Kabanata Tatlo

32 2 9
                                    


Aubrielle

MADILIM NA ang langit pero maliwanag parin sa buong isla dahil sa mga nagkikislapang bituin at liwanag ng buwan. Malamig na rin ang hangin sa isla.

Kasama ko si Enzo at nasa isang cabin kami. Buo na ang cabin, may salas, kusina, bathroom, at dalawang kwarto. May kuryente na rin kaya may ilaw at may malinis na tubig na pwedeng inumin. Pwede na akong tumira rito kung papayagan lang.

Naka-indian sit ako sa sofa habang nanonood ng T.V. Hindi ko akalain na mayroon nang ganito sa cabin na 'to. Parang pinaghandaan ang pagpunta ko dito.

"Anong gusto mong kainin?" biglang lumabas mula sa kusina si Enzo at may hawak siyang kutsilyo. Hindi siya nakatingin ng diretso sakin. Actually, simula pa kanina nung sinabi niyang sasamahan niya ako rito ay naging ganyan na siya. Pakiramdam ko tuloy nao-awkward-an siya sakin.

Tumayo ako at pumunta sa kanya. "Ako na lang magluluto. Umupo kana lang dun sa sofa." sambit ko saka maingat na kinuha ang kutsilyo sa kamay niya.

Umiling siya. "Hindi, ako na. Upo ka na lang ulit dun." sabi niya.

"Ayoko. I owe you a favor kasi sinamahan mo 'ko rito kaya umupo ka na don at ako na ang magluluto." malumanay na sabi ko.

"Pero-" I raised my fore finger to shut him up.

"Shush! No buts, just go." pautos na sabi ko na animo'y ako ang mommy niya.

Bumuntong-hininga siya dahil alam niyang wala na siyang magagawa dahil nagpupumilit na talaga ako. Ngumisi ako nang tumungo siya sa sofa at doon binagsak ang sarili.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw." sagot niya at kaagad akong nagtaas ng kilay dahil sa gulat. "Ikaw kahit anong gusto mong kainin. 'Yon na rin akin." kaagad niyang sabi at nakahinga naman ako nang maluwag.

"Okay." tanging sabi ko saka agad na pumunta sa kusina at hinanda ang kailangan ko sa pagluto.

Hindi na ako nagulat sa nakitang refrigerator at mas lalong hindi na ako nagulat nang makitang puno ito ng laman. Kumunot lang yung noo ko sa pagtataka kung bakit may ganito rito. Parang may nakatira na dito bago pa ako makapunta, ngunit ang alam ko hindi pa naman ito nabubuksan.

Weird pero nagkibit balikat na lang ako at binalik ang atensyon sa ginagawa. Gusto kong magluto ng adobong manok. Iyon kasi yung paborito ni Marcus at inaral ko talaga kung paano lutuin yon.

Hinanda ko ang lahat ng ingredients at mabuti naman dahil kumpleto lahat ng ito sa loob ng ref. May manok din na mas lalong nakapagpadagdag ng pagtataka ko sa cabin na 'to. May hinala talaga akong may nakauna na sakin dito.

Hayaan na nga, tatanungin ko na lang mamaya si Enzo, sabi ko sa sarili saka nagpatuloy sa ginagawa.

Third Person

Habang busy sa paghahanda sa kusina si Brey, si Enzo naman ay hindi mapakali sa kinauupuan. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya sa tuwing kaharap niya si Brey. Para siyang tanga na natatameme sa dalaga.

Sinubukan niyang mag-focus sa pinapanood na palabas ngunit kahit anong focus ang gawin niya ay hindi niya mapigilan ang sarili na mapalingon sa kusina kung saan naroon ang dalaga. Gusto niya kasi na tulungan ito sa pagluto ngunit naisip niya pa lang kung ano ang magagawa niya ay napapaatras siya. Baka kasi may magawa na naman siyang mali at magulat niya na naman si Brey.

Almost LoveWhere stories live. Discover now