Panimula

14 8 0
                                    

Handa na ako, sana maging maganda ang kalalabasan ng gagawin kong ito



Hindi ko na matiis na itago at itanggi pa ito




Ilang minuto na akong naghihintay dito, pero okay lang. Masyado lang akong maaga, na excite ako pero kinakabahan padin




"Sir nandyan na po siya" biglang sabi sa akin ng isang staff




"Go get ready guys, paparating na daw siya sabi ni Yue" sabi ni Blaine



Ito nanaman yung kaba sa dibdib ko, *inhale *exhale *inhale *exhale


Pinatay na ang mga ilaw, naghanda na ang mga staff pati ang ilan naming mga kaibigan


Sa mga nagtatanong, naghanda ako ng maliit na sorpresa para kay Leigh. Ngayong araw kase ako aamin sa kanya


Pumwesto na ako at di nagtagal narinig kong bumukas ang pinto



* * *

Leigh's POV










Kasama ko si Yue, mag d-dinner daw kami
Pagkadating ay bumaba agad ako, nakakailang lakad palang ako ng mapansin may kakaiba




Lumakad pa ako ng konti ng mapansin kong sobrang dilim na dito



Nilingon ko si Yue, pero napag alaman kong wala na siya sa likod ko



"Saan nagpunta yun ?"




Tumuloy na akong maglakad hanggang sa pintuan ng restaurant na ito



Mukhang sarado naman e, pinag tripan nanaman ako ni Yue e




Tatalikod na sana ako ng biglang bumukas yung mga ilaw, tapos biglang may tumugtog ng violin na nakita ko sa gilid



Tumuloy ako sa pagpasok, napansin kong mga petals ng rosas yung nilalakaran ko



"Anong meron ?" bulong ko



Nagpatuloy akong maglakad hanggang sa lamesa




Napansin kong may nakatalikod malapit dito



Nang ilang hakbang nalang ang layo ko ay bigla itong humarap sa akin




Si Ash, naka tuxedo, may hawak na mga bulaklak kasabay ang masayang ngiti



Inabot niya sa akin ang bulaklak at inalalayan akong makaupo




"Anong meron ? Para saan ito ? " tanong ko sakanya



Ngumiti siya tsaka sumagot "Why don't we eat first ? I know gutom ka na"



Tama siya gutom na ako, pero curious padin ako kung bakit may ganito



Sinerve na yung mga pagkain, at lahat ng iyon ay mga favorite ko




"Wow, lahat ng ito puro favorites ko. Thank you" masayang sabi ko sakanya



"Mabuti naman at nagustuhan mo" nakangiti padin siya



Tahimik kaming kumakain. Nang matapos na kami ay biglang nagbago ang tugtog



Tumayo siya at iniabot ang kamay nito sa akin

Napangiti nalang ako at tinanggap ito



Nilagay ko ang mga kamay ko sa braso niya at ang isa naman ay hawak niya, ang isang kamay niya naman ay nasa bewang ko



Sumayaw kami, kasabay ng tugtog, parang ang perfect ng moment na to di ko alam kung bakit



Nakatitig sa akin si Ash, kaya medyo naiilang ako



Di ako makatingin sa kanya ng diretso kaya sa iba ako tumingin



Napansin kong nasa paligid namin ang mga kaibigan namin, nanduon din si Yue kahawak si Blaine. Masaya ako para sa kanya


Nakangiti sila sa amin, ngumiti ako sa kanila at binalik ang tingin kay Ash



Tumigil kami sa pagsasayaw, tinanggal niya ang kamay niya sa bewang ko pero ang pagkakahawak sa kamay ko ay hindi



Tumitig siya sa akin at biglang hinawi ang buhok at nilagay sa likod ng tenga ko sabay hawak sa pisngi ko


Di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko, halo-halong emosyon


Pero hindi pwede, di pwedeng magka ganito. Hindi maaari, dapat pigilan ko to bago mahuli ang lahat . . .

Pero nagkamali ako, may nangyari na

Huli na . . .

"Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita Leigh, at hindi ko na ito kayang itago pa"


Hindi pwede ito . . .


Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sakanya sabay takbo palabas ng pinto



"Hindi pwede, baka kase . . . "

Dauntless Love [On-Going]Where stories live. Discover now