Chapter 1: new

23 1 0
                                    

Dianne's POV

"Mae? Matagal ka pa ba? Mauna na ba ako?" Ang bagal naman kasi ni Mae.

"Wait etoh na. Okay I'm done. Did you wait so long?" Tanong nya naman habang inaayos ang makeup nya. Hay ewan ko ba dyan.

"Oo ang tagal mo kaya. Halika na baka malate pa tayo nakakahiya. Bago tayo sa school na yun tapos malalate pa tayo?" Ang kapal naman ng mukha namin nun diba? Bagong bago kami unang unang araw ng klase tapos malalate pa kami?.

"Sige ako na magdrive, mukhang d ka nakatulog eh" sabi ni Mae tsaka kinuha yung susi sa kamay ko. Hayss buti alam mo. Makaidlip nga.

---

"Dianne gising na, malapit na tayo" niyugyog ako ng niyugyog ni Mae habang nakatingin sya sa daan. Aish! Malapit na? Gusto ko pa matulog.

"Mae pwedeng pagnakapark ka na saka mo nalang ako gsingin. Mukhang medyo traffic naman eh"

"Oh sige, sabi mo eh. Basta kwento mo kung ano nangyari kagabi at hnd ka nakatulog" hayss kilalang kilala talaga ako ng kaibigan kong toh.

---

Nandto na kami sa hallway naghahanap ako ng C.R. para naman makaraos na ako. I need to pee now. may dumaan na babae sa harap ko hnd ko na napigilan kaya kinalabit ko sya.

"Bakit miss?" Tanong nya sakin habang nakangiti. Mukha naman syang mabait.

"Itatanong ko lang sana kung nasaan yung C.R. dto" tumango tango sya at tinuro yung daan papuntang confort room.

"Doon miss. Bago ka ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita"

"Ahh Oo, transferee ako." Tumango nalang sya tsaka nagpaalam na mauna na daw sya at baka mahuli pa sya sa klase nya.

Nauna na sakin si Mae sa classroom namin tutal magkaklase lang naman kami. Pagkatapos kong magC.R. sumunod na ako sakanya. Sakto lang naman ang dating ko kasi wala pa ang teacher namin.

"Tumae ka ba? Ang tagal mo eh" huh? Grabe naman sya sakin! Hnd ba pwedeng naligaw lang kaya natagalan. Inarapan ko nalang sya.

Nang makarating ang teacher namin binati nya kami at ganoon din ang ginawa namin. Sa gitna ng pagtuturo nya ay biglang bumukas ang pinto. May dalawang lalaki dun na pawis na pawis habang hinihingal.

"Mr. Fortalejo and Mr. Gonzales you're late!" Sigaw ng teacher namin sakanila. "Sit down! I'm teaching do not disturb!" Nakita kong nagmurmur ang isa sakanila. Si Fortalejo ata yun o baka si Gonzales. Ay ewan! D ko naman sila kilala eh, bahala sila sa buhay nila.

"Okay class dismiss." Sabi ng teacher namin. Sa wakassd! Lunch break na. Sabay kami lumabas ni Mae papuntang Canteen.

"Nakita mo yung dalawang lalaki kanina? Wala silang galang sa teacher. Bigla ba naman buksan ang pinto ng walang pahintulot tapos hindi pa magsasabi ng sorry we're late. Hay nakoo"

Sa bagay may point dun si Mae. "Pero alam mo ang gwapo nila pareho. Lalo na yung nagmurmur kanina. Ang kissable ng lips nya" inarapan lang ako ni Mae.

"Yan tayo eh! Pagdating sa lalaki ganyan ka umasta! ewan ko sayo!" Hala? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah? Anong masama dun?.

Nung nasa pila kami ni Mae natagalan kami kasi ang daming sumisingit. Umalis nalang ako dun kasi nakakainid yung mga tao. Yung baon ko nalang ang kakainin ko.

"Huy!"

"ay baklang palaka!" Grabe naman kung makagulat ang taong toh.

"Hahahaha sorry miss. Vincent nga pala" inabot nya yung kamay nya saken. Teka etoh yung isa sakanila kanina ah? Vincent pala pangalan nya. So ano pangalan nung nagmurmur kanina? Wait feeling close din tong isang toh eh.

Unexpected loveWhere stories live. Discover now