Sam's POV
Wedding ngayon ni Ann.
Yup. Sa hinahaba-haba ng prusisyon, sa simbahan ang tuloy pero nope hindi si Josh.
Kung si Josh man hindi ako aattend. Grabe ang tanga ng kaibigan ko kung si Josh pa din ang pinili niya.
Well, masaya ako para kay Ann kasi natagpuan din niya ang tinatawag niyang Mr. Right. Biruin mo yun palang Supervisor sa kabilang department ay mahal siya.
"Congratulations Mr. and Mrs. Alejandro" sigawan ng mga tao. Napangasawa ni Ann si Ezekiel Alejandro. Mabait naman siya. Makikita mong mahal na mahal niya ang kaibigan ko.
Naglakad ako palapit sa bagong kasal.
"Congrats. Alagaan mo itong kaibigan ko. Kahit baliw yan. Mabait yan." sabi ko ng makalapit ako sa kanilang dalawa. Madami din kasing pinagdaaan itong kaibigan ko na ito kaya deserve niya ang mahalin siya. Salamat na lang din talaga at nagising siya sa katotohanan na hindi talaga pang seryoso yung ex niyang masama ang ugali.
"Thank you. Oo, aalagaan ko ito." sagot ni Ezekiel.
"Salamat sa lahat. Sana ikaw din matagpuan mo na ang mag-mamahal sa iyo." hirit nitong kaibigan kong hopeless romantic at hindi nawawalan ng pag-asa sa buhay pag-ibig ko.
"Sapat na sa akin na makita kang masaya. O sya, mauna na ako at may dinner meeting daw kami nila Mama."
"Thank you, Sam. I really hope na maging masaya ka." sabi ni Ann sabay yakap sa akin ng mahigpit.
"Masaya ako kahit wala akong love life. Baliw ka. Mauna na ako" paalam ko sa kanya.
Nakarating ako agad sa restaurant kung saan kami kakain nila Mama. Ewan ko ba pero biglang nag-aya ang magulang ko. Habang kumakain ay nagulat na lamang ako ng biglang dumating si Amiel ang bestfriend ko na kapitbahay lang naman namin kasama sila Tita. Bestfriend si Tita at Mama kaya naging mag-bestfriend na din kami ni Amiel.
"Uyy. Sam, kamusta? Gumaganda tayo ahh." bati ni Amiel sa akin sabay apir.
"Tangeks. Kasal kasi ni Ann ngayon kaya naka make-up ako." sagot ko naman sa kanya at pinaupo siya sa tabing upuan ko. Sanay na din naman kami na biglaang kasama ang bawat pamilya pero parang may iba ngayon.
"Akala ko naman ay galing ka sa date. Ano ba yan? Tanda mo na Sam, makipag-date ka naman."
"Manahimik ka nga Amiel. Nagsalita ang may girlfriend." sagot ko sa kanya at saka uminom ng tubig.
"Bagay talaga sila. Tamang-tama ang desisyon natin." sabi ni Tita Rose na ikinalingon namin sa magulang namin na nasa harap namin.
"Po?" sabi ni Amiel. "Anong desisyon, Mommy?" tuloy pa niya.
"Tutal parehas kayong single, napag-desisyunan namin na ipagkasundo na lang kayo at mag-bestfriend naman kayo. Matatag na ang foundation niyo, anak." sabi ni Tita Rose.
"Isa pa, tinatanong namin itong si Sam kung wala siyang against sa arranged marriage. Wala naman daw." sabi naman ng akin Mama.
"Pero, ako po meron. May nililigawan po ako." sagot ni Amiel ng may respeto pa din sa pananalita.
"May nililigawan k?" tanong ko at nalito. Nakita ko na hindi ayos kay Amiel ang mga nangyayari.
"Hindi mo naman lubusan kilala ang babaeng iyon. Hindi kagaya nitong si Sam, hijo." tuloy ni Tita Rose.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero tumayo na lamang si Amiel at umalis ng walang paalam.
Wala akong tutol sa arranged marriage pero ayaw kong saktan ang bestfriend ko.
Ayaw ko siyang mahirapan.
Pero bakit nung nalaman kong may nililigawan siya parang ang sakit?
BINABASA MO ANG
Baka Sakali
FanfictionLife will never be fair. Same as love will never be fair. Sa isang relasyon may mas magmamahal at umuunawa pero hanggang kailan? Hanggang saan ka kayang dalhin ng pagmamahal mo? Cto for the cover photo