Jannah's POV
Habang naglalakad kami papunta kina Ace. Naglalandian naman 'tong dalawang 'to. Hindi sa bitter ako ah nakakainggit kasi sila panay ang ka sweetan kahit naglalakad. Eh eto namang si Kirby sarap batukan parang hindi kasi lalaki eh. Kitang may mga dala akong mga gamit hindi pa siya nagpapaka gentle man. Sabagay hindi naman kami e kaya wala din akong karapatang mainis. Hays.
Binilisan ko na lang ang lakad ko. Malapit rin lang naman dito ang bahay nina Ace eh.Kaya ayun nauna akong nakarating sa kanila. Andito na ako kina Ace at sila andun pa naglalakad. Umupo na ako dito sa sofa nila Ace. Wala kasi silang gate kaya diretso lang akong pumasok sa bahay nila tsaka hindi rin naka lock eh. Nakoooo pagnagkataon mananakawan talaga 'to sila. Humiga na ako dito sa sofa wala na akong pake, napagod ako eh. I turn on the tv and I put the channel on ABS-CBN at kapag sinswerte ka naman may nakita pa akong chichirya dun sa bandang table. Kinuha ko piatos pala ito.
Feel at home lang ang peg ko ng mga oras na'to. Dumating narin yung mga gunggong HAHAHAHA. Nung nakita ako ni Jayvee na may kinakain bigla silang nag-unahan ni Brion papunta sa'kin para kunin yung kinakain ko. Bigla nalang akong napabalikwas sa pagkakahiga.
"T*ng*na niyo! Hoy ano ba! G*go akin 'to" sigaw ko sa kanilang dalawa. Mga patay gutom talaga. Pinagtutulakan ko sila palayo sa chichirya ko. Oo chichirya ko na'to kasi ako ang unang nakakuha dito sa bahay nina Ace.
"Hoy Jannah! Akin yan ah! " sigaw naman sa'kin ni Ace. Nginitian ko lang siya ng malapad wala naman din siyang ginawa sa'kin hindi naman niya kinuha yung piatos kaya okay lang.
"Hoy damot mo! Penge naman! " sambit naman ni Brion. "Kaya pala hindi tumataba eh" dagdag pa niya. 'tong g*gong 'to na memersonal eh. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "penge nga!" datdat niya ulit.
"Oo na! Eto na! Share share" sabi ko sabay bigay sa kanila ng piatos. "Tama na yan! Kalalaking tao niyo! Lakas kumain!" sigaw ko. Umalis din naman sila. Pero may isa pa akong patay gutom na hindi ko pa nabibigyan, si Karl. Pero hindi ko lang siya pinansin. Konti nalang kaya 'tong piatos na naiwan. Akin na'to no!
Umayos na ako sa pagkakaupo kasi andito na sila lahat. Kala mo naman akin 'tong bahay no. Pero biglang tumabi sa'kin 'yong isa pang patay gutom kong kaibigan. Si Karl, tumabi siya sa'kin at panay ang ngiti ng malapad. Tas dahan dahan niyang nilapit sakin ang kamay niya. Agad ko namang inilayo yung piatos kasi alam kong kukunin niya iyon sa akin. Tas benelatan ko siya haha kala niya ah.
"T*kte naman oh! Damot mo!" sigaw niya sabay agaw sa'kin nung piatos. Nag agawan kami dun hanggang sa tuluyan na ngang naubos ang piatos. Kasi natapon dun sa sahig.
"T*ng*na mo! Ayan! Pano na natin kakainin yan?" pagalit na sabi ko sa kaniya tsaka inirapan siya. Hinawakan naman niya ang kamay ko sabay hila palapit sa kaniya. Pagkalapit at pagkalapit ko sa kaniya pinisil niya bigla ilong ko. Shemay talaga 'tong lalaking 'to.
"Ikaw kasi. Ang damot moooo!" sabi niya sabay pisil niya sa ilong ko.
"Aray! Ano ba! Sipain ko betlog mong maliit jan eh!" sabi ko sa kaniya. Binitawan naman niya yung ilong ko.
"Ops! Nonononono." sabi niya. Nagmumukha siyang bakla. Pfffft hahaha. Umupo nalang ulit ako sa sofa. Tas tiningnan ko si Lexi parang umiba yung mukha niya sa'kin. Nagseselos ba siya? Pero natural naman kung magselos siya kasi girlfriend siya ni Karl. Pero sana lumugar yung pagseselos niya kasi kahit ba barkada ni Karl pagseselosan niya? Hindi ko na lang pinansin. Wala naman akong ginagawang masama. Tumabi naman bigla si Karl sa akin.
"Hoy baklang Karl! Yung gf mo oh" sabay turo ko kay Lexi.
"Oh bakit?" inosente niyang tanong. Tanga ba 'tong lalaking 'to? Kung doon kaya siya tumabi para hindi na yun magselos hays.
YOU ARE READING
The heart wants what it wants
Teen FictionI fell in love in the wrong person. I know I should stop this but the heart wants what it wants.