DL - 2

7 8 0
                                    

Ash's POV










Inaantok ako -_____- zZZ


Kaso bawal matulog, papadating na siguro yung professor


Maya-maya pumasok yung professor namin, siya yata yung adviser e


Yuyuko ulit sana ako ng biglang bumukas ulit yung pintuan at napatulala nalang ako

Siya yung babae kanina ah ? Classmate ko ba siya ?

Nagkatitigan kami ng di ko alam kung gaano katagal

"Umupo na kayo, magpapakilala na ako" sabi ng professor sa harapan namin

Nasa kabilang row sila ng upuan umupo, agaw pansin padin sila

Sino ba namang hindi makakapansin sa kanila ? Yung kasama niyang babae, mahaba yung buhok tapos ang tangkad at morena parang model tapos siya, mas maliit ng kaunti, tapos maputi

Hmmmm cute siya, no doubt

"Okay magpapakilala tayo sa isa't isa. Ako na ang mauuna, bilang adviser ng section na ito" sabi niya "Ako si Ginoong Fred Olivares. Ginoong Fred nalang para mas madali, ako ang inyong adviser sa buong school year na ito" pagpapatuloy niya pa

Nagpakilala isa-isa sa harap. Yung iba magkakakilala na, yung iba naman hindi pa

Hanggang sa ako na ang magpapakilala

"Ash Crimson Villegas, you can call me Ash. Uhh sixteen years old, nice to meet you all" sabi ko sabay ngiti

Bigla namang nagtilian yung mga babae sa likod na parte ng room

Napailing nalang ako at bumalik na sa upuan ko

Ilang studyante pa nung sila nang magkaibigan ang susunod

Tumayo ang kaibigan niya at nagpakilala

"Hi I'm Yue Guirerra, 17 years old. Transferee, nice to meet you all !! " masiglang bati niya

Yung ibang lalaki naman nag 'hi' sa kanya pero di niya ito pinansin

Tumayo na siya at nagpakilala

"Leigh Zeniyah Rivera, 17 years old. President of Student council. Nice to meet you all. Uhhh Hi " sabi niya sabay ngiti

Lumakas yung sigawan ng mga lalaki sa likuran ko

"Nag hi siya sakin !"

"Sakin kaya, asa boy ! "

"Hahahaha mangarap lang kayo"

Narinig kong kwentuhan nila sa likod ko

Tssss buti pa ako, nakita ko na agad ngiti niya. Malapitan pa hahahaha

"Bro, anyare sayo ? Ang creepy ng ngiti mo" sabi sa akin ng katabi ko

"De wala to" sabi ko sakanya

"Blaine nga pala bro, nice to meet you" sabi niya

"Ash, nice to meet you too" nag fist bump kami

Dauntless Love [On-Going]Where stories live. Discover now