Chapter 2: Broken Hearted

13 2 0
                                    

Dianne's POV

2 weeks na ang nakalipas.

"Mae mauna na ako sayo sa school huh?" Nagtatakang tumingin sakin si Mae.

"Huh? Bakit?" Ano ba yan. Kung makatingin naman si Mae wagas.

"Hnd pa kami tapos sa groupings namin. Kayo?" Sagot ko kay mae habang inaayos ang bag.

"Tapos na. Pero...kung ikaw ang mauuna ibig bang sabihin? Maglalakas lang ako?" Tanong nya sakin ng nakasimangot.

"Exactly baby. Bye" nagmadali akong lumabas ng bahay. Mahirap na at baka magpacute pa sya sakin at hnd ko sya matiis. Naku naku.

Bumaba agad ako ng kotse pagkatapos magpark. Actually medyo maaga ako. 3 plng kaming andto eh. Ako. Si Cass. Tsaka si Carl. 4 pa ang kulang saamin. Si Yvonne. Si Kyle. Si Jasmin. At tsaka si Josh.

Si Josh. Wala pa si Josh. Nagsalita ang leader namin. Si Cass "3 pa ang kulang sa atin, antayin nalang natin sila. Baka natraffic lang" tumango lang si Carl.

Wait?! 3 nalang? Teka 4 pa ah! "Cass 4 pa yung kulang 3 pa lang tayong andto." Tumawa sya ng mahina.

"Nasa school ground si Josh. He needs time to cry daw sabi nya." Saka umalis si Cass para magC.R. nagpaalam ako kay Carl na susundan ko lang si Josh.

nakita ko syang nakaupo habang nakayuko. Umiiyak nga sya. Pero bakit?. Lalapit sana ako sakanya pero bigla syang sumigaw.

"KEITH BAKIT!? BAKIT GANITO GINAWA MO SAKIN!?" umiyak ulit sya. Lalapitan ko na talaga sya!

"Josh" Tumingila sya para tumingin sakin.

"Dianne?" Nginitian ko sya. Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha nya.

"Josh? bakit ganyan ka? Anong nangyari?" Niyakap ko sya pagkatapos kong sabihin yun. Umiyak lang sya ng umiyak. Hinayaan ko nalang muna sya hanggang sa magsalita sya.

"Dianne ang sakit! Sobrang sakit! Hnd namab ako nagkulang! Pero bakit nya pa rin ako iniwan?!" So...broken hearted si Josh?

"Josh andto naman ako eh. Handa akong makinig sa problemang pinagdadaanan mo. Handa akong patahanin ka. Handa akong pasayahin ka. Handa akong icomfort ka. Handa ako lagi basta para sayo"

"Dianne ang hirap kasi eh" kumalas ako sa pagkakayakap ko sakanya tsaka sya tumingin sa langit. "Dianne sabi nya sakin walang iwanan. Sumangayon ako dun. Pero bakit sya yung nangiwan? Dianne naniniwala na rin naman ako eh. Na wala na talagang kami. Pero dianne ang hirap tanggapin." nakatingin pa rin sya sa langit at iyak ng iyak.

Josh tama na. Nasasaktan ako kapag umiiyak ka. Pero mas lalo akong nasasaktan kung yung iniiyakan mo ay iba. hinawakan ko yung pisngi nya at hinarap sya sakin.

"Josh wala namang magagawa yang pagiyak mo diba? Walang mangyayari kung hnd ka gagawa ng paraas para mkalimutan mo ang lahat. Kung iiyak ka lang magdamag mamumugto lang yang mata mo. Kung magmumukmok ka lang sa gilid walang mangyayari sayo. Josh maawa ka sa sarili ko. Tulungan mo ang sarili mo. Para naman may nagagawa ka. Gumawa ka ng paraan para makalimutan mo sya. gumawa ka ng paraan para maibaon mo lahat ng alaala. Gumawa ka ng paraan para makabangon ka. Maraming nagmamahal sayo hnd lang yang Keith na yan. Hnd nya nakita ang halaga mo kaya iniwan ka nya. Hayaan mo sya. Sya rin naman ang magsisisi at hnd ikaw diba?"

Biglang hinawakan ni Josh yung kamay ko na nasa pisngi nya. Binaba nya ito pero hnd nya pa rin binibitawan ang kamay ko.

"Dianne, salamat. Susubukan kong gawin" umiling ako sakanya.

"Huwag Josh. Huwag mong subukan. Josh gawin mo" nginitian ko sya a weak smile. Ngumiti din sya sakin a sad fake smile.

"Tara na. Baka kumpleto na sila dun." Sabi sakin ni Josh at tumayo na sya. Hindi ako makatayo ansakit sa paa. Bigla naman ako nagulat ng iaabot ni Josh ang kamay nya kaya syempre kinuha ko na. Papakipot pa ba ako? Baka magbago isip eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpected loveWhere stories live. Discover now