Final exam ng mga graduating. Make or break. Terorista ang prof nila sa major subject na ito. Walang pakialam kung graduating ka o hindi. Kung bagsak, bagsak.
Parang barangay tanod ang prof. Ikot nang ikot sa buong classroom. Lahat ng kahina-hinalang kilos, lingon o titig ng mga estudyante, sinisita nito.
May nag-vibrate na cellphone na nakapatong sa armchair.
“Turn it off! Or keep it away!” bulyaw ng prof.
Pinagtinginan ng lahat ang estudyanteng nagpupumilit na mai-off o itago ang cellphone.
Balik uli ang lahat sa pagsasagot.
Maya-maya, yung estudyanteng yun ay tumingin uli sa phone at pagkatapos ay sa prof.
Nagduda na ang prof.
Gawain kasi ng ibang estudyante na ilagay ang sagot sa cellphone.
Lumalapit pa lang ang prof sa may hawak ng cellphone ay umiyak na ang estudyante.
“Give me your phone, you’re cheating.”
Pagkaabot ng estudyante ng cellphone sa teacher, dinampot na nito ang bag, at saka bumira ng takbo papalabas ng classroom. Iniwan ang test paper.
“Class, you’re all my witnesses, your classmate is cheating. Will you read kung anong nakalagay sa message?”
Tumayo ang estudyanteng inutusan. Binasa ang phone.
“Y di u sagot tawag namin? Wala na si Dad. D niya na-survive ang operation. D2 kami hospital.”
---------------------------------------
{ i do not own the story. Gusto ko lang i-share sa inyo }
![](https://img.wattpad.com/cover/1890668-288-k732203.jpg)
BINABASA MO ANG
Si Ma'am Kasi (ni Eros Atalia)
Mistero / ThrillerA VERY SHORT STORY ... Isa ang short story na 'toh sa 100 dagli sa Aklat na: Wag Lang Di Makaraos ni Sir. Eros Atalia. Basahin ninyo para malaman kung bakit sa 100ng dagli sa aklat, ito ang pinost ko.