Kakalimutan ko na lahat. Lahat ng nararamdaman ko para sa'yo kung hindi mo naman naaappreciate ang mga ginagawa ko para maramdaman mong mahal kita.
Nakakapagod magmahal ng taong iba ang gusto. Hindi ko na magawang mahalin ang sarili ko dahil sa ikaw ang minamahal ko. Hindi ko na kayang magpakatanga sa taong sa iba rin ay nagpapakatanga.
Kakalimutan kita. Kaya ko ba? Oo kaya ko. Kasabay ng pagkalimot ko sayo ang pagkalimot ko sa nararamdaman ko para sayo.
Iiwasan kita hangga't kaya ko. Ipagtatabuyan kita hangga't makalimutan ko. Makalimutan ko ang lahat ng nararamdaman ko para sa'yo.
Hindi ko na kakayanin pa kung titingnan lang kita habang minamahal mo ay iba. Gumagawa ako ng paraan para makita mong mahal kita. Pero ayoko na, tama na. Nakakapagod mageffort sa taong balewala lang lahat.
Hindi lang naman s'ya ang tao sa mundo. Nandito rin ako para sa kaalaman mo.
---
Magsisimula ba ang lahat sa gulo?
O magsisimula ang lahat sa away?
O sa pagkakaibigan?
Para malaman bakit hindi nalang basahin ang buong istorya sa pagitan nila.
YOU ARE READING
Unexpected Love
Teen FictionSabi nga nila...Expect the unexpected... Well, nung una naguguluhan ako sa quote na 'yun. Pilit kong iniintindi. Pero tama nga ba na pinipilit ko lang ang sarili ko para intindihin ang salitang iyon? O hayaan ko ang sarili ko hanggang sa maintindiha...