Destiny

1.2K 40 6
                                    

A/N: First one shot story ko to guise! Sana magustuhan niyo! Kung may katulad man na ganyang story well, hindi ko alam kung bakit. Siguro coincidence lang. Hope you like it guise!

All rights reserved 2014

© AnnieeAnne

Enjoy!!

**********

DESTINY

Chloe's P.O.V

           "Alam mo bes, ikaw na yata ang pinakamalas na babaeng nakilala ko sa lovelife!" sabi ng bestfriend ko na si Sofia pero ang tawag ko Sofie.

           Bestfriend ko yan since birth, mag-bestfriends kasi ang mama namin. 

           "Alam ko, kaya 'wag mo ng sabihin!" sabi ko naman sa kanya. Paano ba naman kasi yung crush ko. May girlfriend na e aamin na nga ako sa kanya.

          Nagkaroon na din ako ng boyfriend pero lahat yun wala! Walang nagtatagal! Hindi ko nga alam kung bakit ang malas ko sa lovelife e. Nakaka-inis! Gusto kong mahanap yung destiny ko.

           Si bessie naman, meron ng boyfriend at 5 years na sila since nung highschool pa. Swerte niya nga e, kailan ko kaya mahahanap yung lalaking para sa akin?

       Oo nga pala ako Chloe Mendez, 20 years old college student at sawi sa pag-ibig. Pero go pa rin ako sa paghanap nung lalaki na para sa akin. Ako na nga yata ang pinakamalas na tao sa buong mundo e. Maraming nagsasabi na maganda, mabait, talented at matalino ako, pero bakit wala daw akong lovelife.

           "Hahaha! Siguro nung umulan ng kamalasan sa lovelife sinalo mo lahat. Haha! Pero 'wag kang mag-alala mahahanap mo rin yung destiny mo na yan!" yan ang bestfriend ko, supportive pero minsan aasarin ka pa. Ang bait niya ano?!

            "Nakaka-asar ka Sofie! Lagi mo na lang akong inaasar porque may lovelife ka! Hmp!" sabi ko sa kanya syempre magkukunwari akong nagtatampo, gustong gusto ko kasi na nilalambing ako niyan e ^-^

            "Anong akala mo madadaan mo ako sa tampo effect mong yan? Kahit mag-pout ka diyan di kita lalambingin!" grabe ang bait niya talaga guise no? Ang swerte ko no? Tss..

            "Tss.. Ewan ko sayo!" sabi ko at lumabas ng room. Oo nga pala nandito kami sa room, wala pa naman yung prof. namin kaya lalabas muna ako.

            "Chloe! Di ka naman mabiro e! Uy bumalik ka dito!" sigaw niya sa akin pero patuloy lang ako sa paglakad nagugutom na ako e. Kaya pupunta muna ako sa canteen.

            Pagdating ko sa canteen madaming tao, tambayan kasi naming mga students 'tong canteen. Habang naglalakad ako napatingin ako dun sa crush ko, at kasama niya yung girlfriend niya. 

             Sa totoo lang maganda yung girlfriend niya. Maputi, maganda, matalino, matangkad, talented, at para siyang mod----

             "Aray!" sabi ko. Paano ba naman kasi may nakabunggo sa akin. Kasalan ko din naman naglalakad ako tapos hindi ako nakatingin sa dinadaan ko.

             "Sorry miss, okay ka lang ba?" sabi sa akin nung lalaki. At nilahad yung kamay niya para tulungan akong makatayo.

             Kinuha ko naman yung kamay niya, at alam niyo yun? Ang lambot ng kamay niya parang pambabae. Nang makatayo na ako pinagpag ko yung palda ko. Baka kasi madumi e.

              "Okay lang ako, sorry din hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." sabi ko at pagtingin ko sa lalaki. Oh my gulay! Ang gwapo! New student lang siguro 'to, ngayon ko lang siya nakita e.

MyungU One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon