Chapter 4

22 2 13
                                    

Hindi ganun humalik ang isang lalaking may respeto. When he stop kissing me, I saw the desire in his eyes.

At dun ako mas natakot sa kaniya.

"Nathan, hindi natin 'to gagawin!"

"I'm still not yet ready at isa pa, 4th year palang tayo!" Sigaw ko sa kanya pero para siyang walang naririnig.

Pero bigla niya nalang ulit akong hinatak at hinalikan. At do'n tumakas ang mga maiinit na likido mula sa aking mga mata.

Doon ko lang nasabi sa sarili ko na-- Si Nathan paba 'to?!

Dahil hindi ko makilala ang nasa harapan ko ngayon. Ibang-iba siya sa Nathan na nakilala ko.

Pero bigla nalang akong nagulat nang makita ko si Nathan na nakahiga sa sahig.

Duguan ang labi, nakaiwas ng tingin. Nag-angat ako ng tingin at doon ko nakita si Gelo.Na galit na galit na nakatingin kay Nathan. Ngayon ko lang nakita nang ganun kagalit si Gelo.

At sobra siyang nakakatakot.

Na parang kaya niyang maka-patay ng tao sa galit niya. Pero nung mapadako ang tingin niya sa akin. Ay biglang nag bago ang hitsura niya. Nag-alala.

Hinubad niya ang suot niyang jacket at isinuot sa akin.Binigyan niya pa ng isang suntok si Nathan at nagsalita.

"Hindi ko siya ipinaubaya sa 'yo para hindi irespeto at gaguhin lang. Gago kang hayop ka! Hope you'll rot in hell!"

Hinawakan ko sa braso si Gelo at sinabing umalis nalang kami.

Dinala niya ako isang lugawan upang magpahinga muna at maka-kain kami.

Hindi ako nagsasalita kanina habang nasa daan pa kami.

Hindi pa rin kasi nagsi-sink in sa utak ko. Na magagawa 'yon ni Nathan sa akin.

Alam kong alam niya ang limitations niya pero bakit umabot sa puntong gano'n?

Napaiyak ako sa takot at panghihinayang. Hindi na ako nagulat nang biglang punasan ni Gelo ang mga luha ko.

Tiningnan niya ako at tiningnan ko rin siya.

"May masakit ba sa'yo, Abi? Wag ka ng umiyak please? Tahan na," nag-aalalang sabi niya.

"I-I'm okay. I'm sorry Gelo..."

Pinagaan niya ang loob ko, matapos ang nangyari kanina. We talked a lot. Nagbigay siya ng mga banat at jokes sa akin para tumawa ako.

"Eto naman, anong gulay ang hindi sakin?"

Natatawa akong sumagot. "Ano?"

"Sayote HAHAHAHAHA!" hindi ako sa joke niya natatawa kundi sa tawa niya.

Pagtapos kasi ng joke niya hindi nawawala ang tawa niya. Kaya eto nadadala rin ako sa kanya.

"Eto last na 'to, anong mas nauna coins or bills?" Tanong niya.

"Ano?" sagot ko.

"Edi coins, kasi COINS PURSE! Ahahahahaha!" tawa siya ng tawa.

"Eto na last na talaga 'to, alam kong nauumay ka na sa mga jokes ko eh," Napakamot pa siya sa batok niya hahaha ang cute niya.

"Anong sunod sa turkey?" natatawa nanaman siya.

"Ano naman?" sagot ko ulit.

"Edi, turkey one.. turkey two BWAHAHAHAHAHAHA!" Ang lakas ng tawa niya na nabulabog na namin ang buong lugawan.

Kaya heto habang nakaupo ay nag pi-peace sign ako sa mga tao at humihingi ng tawad. Habang nagso-sorry ako sa mga tao, tawa parin siya ng tawa. Nahawa rin ako sa tawa niya kaya hinatid niya ako sa bahay namin na masaya.

Hindi niya ako hinayaang umuwi ng malungkot.

.-..-..-..-.

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW. Thanks a loooot! ^_^

~ y u n n i v e r s ♥

Not You Anymore [On-Going(Slow Update)]Where stories live. Discover now