Nandito ako ngayon sa library,nag hahanap ng libro sa physics ang dame kasing pinapahanap nang teacher ko. Haynako tinatamad nanaman tuloy ako.sa wakas nakita ko naren ang hirap kaseng hanapin nito sa milyong milyong libro dito sa library baka malunod ka. naghanap nako ng mauupuan at ayun nakakita naman ako. umupo na ako at nag simula nang hanapin yung assignment chuchu ko.
"Miss may nakaupo naba dito?" tanong nang lalakeng bigla nalang sumusulpot.
"Wala may nakikita kaba?" sabe ko sa kanya .
"Wow parang nasabe kona ata yan ahh." sagot nya.
Napatingin naman ako sa kanya at nagulat nang nakita ko kung sino ang nasa harapan ko.
"Ikaw?" tanong ko habang gulat.
"Hindi sya." sabay turo dun sa isang lalakeng apat ang mata.
"Tss."
Umupo na sya at tumitig saken.
"Anong tinitingin tingin mo jan? tanong ko sa kanya.
"Masyado kang ambisyosa hindi naman ikaw angtinitignan ko ayun oh." sabay turo ulit dun sa lalakeng apat ang mata.
Ano bang problema nitong isang to.
"May problema kaba sa lalakeng yun?. kanina kapa turo ng turo sa kanya eh." sabi ko naman sa kanya.
"Wow ha kakaupo ko lang dito 5 minutes panga lang ata? tanong nya naman sakin.
Ilayo nyo saken tong lalakeng to. baka mamatay to ng maaga, maglumpasay pa ang nanay nya.
"Ano bang problema mo ha?" tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo.
"Ako wala, ikaw?" sabe nya saken habang tatawa tawa.
"Hindi kaba pwedeng makipag usap ng maayos?" medyo napalakas na ang boses ko.
"Pwede bang manahimik kayong dalawa? kanina pa kayo ah, at miss kung sisigawan mo lang ang boyfriend mo pwede ba maghanap kayo ng lugar na kung saan pwede kayong mag sigawan?". sabe naman ng librarian.
Ano daw pwedeng paki ulet yung sinabi nya boyfriend ko tong lalakeng to? bibilangin ko muna lahat ng buhok ko bago mangyari yun at hinding hindi yun mangyayari.My god.
"Biruin mo yun napagkamalang girlfriend kita. eh kung yung mga babaeng nagkakagusto saken ang nakakita sayo mapagkakamalang yaya kita. Yun ngaa ang ipagamot mo ang mata. Mukang mas may diperensya pa kase yun eh." sabe nya.
What the? ako yaya? in his face.
"Irrrrrrrrrrrr" nakakainis na talaga tong lalakeng to.
Tumayo nalang ako at padabog na naglakad.
"Oh san ka pupunta?" tanong nya .
"Sa lugar na walang panget na gaya mo." inis kong sagot.
Pumunta muna ako sa school garden.At dun labas ng sama ng loob sumigaw ako ng sumigaw.
"Ang panget panget mong lalake kaaaaaaaaaaaaaaaaa. Bakit kapa nag pakita saken. nakakinis ka talaga. irrrrrrrrrrrr". sigaw ko.
Pagkatapos kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko, pumunta muna ako sa room ni anni pero wala sya dun. pumunta din ako kay lallaine wala din. at kay jasmine . bakit kaya wala silang lahat. nakakainis naman tong araw nato madami ng assignment, iniwan pako ng mga baliw kong kaibigan, at higit sa lahat yung lalakeng yun . hay nako naalala ko nanaman tuloy yung nangyagi kanina sa library. hindi na nga ako ulit babalik dun baka makita ko pa yung panget na yun.May narinig naman akong mga babaeng nagtitilian, grabe ha artista lang ang pegg, sino kaya ung tinitilian nila. Pumunta naman ako dun sa mga babaeng ay nagtitilian.
"Ang gwapo nya talaga." sabi naman nung girl 1.
"Sinabe mo pa". sabe naman nung girl 2.
Tiningnan ko naman kung sino ang pinag uusapan nila. Oh my god. ayan gwapo eh ang panget panget nyan eh. nakita ko nanaman ang panget na lalakeng to. Plss give me a break . nakakasawa na mukha nitong lalakeng to. kung anong kina gwapo yung kinapanget ng ugali. Grabe umalis na ako sa lugar na yon at umuwi na sa napakalaki naming bahay.
"Achhee". sigaw ng kapatid kong si shimmy sabay yakap sakin.
"Hello baby, namiss mo si ate?". ang cute talaga ng kapatid kong to.
Tumango naman sya, at sabay takbo sa kusina. Nag tataka ba kayo kung bakit nakakaintindi na sya baby palang kasi sya pinaparinggan ko na sya ng tugtog kaya ayan naging matalino kagaya ko . ehemm ehemm masyado na ata akong proud sa sarili ko. Sorry nalang sa inyo pero totoo yun. Top 1 kaya ako palage sa kabaliwan. hahaha .Pumunta na ako sa kwarto ko at nag bihis. bumaba naman agad ako at kumain. 8:00 na pala. makatulog na nga. Sakto naman na paakyat nako ng makita ko si mommy.
"Oh anak bat di kapa natutulog?" tanong saken ni mommy.
"Matutulog na nga po ako eh kaso nakita ko ang maganda kong mommy. mag gugoodnight lang po ako . goodnight mommy." sabay yakap sa kanya.
" Cge goodnight na din."sagot naman nya .
Pumunta nako sa kwarto ko at natulog na.
hello po sorry kung medyo boring tong chapter nato antok napo kasi ako eh babawi nalang po ako sa chapter 4 ..
Enjoy reading and share happiness with me.
BINABASA MO ANG
Loving the Mister Monster
RomanceNagmahal kana ba ng lalaking mas; maganda pa sayo,na halos mag muka kang yaya kapag kasama mo sya. well kung hindi basahin mo ang istoryang ito na magpapatawa at magpapakilig sayo.