DL - 5 (Part 2)

5 0 0
                                    

Ash's POV



"Anak, anong order mo ? " tanong ni mama kay Leigh


"Kahit ano na po basta nakakabusog" sagot ng katabi ko


Tinawag ni mama yung waiter para umorder


"Yung dish no. 2 tapos yung inorder namin dagdagan pa ng isa"


Umalis agad yung waiter pagkakuha ng order ni mama


"Ma, paano kayo nagkita nitong si Leigh ? "


"Ah wala, nung nasa cr kase naubusan ako ng tissue so kinuhan niya ako sa dispenser" sagot niya "Kaya salamat iha buti nandun ka" sabi niya kay Leigh


"Wala po yun, maglilinis nga po sana ako nun ng damit kase nadumihan" sagot ni Leigh


"Ay bakit ? Sino may gawa ? Isa ba sa mga waiter namin dito ? "


"Namin ? Ibig niyo po bang sabihin ay sainyo ito ? "


"Oo iha, isa lang to sa mga branches namin. Minsan invite kita sa main branch, mas masasarap food dun" nakangiting sabi ni mama


Oo, sa amin itong restaurant at yung pinuntahan ni mama sa Cebu ay bagong bukas lang naming branch doon


"Kita pala yung stain no ? Son, kuhain mo nga yung jacket mo sa kotse. Sa compartment nakalagay" binigay niya sakin yung susi ng kotse at agad akong pumunta


Pagkakuha ko ng leather jacket ko ay bumalik ako sa loob


Naabutan kong nagtatawanan sila mama at Leigh, si kuya Jerry naman nakatutok sa phone niya


"Oh Leigh, suotin mo muna" sabi ni mama


Tumayo si Leigh


Sinuot ko sa kanya yung jacket at alam kong nagulat siya sa ginawa ko, ganon din ako


Di ko alam kung bakit ko ginawa yun pero di ko nalang pinansin


"Awwe, cute niyo naman. Kaso itong si Leigh may boyfriend na e. Bagal mo kase anak" pang aasar ni Mama


"Ano ka ba ma, magkaibigan lang kami" sagot ko


Dumating na yung pagkain at nagsimula na kaming kumain


Tahimik lang kaming kumakain at ramdam kong nahihiya kumain si Leigh


"Wag ka mahiya, di ka namin sisingilin sa dami ng kinain mo" pabulong kong pang aasar ko sa kanya


"Hoy anak, anong binubulong mo kay Leigh ?" tanong ni mama


Napaayos tuloy ako ng upo "Wala po ma"


Nung matapos namin makakain ay lumabas na kami


"Leigh hatid ka na namin" pagyaya ni Mama


"Ay hindi na po, nakakahiya"


"No I insist. Halika na" at hinila siya ni mama


Pinagbuksan ko siya ng pinto


Sa shotgun seat si mama umupo at kami ni Leigh sa likod


"Ituro mo nalang kung saan dadaan ha ? "


"Ma, alam na po ni kuya Jerry kung saan. Nahatid na po namin siya one time" sagot ko kay Mama


"Ikaw anak ah, para-paraan ka. Nakakahiya naman, maghahatid ka pero di ikaw nag d-drive. Hahahaha" pang aasar nanaman sakin ni Mama


Natawa din si Leigh kaya tiningnan ko siya ng masama


Nagbiyahe na kami dahil gabi na din kase at alam kong pagod din si mama


Medyo traffic sa nadaanan namin


Napansin kong nakatulog si Leigh at nakasandal yung ulo sa bintana


Naisip kong baka magka stiff neck siya kaya inayos ko yung higa niya


Isinandal ko yung ulo niya sa dibdib ko


Hoy di ako chansing ha !! Concern lang ako sa tao


Di ko namalayan na nakatulog din ako


"Son, dito na tayo" tapik ni mama sa pisngi ko


Napamulat ako at napansin ko kung gaano ka awkward yung posisyon namin


Nakahiga yung ulo ko sa ulo ni Leigh


Buti nalang di siya nagising dahil baka isiping chansing ako at masampal ako


"Wag mo na gisingin si Leigh, buhatin mo nalang papasok sa kanila" utos ni mama


Kaya dahan-dahan ko siyang inayos at binuhat papasok sa kanila


Pinagbuksan ako ng isa nilang maid at nagtataka kung anong nangyari


"Nakatulog po e, di ko na ginising" sabi ko


"Saan po ba yung kwarto niya ? " tanong ko sa maid nila at sinamahan ako papunta doon


Pagpasok ay nilapag ko siya sa kama at kinumutan


"Thank you po Sir" sabi nung maid niya


Nginitian ko nalang siya at lumabas ng bahay nila

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dauntless Love [On-Going]Where stories live. Discover now