Kabanata Isa

41 5 2
                                    

SIMULA na ng kasiyahan sa isla ng mga Smith kung saan nagkakasiyahan ang mga tao. Idinadaos ngayon ang kaarawan ng may-ari ng isla kaya't napakaraming tao ang naroon. Naroon ang mga pamilyang nagmula sa mayayamang angkan, mga politiko at mangilan-ngilan din doon ay mga artista. Marami ring turista ang dumalo at nakisali sa kasiyahan at binati ang may-ari ng isla.

Pero di kalayuan sa lugar ng selebrasyon, ang dalagang anak ng may-ari na si Aubrielle o 'Brey' ay nakaupo lamang sa isang malaking sanga ng kahoy na natumba sa tabi ng isla. Bagaman nakabihis para sa selebrasyon, hindi siya dumalo at nakisaya roon. Gusto niya lang talagang mapag-isa sa ngayon.

Habang ang mga tao sa isla ay nagsasaya, siya naman ay nalulungkot. Tatlong araw pa lang ang nakalipas nang makauwi siya sa isla nila at nalulungkot siya dahil dalawang araw na ring hindi nagpaparamdam ang nobyo niyang naiwan sa Manila dahil may tinatapos pang trabaho. Nangako itong susunod sa kanya sa isla at kampante naman si Brey na darating ang nobyo niyang si Marcus.

Hindi lang talaga niya mapigilan malungkot dahil nami-miss niya na kaagad ito. Wala masyadong signal sa isla nila kaya't paminsan-minsan lang siya nakakapagtext o tawag rito pero mukhang busy talaga ito sa trabaho dahil hindi pa siya nito nare-reply-an.

Humugot na lang ng buntong-hininga si Brey saka sinulyapan ang cellphone na hawak niya. 0 text, 0 missed calls. Napabuntong-hininga siya ulit at tinignan ang oras. 11:54pm, hindi niya namalayan na hatinggabi na pala. Kailangan niya nang bumalik at baka hanapin pa siya ng mommy niya. Hindi pa naman siya nakapagpaalam dito.

Tumayo na siya at pinagpagan ang suot na nadapuan ng mga buhangin nagsimula nang maglakad.

"Ay kwek-kwek!" halos mapatalon siya sa gulat nang makita ang isang tao sa harapan niya na nakakrus ang braso at nakasandal sa isang puno ng niyog at nakatingin ng seryoso sa kanya.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Louenzo, ang kababata nitong kaibigan.

Dahan-dahang umiling si Brey, "Hindi pa." sagot niya at napapaisip siya kung kanina pa ba ito nandiyan sa tabi.

"Tara," ani Enzo na ipinagtaka ng dalaga.

"Tara saan?"

"Kakain, gutom na ako eh." sagot ng binata.

"Eh bakit hindi ka pa kumain?" tanong ni Brey sa kanya.

"Hinihintay kita." sagot ni Louenzo at tumingin kay Aubrielle na biglang natigilan sa sinagot nito. Nag-angat ng tingin ang dalaga kaya't nagtama ang kanilang paningin ng ilang segundo bago umiwas si Enzo. "Tara na." aniya at nagsimulang maglakad pabalik sa selebrasyon.

Naiwang nagtataka si Brey ngunit nagpasya siyang iwaksi na lang ito sa isipan niya at sumunod sa direksyon ng binata.

Pagdating nila sa roob ay sinalubong kaagad sila ng kanilang mga kaibigan na kanina pa naghahanap sa kanila. Nagtatakang pabalik-pabalik sa kanila ang tingin ng mga ito.

"What?" nakataas ang kilay na tanong ni Brey sa kanyang pinsang si Anne na nakakalokong ngumingiti sa kanila.

"Saan kayo galing?" tanong ng tropa ni Enzo na si Mike. Kasama nito ang girlfriend na si Trisha.

"Diyan lang sa tabi tabi." sagot niya. "Kumain na ba kayo?" pag-iiba pa niya ng usapan.

Umiling sila. "Hindi pa. Hinihintay kasi namin kayo."

Napangiwi si Brey sa sagot nila. "Sus. Bakit? Dala ko ba pagkain niyo?" tanong niya.

Natawa lang sila sa sinabi nito maliban kay Enzo na nakatingin lang ng seryoso sa kaniya.

"Let's go." sabi lang nito saka naunang maglakad patungo sa buffet table.

Sinundan lang nila ng tingin ang lalaki habang papalayo ito sa kanila. Nagtataka sila kung bakit ang parang wala sa mood si Enzo kaya napalipat kaagad sila ng tingin kay Brey na nakakunot ang noong nakatingin rin kay Enzo.

Almost LoveWhere stories live. Discover now