8 ⏪ Shall We Dance

572 18 1
                                    

Chapter 8

"Ali gising na! Whoohoo!"

Sino ba tong nagkasala na umiistorbo sa tulog ko? Walang pasok ngayon utang na loob! At ang ayoko sa lahat ay yung ginigising ako ng maaga. Yan ang number 1 policy ko sa bahay. Ugh!

"Hey wake up bes! Wake up!" Niyuyugyog pa ako! Tss.

"GO AWAY! TSUPI!" Sigaw ko at tumalikod ako sa kung sino mang istorbo ang nasa may mukha ko! Pano ba to nakapasok sa kwarto ko?!

"Ah so ayaw mo pala ha.." At bigla nalang niya akong kiniliti!

"AAAAAAHHHHH!!!!!! STOOOOOOOP IIIIIIIITTT!!!!!!!!!!! STOOOOOP!!!!!!!! OKAY I'M UP!!!!!!"

Napaupo ako at nakita ko na yung istorbo sa tulog ko. Napakunot ako ng noo habang hinahabol ang hininga.

"Ano bang problema mo bes?! Alam mo namang ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung iniistorbo ang tulog ko! Nagkaamnesia ka na ba?!" Ngumuso si Crystal.

"Bes naman! Ang aga-aga ang init ng ulo mo. At saka anong ginawa ng phone mo sa sahig?!" Kinuha na niya yung phone ko at inilagay sa tabi ko. Oo nga pala, tinapon ko yun kagabi.

Eh pano ba naman kasi, puyat pa ako! Hindi ba naman din ako maayos na nakatulog dahil sa kakaisip sa pesteng lalaking yun! Note: kakaisip kung paano niya ako lulubayan! LECHE!

Huminga ako ng malalim para kumalma.

"Okay sorry. Bakit ka ba nandito?"

"Well, just wanna let you know na may rehearsal tayo now na for your cotillion!" sabi niya sabay palakpak pa at ngumiti ng abot kalawakan.

"COTILLION?!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Niloloko mo ba ako bes? Kasi seriously, HINDI NAKAKATAWA!" I said sarcastically.

Oh shocks! 1 week na lang pala at 'D' ko na! At cotillion?!

"I'm dead serious bes!"

Kinabahan na ako talaga. Sayawan yan eh. With choreography! Mas malala pa yun sa 18 roses. Parang nawala yung dugo ko sa katawan.

"Bes, ok ka lang ba? Namumutla ka! Sayaw lang naman yun bes at ginawang 2 minutes lang. Sabi kasi ni Nick eh, baka daw di mo matake." nag-aalalang sabi ni Crystal.

Tulala pa rin..

"....."

"BES! Wag ka ng OA! Ako lang dapat yun noh. Magprapractice naman tayo. Kaya nga ginising na kita di ba? Maligo ka na dali!" Hindi pa din ako umimik kaya hinila na niya ako papasok sa banyo ko.

OH MY GAHD.



"Anong ginagawa nila dito?!" Tanong ko kay Crystal ng nakita kong papasok na sa hall sina Nick, Ivan at Troy.

Nandito kami ngayon sa magiging venue ng 'D' ko daw na yun. Mas maganda daw kasing sa venue na magpractice para tancha na yung space. Napakalawak ng space ng sasayawan naming hall kasi napakalaki din naman tong venue. Parang Araneta Coliseum na sa laki! HAHA Joke lang..pero mga kalahati siguro nun.

Napakarami sigurong inimbita na naman yung parents ko. Hay nako mga socialites kasi. Pati mga business partners and associates nila dadalo din. Ganun naman sila lagi pag may events. Lahat may 'business' na nakakabit. Napakaswerte ko talaga! Note the sarcasm.

"Kasali din sila sa dance! Syempre friends mo sila kaya damay damay na rin yan."

"Huh? Kasali sila?"

"Eh kasi po di ba cotillion? Natural with partners. Akala ko ba matalino ka? Umalis lang ako, naging ganyan ka na bes? Tsk tsk."

"Sira! Sorry ha! Lutang PO kasi ang utak ko ngayon! ALAM MO YUN? Kasi may isa dyang bigla nalang nangsisira ng masarap na tulog. HMP!"

She's My Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon