?!" gulat at kontra na sigaw ko sakanya.
Off namin ngayon, nagkataon na birthday ngayon ni Harold, yung barkada niyang laptrip lang ang peg simula college.
Close kami ni Harold, pero madalang ko siyang makita dahil di naman siya pumapasok lagi, pag lakad lang siya present madalas.
Tatlong buwan na rin kaming lumalabas labas at nakiki party netong si Warren.
Madalas walang traba-trabaho para sakanya, hanga nga ako eh. Nauuna parin pumasok kaysa sakin.
Minsan kase kakatukin niya ako pag weekends samin para lang kumain hanggang sa magda-drive nalang siya kahit san niya gusto.
Nag Star City pa kami ng di oras nung minsan dahil lang sobrang kainipan namin.
Minsan naman friday night o dikaya saturday ng hapon na niya ako pupuntahan para naman uminom kami kung saan.
Siyempre hati kami sa bayad, baka user na naman ako sa paningin niya, kahiya naman diba?
Masaya.
Nakakapagod.
Nakakatuwa.
Nakakagutom.
Nakaka asar.
Pero alam ko, malungkot parin siya.
May mga oras na may tumatawag parin sakanya, pero madalas rin na di niya yon sasagutin.
Sinasagot niya lang pag nanay niya.
"Mabilis ang ikot!" Abot niya ng shot glass sakin.
Tae sila. May duty pa kami bukas, sakit sila sa ulo.
Hindi talaga ako drinker, pero sabi nila mahirap daw akong lasingin. Puro sakit sa ulo lang naman kase epekto neto sakin...
Pasalamat tong si Warren NAKOOO
Rhum ang iniinom namin.
Pait.Actually, lahat naman ng alak eh.. Iba iba lang ng timpla o minsan may dagdag flavor pero sa huli parepareho lang pasasakitin yung ulo mong akala mo may ikinasakit na noon.
Kinalbit ko si Warren at bumulong "Cookies nga.." sabay nguso ko dun sa Chocolate chips sa kabilang lamesa.
Weird na kung weird pero sweets ang chaser ko, pasensya na... Umiiwas kase ako sa citric acid o kung ano man type ng acid.
Minsan tubig para di masakit sa ulo... Okaya asin, atsaka dahil parang mga taong kanto sila, walang chaser. Buti nalang may dala siya.
"Oh.." malumanay na abot niya sakin nung cookies.
BINABASA MO ANG
Her secret and its pain
Short StorySabi nila ang pag-ibig normal lang na may halong sakit, na hindi ito tunay kung walang bagyong dumating o dumaan.. Napapailing nalang si Zale, akala niya rin kase ganun... Pero lagi nalang bang ganoon? Lagi nalang ba na sakit ang pamantayan sa pag-i...