10 ⏪ Ice Crystal

420 12 0
                                    

{ This is a side story..Special Chapter. Gusto ko kasi yung naisip kong idea so yeah..here's Crystal and Ice's story! }

.

Chapter 10

CRYSTAL'S POV

"BES!!! OPEN THE DOOR!"

Hay eto na naman kami sa pahirapan sa paggising. Naku! Nilock ba naman yung pinto. Matalinong bata! Tsk tsk!

"Bes you have to wake up! Itrtry mo pa yung heels mo! Di ka na sanay di ba? So dali na..bangon na dyan!" Nilakasan ko pa yung pagkatok ko.

"Then that gives me more reason not to get up! Ugh!" Rinig kong sigaw niya.

Enebenemenyen! Nauubos na ang Crytal powers ko dito! 10 minutes na akong kakakatok at kakasigaw eh. Nalulusaw na ang beauty ko at kawawa na ang magical voice ko!

"HOY BABAE KA! GIGIBAIN KO NA TONG PINTO MO! GUMISING KA NAAAAAA!!!!!"

"........."

Naku! Sakit talaga sa ulo nitong babaeng to! Tulog mantika!

Ting!

Ahaha! May naisip akong paraan! *evil grin*

Bumaba ako at pumunta sa kitchen at bumalik din.

"Lalalalala.." Kakanta-kanta na ako habang paakyat ng hagdan. Haha! Tingnan lang natin bes.

.

.

"Sige ka bes, paghindi ka gumising..uubusin ko tong Choco-Strawberry Cake! YUM! ANG SARAAAA--"

BOGSHH!

Dali-daling kinuha niya sakin yung plate. Haha! Like what I thought. Mukha talaga tong pagkain.

"Who told you to eat my cake?! Alam mo bang mahirap makahanap ng ganitong flavor ng cake, tapos kakainin mo lang? Blah blah blah blah.."

Hays. Ayan na naman po siya sa food talk niya. Malalate na kami nito. Gosh!

"Aish! Oo na bes, hindi ko naman kinain oh! See? I just did that to wake you up! Gosh! Pagkain lang pala talaga ang katapat mo! Tara na dali!!!!"

Tinulak ko na siya sa loob ng kwarto niya at kinuha yung plate sa kamay niya.

"Hey! Cake ko yan!!!!! Give me back my cake!!!!" Pilit niyang inaabot sakin yung cake habang ako naman nilalayo to habang hawak ko.

Parang bata naman to..basta pagkain talaga! Oh, and plus bagong gising.

Pinandilatan ko siya mata. Ayan na, ang Crystal Power Stare! Alam kong alam niyang masama akong magalit! Kaya alam kong di to papalag haha.

"Hep hep! Bibigay ko to sayo after mong maligo at magbihis! Paghindi ka natapos in.." I looked at my watch. "..10 minutes, bye bye cake. But don't worry. It will be happy inside my tummy." Sabay ngisi ko.

"WHAT?! BES!!!!" She looked at me as if examining if I was really serious or not.

"Time is running!" Tiningnan niya ako ng masama.

"Ugh! FINE!" Ayun kumaripas na siya ng takbo papasok sa bathroom niya.

Galing ko lang! Bakit ba ngayon ko lang to naisip? Ngayon alam ko na ang alas ko sakanya haha!

.

.

"10..9..8..7..6..5--" -Ako

"TAPOS NA KO! NOW GIVE ME MY CAKE!!!"

She's My Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon