kinabukasan ng umaga nagising na lang ako sa sikat ng araw na dumadampi sa king mukha.
"naku! tanghali na pala"
agad-agad akong bumangon at ngkape para pumunta sa gubat upang mangahoy.
"eto tamang-tama to ipil malingas na panggatong to".
"pwede na siguro tong naipon ko marami-rami na rin ".
habang pababa ako sa kagubatan may nakita akong kompulan ng mga ibon na nakadapo sa matandang puno ng acacia.
ang gagandang ibon na ngayon ko lang nakita.
kakaiba ang bawat kulay ng balahibo nila.
"ano kaya to naligaw,para kasing imported; tanong ko sa sarili ko".
nilapitan ko sila para makita ko ng husto,kaya lang bigla silang nagliparan.sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalayo nagulat ako ng;
"ha!!! sa isla na yun sila nagpuntahan".
lalo akong naguluhan sa nakita ko.
"pambihira pala talaga ang isla na un".
nagulat na lang ako ng may sumigaw sakin.
"kaya pala nabugaw ang mga ibon nanjan ka eh".
sabi ng mamang my dala-dalang iskopeta.malamang balak nyang barilin ang mga magagandang ibon na yun.
******
"hay kapagod ! salamat at nandito na rin ako sa bahay.
habang nagpapahinga ako nakita ko ang matandang lasing na lasing kagabi.mukhang papalaot sya sa bigat na dala nitong lambat.agad akong kumilos para tulungan ang matanda.
"tulungan ko na po kayo,tang"
"salamat iho" bawi sakin ng matanda.
"gusto mo bang sumama iho?
alok nya sakin syempre my mga gusto akong malaman sa kanya tungkol sa isla ,kaya pumayag kagad ako.
habang nasa laot kame nakakatitig ako sa isla na yun.napaka yaman sa kalikasan ang isla na un,kahit malayo ito samen.abala naman ang matanda sa pag-aayos ng lambat.
"ang ganda talaga ng isla yun"....
sabi ko para marinig ng matanda.
"tama ka iho,talagang napakaganda ng isla na yan!
nagulat ako sa sinabi na matanda.
"pano nyo po nasabi? tanung ko sa kanya.
bigla nyang hinila ang lambat tinulungan ko sya.marami-rami din kaming huling isda.habang pabalik na kame niyakag nya ako na sa kanila na magtanghalian. syempre pumayag kagad ako.medyo gutom na talaga ako.
BINABASA MO ANG
"ALINDOG"
Mystery / Thrillerlahat lhat ay gusto mong alamin kht sa panganib ka dalhin.