Papasok na sana ako sa gate ng bahay namin ng biglang magsalita si Karl. "Jannah, wait" lumapit siya sa akin at naramdaman ko naman na nasa likuran ko na siya. Lumingon ako sa kaniya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at sabay sabing " Jannah. I know it's too late to say this. But I just want to say sorry. Sorry for what I've done to you in our past relationship. Sorry for everything. At ang pinakadapat kong paghingi-an ng tawad sayo ay ang ngayon ko lang na realize lahat lahat ng efforts na ginagawa mo para sa akin. I know I should the one doing those efforts because I'm the guy. Pero wala akong ginawa. Pasensiya kung ngayon ko lang na realize ang pagmamahal mong sobra sa akin na sinayangan ko lang. At pasensiya dahil ngayon ko lang na realize na mahal pala kita simula pa nung una. Siguro nasa in denial stage pa ako nun kaya hindi ko inaamin sa sarili ko na mahal kita. Pasensiya talaga kong ngayon ko lang sinabi to sayo. Ngayon na may iba ka na, may ibang jowa ka na. At baka mas mahal mo pa siya kesa sa akin. Natakot kasi ako. Gaya nung nalaman kong kayo na ni Francis medyo nasaktan din ako pero hindi ko lang dinidibdib kasi wala pa akong sigurado sa nararamdaman ko para sayo. Pero ngayon sigurado na ako, ngayon na huli na ang lahat."
Nakayuko niyang sinabi yun sa akin. Nanggilid ang luha ko sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng iba't ibang emosyon. Kikiligin ba ako dahil sa sinabi niyang mahal niya rin ako. O maaawa ba ako sa kaniya dahil all this time tinatago niya lang ang feelings niya para sa akin. Sasaya ba ako dahil may pag-asa ng maging kami, yung kami na totoo talaga kasi may feelings kami sa isa't isa. O malulungkot kasi wala kaming magagawa sa nararamdaman namin sa isa't isa kasi sobrang complicated ng sitwasyon. May jowa ako yan ang pa ulit-ulit na sinasabi ko sa sarili ko ngayon. Naguguluhan na ako kung sino talaga ang pipiliin ko. Kung ano talaga ang dapat kong gawin. Pero biglang tumatak sa isip ko yung salitang ' the heart wants what it wants'.
YOU ARE READING
The heart wants what it wants
Teen FictionI fell in love in the wrong person. I know I should stop this but the heart wants what it wants.