Chapter Three

15 3 0
                                    

Xhiella's Point of View

Nang makalipat kami sa bagong pwesto ay agad kong tinanong si Chloe.

“Anong mga pangalan nila?”

Napatingin siya sa akin at napakurap. Nilunok na muna niya ang kinakain niya bago ako sinagot.

“Queen's name is Veronica Kate Alvarez”

“Ipakilala mo nga sa akin 'yong mga Royalties”

“Sa mga lalake na Royalties, I'm not sure who is who dahil hindi naman nila pinapaalam kung sino. Basta ang alam ko ang kapatid mo ay isa sa mga Royalties"

“Sa mga babae, si Queen ang sinusunod ng grupo niya” Kumunot ang noo ko

“What? Magkaiba ang grupo ng Royalties na lalake sa babae?” Tanong ko

“Yup. Hiwalay ang lalake at babaeng Royalties pero same pa rin si Queen sa posisyon ng King.” Nagtataka akong tumango.

“Ang sumusunod sa rank ni Queen ay si Empress, si Monica Louisse Young. Ang sunod naman ay si Maddison Cyrill Lee, ang Princess. Transferee rin siya katulad mo kaya lang medyo matagal na siya sa'yo. Nakakapagtaka nga lang na nakapasok agad siya sa grupo ng Royalties”

Inulit-ulit kong bigkasin sa utak ko ang mga pangalan na sinasabi sa akin ni Chloe.

“And last but definitely the least, ang Duchess. Si Tremaine Aina Hwang”

Tumango ulit lang ako. Kahit papano, kilala ko na sa pangalan. Ang hindi na lang ay sa mukha.

“Sis...”

Napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang malamig na boses ni Kean at agad na nakita ko ang nanlilisik na mga mata niya habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay pero mas naging masama ang ibinibigay niyang tingin sa akin kaya sinamaan ko rin siya ng tingin

“Sis, ano 'yong naririnig kong nakipag-sagutan ka kay Queen?”

“Ano ngayon?”

Napasabunot siya sa buhok niya at mas lalong naging masama ang pagkakatingin sa akin. May ikakasama pa pala ang mukha niya.

Napaiwas ako nang tingin at bumuntong hininga para pigilan ang sarili kong tumawa sa mga naiisip ko. Ibinalik ko ulit ang paningin ko sa kanya para magsalita

“Ano namang problema do'n? Lahat dapat ng tao dito pantay-pantay. Walang mas lamang”

“Sis, si Queen 'yon! Isa sa mga Royalties! Bakit mo naman ginawa 'yon!?”

Napansin kong napapalingon na sa amin ang ilang kumakain. Nang makitang nakatingin ako sa kanila ay mabilisan silang tumayo at umalis. Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Kean at nakita kong hinihilot na niya 'yong sentido niya.

Napatingin ako kay Chloe nang mapansing palihim siya na tumatawa. Nang makitang nakatingin ako, nag-peace sign siya bago umiwas ng tingin at palihim ulit na tumawa.

Napailing na lang ako. Hinarap ko si Kean at bago pa siya makapagsalita ay tinuro ko na si Chloe na alam kong makakapagpatahimik sa kanya.

Lumingon siya sa tinuro ko at nanlaki ang mata niya nang makita si Chloe sa harap niya. Ngumiti sa kanya si Chloe at naramdaman kong nanigas ang kapatid ko sa kinatatayuan niya. Palihim akong napangisi bago palihim na inilabas ang cellphone ko at ni-record si Kean.

“C-chloe. Andito ka pala” Muntik na akong matawa ng malakas nang marinig kong mautal si Kean.

“Oo. Kanina pa kaya ako nandito. Sige na, 'wag niyo akong pansinin. Ituloy mo na 'yong panenermon mo sa kapatid mo”

The RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon