Dianne.
It's been a long time since maghiwalay ang parents ko. Mas pinili kong sumama kay Mom instead of Dad. Alam ko namang deserve ko'ng lumaki sa kamay ni Dad, pero hindi nya ako deserve palakihin.
Mas gugustuhin ko pang lumaki kasama si Mom. Mas mapapalaki nya ako ng maayos. But yung pagiging Daddy sakin ni Dad ay hindi n'ya pa rin nakakalimutan. Nagpapadala s'ya ng pera para daw saakin.
So dahil si Mom ang may hawak ng businesses namin. She decided to stay at States and tumira kami sa iisang bahay ng 2 kong bestfriends. Mom talked to tita Mylene and tita Stephanie para ipalam sakanila ang napagdesisyunan ni Mom. They agreed with that.
So for now, magkakasama kaming tatlo ni Mae, Steph at ako dito sa bahay. And also we transferred a school na mas malapit sa bago naming bahay para hindi na kami mahirapan.
Medyo may problema kami ngayon pero maliit lang naman. Kasi si Steph iyak nanaman ng iyak. Because of her ex boyfriend, ano pa bang bago? Gawain na nya yun. At nakasanayan na rin naman namin. Kaya heto kami, kinocomfort lang s'ya.
Si Mae naman satsat ng satsat ng kung ano ano. Ganito ganyan. Walanghiya yang Jowa mo. Mangangako tapos mapapako. Hay ewan ko ba. Medyo bitter din hetong si Mae eh. Since birth nya na siguro yun.
Pinagpahinga muna namin si Steph para kami nalang ni Mae ang magenroll dun sa bago naming papasukang school. As usual ang tagal nanamang magayos ng bruhita. May pamake up make up pa.
"Dianne, ayan na ba ayos mo? Ang baduy. magayos ka nga! Malay mo ang daming gwapo dun!" Pagtataray sakin ni Mae. Gwapo? As if namang may mas gwapo kay Ivan doon noh.
"gwapo? Baka ikaw lang may gustong makakita dun" ganti ko sa sinabi nya.
"Para sa'yo kasi yang si Ivan lang ang gwapo! Iniwan ka na nga! Tapos gwapo pa rin s'ya?" Inirapan ko lang s'ya.
"Ginusto n'ya ba? Hindi naman diba? Pinakasal s'ya ng Mom n'ya sa anak ng business partner ng Mommy nya. Tutol man s'ya wala na s'yang magagawa. Kaya ako nalang yung kusang lumayo" pagtatanggol ko sa sarili.ko na s'ya namang inirapan n'ya.
"As if namang hindi ka tanga ano? Ikaw pala yung lumayo tapos lagi mo s'yang hinahanap?" Bunganga talaga ng babaeng toh! Kahit kailan talaga d sya papatalo.
"Gusto mo pa bang mabuhay ng matagal? O gusto mong mamatay na agad?" Pagsusungit ko sakanya na s'ya namang ikinatahimik nya. Marunong din naman pala itong tumahimik eh.
"Mae pasuyo naman ako oh I need to go to comfort room, I need to pee." Tumango naman sya at kinuha sakin ang report card ko.
"Saan ba ang C.R. dito?" Hindi ko mapakaling tanong sa sarili ko. As if naman sagutin ako ng self ko diba? Naghanap ako ng pwede kong matanungan. May dumaan na lalaki sa harap ko. Kaya hindi ko na pinalampas at kinalabit ko na s'ya.
"Ahhm sir? Saan po ba ang comfort room ng girls dito?"
"Ahh doon" turo n'ya sa way papunta ng C.R. nagthank you lang ako sakanya at umalis na. Hindi ko na talaga kaya. Lalabas na syaa.
Pagdating ko sa C.R. walang tao. Kaya pumasok agad ako sa isang cubicle. Pagkatapos kong ilabas ang lahat. Lumabas na akong cubicle para maghugas ng kamay at naghilamos na rin ako.
Binalikan ko na si Mae sa pila. Baka kasi naiinip na yun kakaantay sakin. Nung mabalikan ko na s'ya wala namang reklamong lumabas sa bibig n'ya. kaso d ko nagustuhan sinabi n'ya nung bigla s'yang magsalita
"Medyo matagal ah? Tumae?" Nakakaimbyerna yung sinabi nya huh!. Tinarayan ko nalang sya kaya natawa sya. "Napapadalas na yang pagirap mo huh? Meron ka noh?"
YOU ARE READING
Unexpected Love
Teen FictionSabi nga nila...Expect the unexpected... Well, nung una naguguluhan ako sa quote na 'yun. Pilit kong iniintindi. Pero tama nga ba na pinipilit ko lang ang sarili ko para intindihin ang salitang iyon? O hayaan ko ang sarili ko hanggang sa maintindiha...