DL - 4

6 0 0
                                    

Leigh's POV





"Babe, dito lang pala kita makikita" sabi ni Daelan, boyfriend ko

Humalik siya sa pisngi ko at nginitian ko lang siya

"Daelan, sila nga pala mga bago kong kaibigan. Blaine, Ash at si Yue na bestfriend ko" nakangiti kong pagpapakilala sa kanila

"Nice to meet you all. I'm Daelan, Leigh's boyfriend" sabi niya pagkatapos makipag kamay sa kanila

Nagulat ako nung biglang tumayo si Ash

"Mauna na ako, salamat sa time" sabay talikod

"Teka Ash, sabay na tayo ! " sigaw ni Blaine pero bago tumayo hinalikan yung knuckles ni Yue

Nabigla naman ang loko at namula sa kahihiyan

Napailing nalang ako habang nakangiti

"Kumain ka na ba Dae ? " tanong ko kay Daelan

"Yup kakatapos lang din. By the way, may meeting kaming players mamaya, di na kita mahahatid pauwi. Sorry " sabi niya

"No okay lang, sabay nalang kami ni Yue" tapos ay lumapit siya at hinalikan ako sa noo

"Bye ! " sabi ko

Dumiretso na kami ni Yue sa classroom

Napansin kong wala pa si Ash dahil walang katabi si Blaine

Hmmm baka may pinuntahan pa


Dumating na yung teacher namin kasabay nun ang pagdating ni Ash

Akala ko mag ka-cutting e, lagot siya sakin kahit kaibigan ko pa siya


Puro orientation lang about dun sa subject ang nangyari

Tumunog na ang bell hudyat na uwian na

"Yue sabay na tayo, di ako mahahatid ni Dae"

"I'm sorry bestfriend pero naka recieve ako kay Mom na mag d-dinner daw kami sa labas. Susunduin ako ng family driver namin" sagot niya

"Ahh ganun ba ? Sige next time nalang. Paki kamusta nalang ako kila tita and tito" nakangiti kong sabi

"Sabay nalang tayo lumabas, nasa tapat daw ng gate naghihintay yung driver namin"

Tumango ako at lumabas na kami

"Sorry bes, promise babawi ako next time" sabi niya

"Nako okay lang pero yung babawi ka next time, wala ng bawian hahahaha"

Nagpaalam na sakin si Yue

Kinuha ko yung phone ko para tawagan yung driver namin

Di ko pa nai d-dial ay may humintong kotse sa tapat ko

Bumaba yung windshield nito at isang mid 40's ang bumungad sakin

Biglang may nagsalita mula sa loob "Kuya Jerry, yung sakin po yung ibaba niyo"

Napakamot naman ito ng ulo itinaas yung salamin sa kanya kasabay nang pag-angat ng isa pang salamin sa likod


Dumungaw mula dito si Ash

"Sumabay ka na, hahatid ka na namin" sabi niya

"No. Hindi na, tatawagan ko nalang yung driver namin"


"Wag na, maghihintay ka pa bago dumating yun. Magdidilim na oh" pamimilit niya


Napansin ko ngang magdidilim na. Tiningnan ko yung orasan ko at mag s-six o'clock


5:00 pm yung dismissal namin


Binuksan niya yung pintuan nang kotse


Wala na akong magagawa, baka gabihin pa ako makauwi


Sinabi ko yung address kung saan ako nakatira



Walang nagsasalita maski isa samin, tanging tunog lang ng radyo yung maririnig


Playing : Passenger Seat by Stephen Speaks

~I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car

Bakit ganyan pa yung tugtog ? Wala bang iba diyan ?

Di ko mapigilan mailang kaya tumingin nalang ako sa bintana na nasa tabi ko at pinagmamasdan yung mga nadadaanan namin

~As we go I see the lights, watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening

Bakit ganon ? Tugma sa lyrics ? -___-

~And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh, and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

Wala namang rason para mailang ako, yung katabi ko nga walang pake e

Pero paglingon ko, nakatingin siya sakin
Titig na tagos sa kaluluwa, yung titig na manlalambot ka

~We stop to get something to drink
My mind clouds and I can't think
Scared to death to say i love her

Umiwas agad ako ng tingin at binalik yung tingin ko sa daanan sa labas

~Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell her simply

Nakarinig ako ng tikhim galing sa driver niya

~And I've got all that I need
Right here in the passenger seat

Ilang minuto ang nakalipas at nasa tapat na kami ng bahay

Nagpasalamat ako sa kanila at dali-daling lumabas ng kotse


Pagtalikod ko biglang may tumawag sakin

"Leigh . . . "

Napalingon ulit ako

"Goodnight" sabi ni Ash


Tumango lang ako at tsaka tumalikod


Alam kong medyo rude pero ewan, tingin ko ito yung tama


Dumistansya kase hindi na pwede

Dauntless Love [On-Going]Where stories live. Discover now