Only Tears

409 20 10
                                    

Only Tears

Chloe's P.O.V

            Napakasaya ko ngayon! Akalain niyo yun, 1st anniversary na namin ni Dylan!

            Siya pa lang yung lalaking naging boyfriend ko at ganun din siya. Kaya nga yung mga kaibigan namin sinasabi na meant to be talaga kami e.

            So, 1st anniversary nga namin ni Dylan ngayon kaya gusto ko siyang i-surprise. Balak ko sanang mag-dinner kami sa isang restaurant para i-celebrate yung 1st anniversary namin.

            "Bessie! Okay na daw yung surprise mo sabi nung manager nung restaurant!" sigaw sa akin Sofia, kaya agad akong pumunta sa kanya.

            "Talaga? Sabihin mo thank you!" sabi ko habang tumatalon dahil sa tuwa, sana maging perfect 'tong dinner date namin ni Dylan.

            "Uy, hindi ka pa ba mag-aayos? 5:00 na 7:00 po yung dinner date niyo ng boyfriend mo!" sabi sa akin ni bessie kaya agad akong pumasok sa banyo.

            Kailangan kong magmadali! Ayaw ko namang ma-late ako dun noh! At isa pa mag-aayos pa ako ng sarili ko.

            Pagkatapos kong maligo, pinatuyo ko ka-agad yung buhok ko at nagpa-ayos na kay Sofia. Fashionista kasi yung bestfriend ko na yun.

            "Ayan! Perfect, ang ganda mo na bessie!" sabi niya pagkatapos niya akong make-upan.

            "Maganda naman talaga ako noh! Mas gumanda lang ako ngayon!" sabi ko sa kanya, syempre biro lang yun.

            "Haha! Oo na, dali pumunta ka na sa restaurant baka mamaya ma-una pa sayo yung prince charming mo!" sabi niya kaya napa-ngiti ako.

            Agad naman akong pumunta sa restaurant at pagdating ko, wala pa siya. Okay na yun, medyo maaga naman akong pumunta dito e. Ang usapan naman namin 7:00 e 6:20 pa lang.

             Isang oras na ang lumipas at wala pa rin siya, okay lang yan baka nag-aayos pa yun kaya medyo natagalan, late pa lang naman siya ng 20 minutes e.

             Isang oras ulit ang lumipas pero wala pa rin siya, mukhang hindi na nga siya pupunta.

             "Waiter! Paligpit na lang po ng mga pagkain. Eto na rin po yung bayad para sa lahat." sabi ko sa waiter at inabot yung pera para sa nagastos ko dito sa restaurant.

             Akala ko pa naman magiging memorable 'tong 1st Anniversary namin kaso, hindi naman siya pumunta.

             Pagkalabas ko ng restaurant nakita ko si Dylan kaya napangiti ako. Agad akong tumakbo sa kanya at niyakap siya.

             "Akala ko hindi ka pupunta." sabi ko sa kanya habang yakap yakap siya.

             Okay na sa akin yung nalate siya kaysa sa hindi siya pumunta, masaya pa rin ako kasi nakita ko siya.

             "Sorry pero hindi yun yung pinunta ko dito." biglang nawala yung ngiti ko nung sabihin niya yan. Agad naman akong humiwalay sa yakap at hinarap siya.

             "A-anong ibig m-mong sabihin?" nag-aalangang tanong ko, hindi ko alam pero parang ayaw ko ng marinig yung mga susunod niyang sasabihin.

             "Salamat sa lahat ng saya na binigay mo sa akin sa isang taon, salamat din sa pagmamahal na binigay mo. I love you Chloe, but I'm breaking up with you.." sabi niya sa akin.

MyungU One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon