Buhay ko?
Hayahay. Tulog. Aral. Kain. Phone. Tulog. Aral. Kain. Phone.
Yan lagi ang routine ko sa buhay. Saya diba?
Kaso dahil sa family problem pinalipat ako ni Mommy ng school. Gusto nya daw kasing lumayo kay Dad. Kaya mas pinili kong sumama kay Mom kesa kay Dad. Kasi si Dad naman ang may kagagawan kung bakit kami nagkawatak watak.
***"Maghiwalay na tayo! Pagod na ako! Gabi gabi may babae ka! Paano yung anak natin!? Kung yung pera mo sinasayang mo lang sa pambababae!?" Narinig kong sumisigaw si mom.
Teka? Si Dad ba ang kausap nya? Wait? Si dad? Nambababae? Wtf?
"Akala mo ba ikaw lang yung napapagod?! Pagod na rin ako! Puro business inaatupag mo! Hindi mo na ako nabibigyan ng oras!" Sugaw ni Daddy kay Mom.
"Bakit!? Akala mo ba para sa sarili ko yung business!? Akala mo ba para yun sa lalaki ko!? FYI! una wala akong lalaki! At para sa inyo ng anak natin lahat ng ginagawa ko!" Mangiyak ngiyak na si Mom.
Bakit? Bakit sila nagkakaganyan? Yan ba yung napapansin ko lately? Kung bakit ang cold nila sa isa't isa? Dahil ba sa pambababae ni Dad?
"Oh!? Edi maghiwalay na tayo! Basta ako magpapalaki kay Dianne! Tapos!" Sigaw ni Dad sa pagmumukha ni Mom.
Teka kay Dad ako lalaki? Ayoko!
"Kay Mommy ako sasama" sabi ko sa gitna ng bangayan nila.
"Pero?...sakin! Mas deserve mong lumaki sa akin Dianne!" Ang kulit naman ni Dad?
"Mas deserve ko ngang lumaki sayo, pero ang tanong deserve mo bang palakihin ako?"
"Oh sige! Bahala kayo! Magsama kayo!" Lumabas na si Dad ng bahay dala dala yung mga gamit nya.
Tiningnan ko si Mom saka ko sya nilapitan.
"Mom? okay ka lang po ba?" Tanong ko kay Mommy tsaka sya niyakap.
"Lilipat tayo ng bahay" teka? What? Lilipat ng bahay? So ibig sabihin lilipat din ako ng school? Ayoko! Mahal ko yung school ko!
"Mom ayoko-"
"Walang ayaw ayaw asikasuhin mo na gamit mo"
What? Is that mom's final decision?
"Yes girl, it's my final decision"
"Hala? psycho na ba si Mom? Nakakabasa na sya ng isip?" pabulong kong sabi.
--------
Then there. I started a new life.
YOU ARE READING
Unexpected love
Teen Fiction"Gusto kita" "Hindi kita gusto" "Tuturuan kitang mahalin ako" "Ayoko. Mahirap" "Hindi madaling lang! Ako bahala sayo" "Hayss ewan ko sayo" Paano kung hnd mo alam na mahal mo na pala ang kaibigan mo? Paano kung kailan mahal mo na sya ay may mahal na...