So kung nakaisip na kayo ng sagot ako naman ang mag sheshare? Pede ba yon? Alam ko lahat ng mga sagot nyo is may point kung yung nagkulang ba talaga yung mali o yung bumitaw. Pero sino nga ba ang mali? Nagtanong tanong ako sa daan at tinanong ko sila kung ano sino ba talaga yung mali.
YUNG BUMITAW BA O YUNG NAGKULANG.
Ako: Ate ano po ba sa tingin nyo ang may mali. Yung bumitaw o yun nagkulang?Ate: Para sakin yung bumitaw.
Ako: bakit naman?
Ate: kasi kung ako yung nagkulang pede ko pang dagdagan yon at sobrahan pa, pero pano ko gagawin yon kung bumitaw na nga sya?
Ako: .... (Oo nga no)
Second dayAko: kuya sino po ba yung mali. Yung bumitaw o yung nagkulang
Kuya: syempre yung nagkulang
Ako: ( mukang alam ko na isasagot nito) Bakit po?
Kuya: simple lang kung sya yung nagkulang ng pagmamahal,tiwala at respeto sa desisyon ko. No choice ako kundi bumitaw.
Ako: sige po salamat !!!
****
Ang galing nila no?! Parehas din ba kayo sa sagot nila? Pero para sakin talaga. Base in my experience mas mali yung HINDI NAKUNTENTO. Bakit?
Kasi yung word na NAGKULANG subjective sya e.
Pedeng sa isipmo nagkulang ka pero para sakin hindi naman. Kasi never kong tatalikuran at iiwan yung isang taong nagkulang kung wala naman syang balak na umalis o bumitaw. Tska ko lang talaga malalaman na mahal ko yung isang tao kapag nafefeel mo sa puso mo at sinasabi mo sa isip mo na MAHAL KO SYA KAHIT NA ANONG MANGYARI.
Madami na kasi ngayon lalong lalo sa kabataan yung puro sa materyal na bagay lang nakatingin. Yung hindi lang sila nabigyan ng regalo or something tapos gagawin na nila yon para makawala sa relationship. Mali yon ✖️