Grade 7
Wala pang masyadong ganap...
Grade 8
Nagsimula kitang makilala..
Nagkagusto ako sayo...
Umabot ng apat na taon..Alam mong may gusto ako sayo..
Yun ang dahilan para lumayo ka..
Para mailang..Pero bumalik din tayo sa dating tayo...
Naging komportable tulad ng dati...
Naging sandigan pag may problema...Naalala ko pa dati ng nagkasakit si Mommy..
Ikaw ang una kong tinawagan at hindi ako nabigo..dahil sinagot mo nman agad...
Pinagdasal mo si Mommy...
Tapos nag kwentuhan tayo...Pero nung na depress ako..
Nawala ka...
Naalala ko pa nung sinabi mong yung mga barkada mo ay hindi ganon yung gusto mo bilang isang kaibigan at sinabi mong na iinggit ka sa kabilang section dahil sa pag kakaibigan nila...Pero iniwan mokong mag isa..
Mas kinampihan mo sila...
Hanggang magtapos ang school year wala akong narinig sayo...
Ball nga hindi mo ako sinayaw...Moving up wala man lang tayong picture..
Kahit na aalis kna..
Ang tanging nilagay mo lang sa papel ko ay.."Thank you dahil naging kaibigan kita pag may kailangan ako"..
Dun ko na realize na hindi pala lahat yun totoo...
Hindi ka pala totoo..Nasaktan ako...
Eversince nman..
Kaso iba yung sakit ng impact nun sakin...
Kahit dati libreng libre kang ikwento lahat..
Kung sinong girlfriend mo..
Nililigawan mo...
At taong mahal mo...Feeling ko swerte parin ako dahil mahal mo din ako...
Pero syempre bilang kaibigan lang...
Pero thankful ako kahit hanggang dun lang...Kamusta kana kaya...
Sino ng jowa mo..
Nung birthday ng kaibigan ko na kaibigan mo..
Hindi tayo nakapag usap...
Nahihiya kasi ako sa mga kaibigan mo...
At baka ikahiya mo din ako...Pero salamat dahil pumunta ka sa Birthday ko...
Pumupunta ka sa bahay just for movies..
Kahit gabi...
Flashdrive lang habol mo...Napag kamalan kapang boyfriend ko...
Nakakatuwang maalala yun...
Lahat ng yun...Pero nag laho lang....
Nag laho lahat...
Kasabay ng moving up..
Nag laho narin yung nararamdaman ko para sayo...Pero lahat ng memories andito pa..
Binura ko narin ang mga masasakit na ala ala ng kahapon...
At tinanggap ko narin sa sarili kong kaibigan mo lang ako kung may kailangan ka...Kaibigan moko pag kailangan mo ng papel....
Kapag kailangan mo ng mapag kokopyahan...
Kapag kailangan mo ng gagawa sa project mo...
Kapag kailangan mo ng mapag kokopyahan sa assignment natin....Dun mo lang ako kailangan...
Pero all along way back hindi mo ako dinamayan...
Wala man lang akong maramdamang kaibigan...
Kahit isa...

YOU ARE READING
Not a story
Poesíahindi ito isang kwento kung hindi ito ang nararamdaman ko..more like spoken poetry slash Diary.... Sa bawat chapter iba pong mga tula :-) pls vote, comment and enjoy <3 ~xoxo Bella<3