Basketball Game

567 22 23
                                    

Basketball Game

Chloe's P.O.V

            "Sige na bessie! Samahan mo na ako! Please!" sabi sa akin ni Sofia, paano ba naman kasi nagpapasama sa akin na manood ng basketball game.

            Maglalaro kasi yung boyfriend niya at gusto niya akong isama kasi mag-isa lang daw siyang pupunta doon.

            "Eh hindi naman ako nanonood ng basketball e, ang boring kaya nun!" sabi ko naman sa kanya. At hate ko ang basketball, hindi ko nga alam kung paano mag-shoot e.

            "Sige na bessie, kahit ngayon lang! Please!" sabi niya sabay pout, kaya iniwas ko yung tingin ko, yan yung weakness ko sa kanya. Yung nakikita ko siyang naka-pout.

            "Tigilan mo nga yang pag-pout mo! At isa pa, mao-op lang ako dun!" sabi ko totoo naman e, at ano namang gagawin ko dun? Wala naman akong kakilala doon bukod dito sa bestfriend ko at yung boyfriend niya na si Jhake.

             "Hindi ka mao-op dun bessie, sige na kasi samahan mo na ako kahit ngayon lang. Please." pagmamaka-awa niya sa akin.

             "Oo na, sasamahan na kita. Basta last na to huh?" tanong ko sa kanya, ang kulit kasi e. Kanina niya pa ako inaaya na pumunta doon. Eh kasi naman wala naman akong gagawin dun kundi umupo lang.

              Nung nakaraan namang isinama niya ako dun, na-op ako sa kanilang dalawa ni Jhake, remeber? Mag-syota sila. 

              "Oo, promise! Last na 'to." sabi niya at tinaas yung kanang kamay. Tumingin naman agad siya sa orasan at..

              "Chloee!!! Male-late na tayo sa basketball game ni Jhake!" sigaw niya at bigla akong hinila palabas ng bahay.

              Pagdating namin sa basketball court, hindi pa sila nagsisimula. Marami na ring tao sa loob.

              "Babe!" sigaw ni Jhake, sino pa bang tatawagin niyan? Edi, yung bestfriend ko. -,-

              "Babe! Buti na lang at hindi pa nagsisimula yung game niyo! Muntikan na kaming ma-late ni Chloe!" sabi sabay yakap kay Jhake. Psh, PDA.

              Bitter ka lang, kasi wala kang boyfriend! sabi nang utak ko. Letche kang utak ka! Hindi ako bitter ano! Psh.

              "Nandyan ka pala Chloe, sorry hindi kita napansin. Ang liit mo kasi e. Hahaha!" sabi niya sa akin kaya naman sumagot agad ako.

              "Edi ikaw na matangkad! Kapag ako talaga tumangkad, who you ka sa akin." sabi ko at dumiretso na sa bleachers. Narinig ko naman silang tumawa.

               Tss, hindi man lang ako pinagtangol nung bestfriend ko. Tinawanan pa talaga ako! Umupo na ako dun malapit sa mga players nung ka-team ni Jhake.

               Hindi ko naman kilala lahat yung mga ka-team ni Jhake sa totoo lang siya lang ang kilala ko.

               Maya-maya pa, nagsimula na yung game at laging nakaka-shoot yung #13 na player. Ignacio yung surname.

               Ang laki nung lamang nila dun sa kalaban nila 20-10. At parang si Jhake lang at yung Ignacio yung surname yung naglalaro. Silang dalawa lang kasi yung halos nag-shoshoot sa team nila. Lagi kasi nilang inaagaw na dalawa yung bola kahit kakampi nila yun. Mga baliw.

                Pagkatapos nung game, nanalo yung team ni Jhake, lagi namang panalo yung team nila e. At nakita kong nag-apir pa sila nung Ignacio.

MyungU One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon