Kabanata Apat

21 1 7
                                    

Maagang bumalik sina Enzo at Aubrielle sa Smith Island kinabukasan dahil may pupuntahan si Brey kasama sina Anne at Dayne.

Pagbaba ni Brey sa jet ski, agad siyang nagpasalamat kay Enzo. "Thank you sa pagsama sakin," sabi niya saka ngumiti pero parang hindi siya narinig ni Enzo dahil nakatingin lang ito sa mga taong naglalakad sa isla, para siyang may hinahanap na tao, kaya biglang umiral ang kuryosidad ni Brey at napalingon din sa tinitignan ni Enzo. "Sinong hinahanap mo?" tanong niya pa sabay baling ng tingin sa binata.

Natauhan si Enzo sa tanong ni Brey at tinignan ito pero agad din siyang napaiwas nang magtama ang kanilang paningin. "Wala, sige una na 'ko." sambit niya saka tumalikod at umalis.

Kumunot naman ang noo ni Brey saka tinignan ang likod ni Enzo habang naglalakad ito palayo. "Weird," sabi niya pa sa sarili bago nagkibit-balikat at bumalik na lang sa hotel.

Pagpasok niya sa hotel, agad siyang sinalubong ng ilang staff saka binati ito. Simula nang makapunta siya sa isla na pagmamay-ari ng kanyang stepfather, para siyang prinsesa kung ituring ng mga staff at mga tao roon. Nasanay na rin naman si Brey kaya hinahayaan niya na lang ang mga ito.

Ilang saglit pa ay lumabas sa isang kwarto si Anne na kanina pa hinihintay ang pagbalik ng kanyang pinsan. "Brey," tawag niya rito.

Nag-angat ng tingin si Brey sa hagdan kung saan nagmamadaling bumaba si Anne.

"Pasensya kana ngayon lang ako---" tinaas ni Anne ang kanyang daliri sa bibig ni Brey para patahimikin ito.

"Shush! Okay lang 'yon. Iba ang kailangan kong malaman." ngingisi-ngising ani Anne dahilan para kumunot ang noo ng isa.

"Anong malaman? May dapat ka bang malaman?" tanong nito. Napairap naman si Anne bago hinila si Brey papunta sa kwarto niya at pinaupo sa kama niya at pumwesto sa harapan nito.

Kunot parin ang noo ni Brey habang nakatingin sa ginagawa ng pinsan niya. "Ano ba 'yon ha?" tanong niya.

Umupo si Anne sa tabi nito saka nakangiting tinignan ang pinsan. "Magkwento ka dali," excited na tonong sabi niya.

"Ano naman ikukwento ko sa'yo?" naguguluhang tanong ni Brey.

"Ikaw at si Enzo. Anong nangyari sa inyo sa isla mo kahapon?... saka kagabi narin hehe," parang kinikilig pang sambit ng mas batang pinsan, isang taon ang agwat ng magpinsan sa isa't-isa.

Unti namang nawala ang pagkunot ng noo ni Brey saka pinalitan ito ng taas-kilay. Alam niya na kung ano ang tinutukoy ng pinsan niya. Gusto nitong alamin kung ano ang nangyari sa kanila ni Enzo doon sa isla na sila lang dalawa ang magkasama.

"Gusto mong kurutin ko hita mo ha?" nagbabantang saad niya kay Anne na agad napalayo ngunit natatawa.

"Oh bakit? Gusto ko lang naman malaman kung anong nangyari ah? Masama ba?" malokong sabi ni Anne at binigyan pa ng pilyong tingin ang pinsan.

Napairap lang si Brey bago tinignan si Anne ng seryoso. "Baka nakakalimutan mong may boyfriend ako?" sambit niya.

Napangisi si Anne bago umusog papalapit muli kay Brey. "Alam ko naman 'yon, pero bago dumating si Marcus sa buhay mo, nauna na si Enzo sa puso mo." sambit niya rito.

"Anong pinagsasabi mo?" kunot-noong tanong ni Brey na halatang nagpapanggap na walang alam sa sinasabi ng pinsan niya.

"Bakit? Mali ba ako?" sambit ni Anne saka seryosong tinignan ang kasama. Agad namang umiwas si Brey saka tumayo.

"Gutom na ako, Anne. Kain tayo," pag-iiba ni Brey ng usapan. Napabuntong-hininga lang si Anne dahil batid niyang ayaw pag-usapan ni Brey ang nakaraan. Kaya sinakyan niya na lang ang gusto ng pinsan niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Almost LoveWhere stories live. Discover now