Sticky Notes

306 18 2
                                    

Sticky Notes

Chloe's P.O.V

          Nakaka-inis na talaga! Kailangan ba talagang tambakan kaming mga estudyante ng homeworks, projects at ng kung ano-ano pa?! 

          Hindi naman yata makatarungan yun noh! Nakakapagod kayang gumawa ng projects at homeworks lalo na kung sabay-sabay. Tapos bukas may quiz pa kami, grabe ang saya nun!

          "Chillax lang Chloe! Masyado ka naman kasing nagsusunog ng kilay diyan e! Magpahinga ka naman kahit isang oras lang." sabi sa akin ni Sofia. Palibhasa kasi siya papetiks-petiks lang!

          Alam ko namang mas matalino siya sa akin kaya ganyan siyang magsalita. Well, matalino rin naman ako, pero hindi ako matalino katulad niya.

          "Chillax? Sofie naman! Palibhasa kasi tapos mo na yung homeworks at projects mo kaya papetiks-petiks ka na lang para sa quiz natin bukas! Tulungan mo na lang kaya ako dito sa sticky notes na 'to!" sabi ko sa kanya.

          Yung adviser kasi namin na si Ms. Katakutan, yup MS. KATAKUTAN pero may asawa na talaga siya Ms. lang talaga ang tawag namin sa mga guro naming babae.

          Okay, so back to the topic. Si Ms. Katakutan, nakakatakot talaga yung mukha niya para siyang ewan na tinubuan ng mukha. Masyado ba akong harsh sa kanya? Who cares! Mahirap kasi yung binigay niyang assignment!

          Ano nga ba yung assignment namin at nag-aalburoto ako dito na parang bulkan? Well, gagawa lang naman kami ng puzzle gawa sa sticky notes at kailangan may kinalaman sa topic namin na LOVE.

          Wala naman akong alam sa love na yan noh! Hindi ko pa nga nararanasan na ma-inlove sa isang lalaki e! Pero may hindi ako alam.

          Si Dylan Ignacio na 1st honor sa klase namin. Maputi, matangkad, matangos ang ilong, magaling sumayaw at kumanta, at higit sa lahat matalino. Obvious naman na matalino siya, right? Siya nga yung 1st honor e.

          "Okay fine! Ano bang topic ang gusto mo tungkol dito?" tanong niya sa akin. Eh sa wala nga akong alam tungkol sa love na yan, siya na lang yung pinag-isip ko at siya na rin yung pinagawa ko. Hindi niya naman ako matitiis e.

          So, back tayo sa kinukwento ko. Si Dylan Ignacio, hindi ko alam kung anong meron sa kanya, pero sa tuwing nakikita ko siya lalo na kapag naka-ngiti. Bigla na lang nabubuo yung araw ko na para bang kapag hindi ko nakita yung ngiti niya hindi makumpleto yung araw ko at hindi ako makuntento.

          Minsan naman kapag kinakausap niya ako, bigla na lang bibilis yung tibok na puso ko. Ewan, parang baliw 'tong puso ko at bigla na lang titibok ng mabilis! Pero si Dylan kasi heartthrob sa campus namin. Maraming babaeng nagkakagusto diyan.

Sofia's P.O.V

          Grabe talaga 'tong bestfriend ko, ako daw ba pagawain ng assignment niya, pero okay lang yun love ko naman siya e. Pwehh! Hahaha joke lang.

          Habang ginagawa ko yung puzzle niya na gawa sa sticky note— na pinagawa ni Ms. Katakutan— napansin ko na nakatulog siya habang ginagawa yung project niya sa study table niya.

          Kinuha ko naman yung kumot niya at nung ilalagay ko na sa kanya yung kumot bigla siyang nagsalita.

          "Dylan.." sabi niya habang natutulog. Hahaha crush niya kaya si Dylan? Napaka-inosente kasi netong bestfriend ko kaya hindi niya nasasabi sa akin kung ano yung mga nararamdaman niya e!

MyungU One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon