Jannah's POV
Andito kami ngayon sa plaza. Manlilibre kasi si Karl dahil 1st monthsary nila ni Lexi as mag jowa. It's February 1. Oy hindi ako third wheel ah. Kasama ko din kaya yung kalandian ko hahahaha si Kirby. Hindi ko pa siya matatawag na akin kasi wala namang kami yung ano lang, yung alam namin na may feelings kami sa isa't isa. Ano nga ba tawag dun? M.U? Fling? Basta yun na yun. Tsaka kasama rin namin yung ibang beshies for life ni Eira na sina Deyna at April. At mga barkada din ni Karl na sina Jayvee , Ace at Brion. Andito din naman si Devyn yung best friend ni Kirby.
Hindi pa dumadating si Lexi eh. Hindi kasi pinaalam ni Karl na magcecelebrate kami ng 1st month nila. Susurprisahin daw namin si Lexi dito sa plaza. Medyo marami rami din ang tao dito pero walang pakialam si Karl. Handa niyang gawin ang lahat para sa unang babaeng nagpatibok ng puso niya. Lexi is his first girlfriend. Kaya ganito na siya maka effort.
Bumili pa nga siya ng couple t-shirt nila na kulay pula na may nakalagay na 'his girlfriend' 'her boyfriend'. Tsaka bumili din siya ng favorite chocolates ni Lexi at gumawa siya ng love letter. Gusto kasi ni Lexi magbasa basa ng mga sweet stories, sweet chitchats yung kikiligin siya ng sobra at sabi din niya sa amin na ang mas nagpapakilig sa kaniya yung love letter na hand written. Kaya gumawa si Karl ng ganun. Ang sweet ni Karl ano? Halatang seryosong seryoso siya kay Lexi. Sana parehas silang nararamdaman.
Karl is not Lexi's first boyfriend and ofcourse Karl is not Lexi's first love. But I think Lexi loves Karl as much as Karl loves her. Nagkwekwentuhan din kasi kami ni Lexi tungkol kay Karl. About sa feelings niya for Karl. I'm one of Lexi's close friends. Kaya nag sheshare siya sa akin. Nagtatanong din siya about sa attitude ni Karl lalo na noong nanliligaw pa lang si Karl. Madami din kasi akong alam tungkol kay Karl. Co'z Karl is my classmate since elementary until now. Close din kami ni Karl and honestly mas ka close ko pa si Karl kesa kay Lexi. Dahil siguro sa bago pa kami nagkakilala ni Lexi.
So ayun na nga. Straight to the plan na. Pinuntahan na nila Deyna at April si Lexi sa bahay nila para ipagpaalam sa parents ni Lexi na may gagawin silang project. Hindi muna nagparamdam si Karl kay Lexi simula kagabi. Hindi man lang niya tinext o tinawagan basta hindi talaga siya nagparamdam kasi part yun sa plano niya. At pinaghanda na kami ni Karl para sa gagawin namin pag dumating na si Lexi dito sa plaza. Yung barkada ni Karl at si Devyn ay hinanda na yung gitara para magmukhang nanghaharana si Karl kay Lexi at ang ipapatugtog nila ay yung Tadhana. Kami namang dalawa ni Kirby ay hinanda na namin yung mga ibibigay ni Karl kay Lexi mamaya.
Deyna's POV
"Andito na kami sa bahay nila Lexi, Karl. Mag ready na kayo jan." sabi ni April sa phone.
"Sana payagan siyang umalis." narinig kong sabi ni Karl, mukhang kinakabahan siya. Kinakabahan nga din kami ni April eh baka kasi hindi payagan si Lexi strict kasi parents niya lalo na't pastor ang kaniyang ama sa Iglesia ni Cristo. Walang alam ang kaniyang parents about sa relationship nila ni Karl. Natatakot kasi si Lexi baka paghiwalayin silang dalawa ni Karl lalo na't Catholic si Karl.
"Sana nga. Huwag kang mag alala gagawin namin ang lahat ni Deyna para matuloy ang plano mo at hindi ito masira." pagpapakalma ni April kay Karl.
"Salamat." sagot naman ni Karl sa phone at binaba nalang ni April iyon para pumasok na kami dito sa gate ng bahay nila Lexi.
"Tao po! Tao po!" sabay naming sambit ni April. Bigla namang lumabas yung mommy ni Lexi.
"Oh kayo pala? Wait tatawagin ko lang si Lexi ah. Lexi! Bebe andito mga kaibigan mo!" sabi ng mommy ni Lexi. At pinagbuksan kami ng gate.
YOU ARE READING
The heart wants what it wants
Teen FictionI fell in love in the wrong person. I know I should stop this but the heart wants what it wants.