Nandito ako ngayon sa school namin, luch break namin ngayon kaya kasama ko ang mga kaibigan ko remember Jasmine,Anni,and Lallaine? naglalakad kami papuntang canteen para kumain, grabe parang mga langgam ang mga tao ang dame wala na tuloy kaming mapwestuhan. sakto naman at merong isang mystery guy na wala atang kasama. nilapitan namen sya at tinanong ko.
"Um excuse me may naka upo na ba dito?" tanong ko.
"Dadaan ka miss?sorry hindi to daanan, and hindi ko alam kung bulag ka o maliit lang ang mata mo. hindi mo ba nakikita na walang naka upo?".sagot naman nya.
Aba grabe tong lalake nato ah mas masungit pa sakin. nagtatanong lang naman ako. at hindi ko naman sinabi na dadaan ako buti nga nag eexcuse eh. mamaya pagkinausap ko sya mapagkamalan pa nya akong baliw dahil bigla nalang akong mag sasalita.
"Grabe bute nga nageexcuse eh. may manners kasi ako. and nakikita ko naman na walang nakaupo tinatanong ko lang kase baka bumili lang yung kasama mo o nagpakamatay na dahil ang pangit ng kasama." sagot ko naman
Napatawa naman siya sa sinabe ko. hala baliw na ata tong lalakeng to tumatawa ng walang dahilan.
"excuse me-" naputol naman ang sasabihin nya ng bigla akong mag salita.
"ano dadaan ka?" napatawa naman ang mga kaibigan ko.
" gusto ko lang sabihin na hindi ako panget. sa gwapo kong to ikaw palang ang nagsasabi saken ng panget hindi mo ba alam na ang daming gustong kumausap saken. pasalamat ka kinakausap kita."sagot nya.
"so ako palang pala ang nagsasabe sayo ng panget hayaan mo papagamot ko ang mga mata ng mga taong hindi nakakakita ng mukha mo and kung inaakala mo na gustong kitang kausap i'm sorry pero nagkakamali ka." mataray kong sagot.
"wow marunong ka palang mag sorry". sagot nya.
Irr nakakainis kausap tong lalakeng to mababaliw nako . Naglakad nalang ako paalis pero lumingon muna ako sa kanya at nakita ko syang nakangiti. sayang ang gwapo pa naman parang anghel mas maganda pa saken kaso nakakaasar. hmm bahala na nga sya. nakakainis talaga .
Napatigil naman ako ng narinig kong nagtawanan ang mga kaibigan kong baliw.
"Oh anong tinatawa tawa nyo jan?" tanong ko sa kanila.
"Kung nakita mo lang ung mukha mo kanina nung kausap mo ung lalake kulang nalang sumabog ka sa sobrang galet." sabe naman ni lallaine habang tumatawa na kulang nalang ay mag gumulong sa lupa.
"Wow thank you ha pinagtatawanan nyo pako imbis na tulungan nyo ko dun sa lalakeng yun." sabi ko sa kanilang tatlo.
"Dadaan ka ba miss?" sabe naman ni Anni na ginaya ang itsura nung lalake kanina at sabay takbo nilang tatlo habang nakadila saken at tatawa tawa.
"Lagot kaya saking tatlo. tumakbo na kayo habang may lupa pa" sabi ko at hinabol silang tatlo.
Thank you po sa pagbabasa sana po nagustuhan nyo ang chapter 1. sana po tuloy tuloy nyo lang ang pag babasa nito .
Enjoy reading and share happiness with me.
BINABASA MO ANG
Loving the Mister Monster
RomanceNagmahal kana ba ng lalaking mas; maganda pa sayo,na halos mag muka kang yaya kapag kasama mo sya. well kung hindi basahin mo ang istoryang ito na magpapatawa at magpapakilig sayo.