Samantha Villaroel

1.1K 8 2
                                    


Once upon at time there lived a beautiful princess in a faraway kingdom.....


Yan ganyan nagsisimula lagi ang kwentong may happily ever after pero in reality wala naman happily ever after.


Ako si Samantha Villaroel. Sam for short. Ang dakilang kaibigan sa magbabarkada. Yung kaibigan na laging takbuhan ng broken hearted. Hindi ko alam pero hindi ko talaga maintindihan yung mga taong nasasaktan.


Nasasaktan ka na nga tapos sige ka pa rin. Ano te? Hindi napapagod masaktan? Martyr? Masokista? Hindi naman kasi sana baleng masaktan kung isang beses lang pero yung kaibigan kong si Ann aba unlimited yata yung katangahan.


Lumaki akong may paniniwalang hindi ka masasaktan kung hindi mo pahihintulutan. Madami pa diyan kapag sinaktan ka "Life must go on" pa din. Kapag umiyak ka isang beses lang todohin mo na. Huwag mong gawing unlimited yung luha mo para sa walang kwentang tao. Hindi ka naman pinalaki ng magulang mo para saktan lang ng iba.


Ann is not like that before until Josh came to her life. Always as in always niyang sinasaktan si Ann not physically pero grabe mentally, psychologically at emotionally which is mas masakit di ba? Kagaya ngayon nandito na naman kami sa restroom dahil hindi sya tumitigil kakangawa.


"Ann, ano ba? tumigil ka na nga. Malapit ng matapos yung break time natin hindi ka pa din tapos kakangawa mo. Dapat sanay ka na. Pang-ilang beses na ba iyan pag ngawa mo? Hindi ka pa ba namamanhid?" tanong ko sa kanya kasi paulit-ulit na lang siya. 


"Hindi mo kasi ako maintindihan. Hindi ka pa kasi nasaktan dahil nagmahal ka." sagot niya habang humihikbi hikbi pa din.


"Ilang beses ko na kasing sinabing hiwalayan mo na pero ano ganyan ka pa din kasi mahal mo. Hindi ka ba mabubuhay ng wala yung lalaking yun? At siguro nga hindi ko naiintindihan pero sa nakikita ko hindi ko din gustong maranasan yan." sagot ko sa kanya habang pinupunasan ko na ang luha niya dahil late na naman po kami sa trabaho. Grabe kasing lalaki ang perwisyo lang.


"Balang araw, Sam, maiintindihan mo ko kasi mag-mamahal ka din. At sana kapag nagmahal ka hindi ka saktan." sagot niya habang titig na titig sa akin. "Ayaw kong maranasan mo ang masaktan."


"Don't worry. Hindi ko hahayaan ang kahit na sinong makapasok sa buhay ko para lang saktan ako." sagot ko sa kanya.


Until he came.


Hindi ko lubos akalain na darating ako sa point ng buhay kong nagpapakatanga para sa isang lalaki.


Amiel Villamir. My bestfriend. My fiance to be pero may ibang mahal.


Hanggang saan ko kayang ipaglaban ang pagmamahal na hindi kayang suklian.


Should I give him up for his happiness?


or 


Try to make him fall for me? 


Kasi d ba baka pwede? Baka kaya naman niya kong mahalin?


Baka sakaling kapag pinakita ko kung gaano ko siya kamahal ako naman ang piliin niya.


Baka ako naman ang mahalin niya.


Baka mahalin din niya ko higit sa pag-mamahal bilang kaibigan.


Kasi....


Sa mga baka na iyan ako kumakapit.


Baka dumating yung time na sa akin naman yung attention niya.


Baka hindi na niya ko masaktan.


I love him and he cannot love me the way I want him to love me.


Ano ba ang kulang sa akin?

Ano ba ang wala sa akin?

Why should I feel this way?

Minahal ko lang naman siya.

Bakit hindi niya na kayang ibalik.

Baka SakaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon