Nasasaktan

3 2 0
                                    

Hindi ko alam...
Hindi ko alam kung bakit tumakbo sa isipan ko at sinabi ko yun sayo..
Ang tanging nais ko lang ay masabi yun para maging malaya...

Hindi ko alam kung bakit ganon nalang yung sinabi ko nung una..
Na para kitang sinusuko, at nag papakita ng motibo..
Motibo na para malaman mong may gusto ako sayo...

Ngunit alam ko namang hindi mo ako magugustuhan...
Siguro tama lang ang sinabi nila..
Tinanong ka nila kung may pag asa ako..
Alam kong hindi mo sinagot..
Dalawa lang ang ibig sabihin nun..
Hindi mo ako gusto o ayaw mo lang akong mapahiya...

Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang isigaw..
At sabihin sa harapan ng marami..
Na kailan man hindi mo ako magugustuhan...

Naalala ko..
Naalala ko ang sinabi ko sayo tungkol sa nararamdaman ko...
Na..nasasaktan ako...

Una...
Alam kong hindi mo ako gusto..
Pero ang sakit, sakit palang mapahiya kahit alam mo namang hindi mo kailanman ako magugustuhan..

Madami akong imperfections...
Hindi ako maganda..
Hindi sexy tulad nila...
Hindi ako magaling sa Math tulad mo..

Wala akong pinang hahawakan ni isa..
Kasi alam kong hindi ako perpekto tulad ng babaeng pinapangarap mo...

Tulad ng babaeng gusto mo...
Tulad ng babaeng mamahalin mo...

Pero tandaan mo..
Hindi man ako ganon...
Ako ang taong mag mamahal sayo..
Hindi ako mag kukulang...

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko...
Alam kong hindi kita pag mamay ari at wala akong pinang hahawakan..
Pero alam ko sa sarili kong nag seselos ako...
Kahit wala namang tayo...

Alam kong wala na tayong komyunikasyon dahil iniiwasan kita..
Alam kong wala kang masabi...
Pero gusto kong malaman kung ano yung nasa isip mo nung sinabi ko yun...
Gusto kong malaman mong nasaktan ako...

Siguro sayo kaibigan lang ako...
Pero sa puso ko iba ang tinitibok...
Na ako lang ang nakakaalam...

Pero paninindigan ko ang pagiging mag kaibigan natin...

Not a storyWhere stories live. Discover now