Abigail's Point Of View
Nagising ako sa sikat ng araw na sumisinag sa aking mukha.
Siguro si manang ang nag-bukas ng kurtina sa kwarto ko.
Tumayo na 'ko sa pagkakahiga mula sa aking kama para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nag-bihis na 'ko ng uniform at bumaba para mag-breakfast.
Pababa palang ako sa hagdan ay naamoy ko na ang niluluto ni mommy na breakfast. At binilisan ko ang pagbaba sa hagdan para puntahan sila sa kitchen.
"Good morning mommy, sa iyo rin manang," bati ko sa kanilang dalawa.
"Morning din sweety," sagot ni mommy. "Magandang umaga rin sa iyo hija," si manang.
Habang nagluluto si mommy ay nag aayos na si manang sa lamesa para kumain na kami. Pagkatapos ni mommy magluto ay pinuntahan ko na si daddy sa sofa para yayaing mag-breakfast.
"Daddy tara na, mag-breakfast na tayo," anyaya ko sa kanya.
Tumayo naman agad siya at sumabay na ako sa kanya para pumunta sa dining area. Nagsisimula na kaming kumain nang biglang dumaan si manang papunta sana sa garden.
"Manang sumabay ka na sa aming kumain,"
"Sige ho sir, mamaya nalang ho ako at mag-lilinis pa ho ako sa labas," sabi nito.
"Hay nako manang, umupo kana rito at sumabay sa amin," pag-sabat ko.
Pagkatapos kong kumain ay pinunasan ko na ang gilid ng labi ko. At humalik kina mommy at daddy dahil papasok na ako sa school.
"Mom, Dad, I'm going." sabi ko habang naglalakad papunta sa pinto.
"Take care sweety," pahabol ni mommy.
Ilang minuto lang ang naging biyahe ko papunta sa school dahil malapit lang naman ito sa village namin. Pababa palang ako sa sasakyan ay nakikita ko na ang bestfriend kong si Hannah na papalapit sa akin.
"GOOD MORNING!!!" makabasag pinggan na bati niya sa akin.
Wala pa ring nagbago sa kaniya--- ang ingay parin at ang tinis ng boses niya! Myghad.
"Mmm morning," bati ko rin sa kanya.
Sabay na kaming naglakad papunta sa room dahil mag-kaklase naman kami. Pero malapit palang kami sa corridor ay naririnig ko na naman ang nang aasar na boses ni Gelo.
"Hala! Yung libro naglalakad ahahahaha libro sa pagka-flat,"
"Ang aga-aga nang aasar ka na naman." inis na sabi ko sa kanya.
Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos ay wala siyang palya sa kaka-asar sa'kin. Para kaming mga aso't pusa lagi sa pang aasar niya.
Magbabangayan kami hanggang sa mapagod kaming dalawa. Laging ganyan ang scenario naming dalawa sa school.
Hanggang sa mag 4th year kami nila Gelo. At meron kami ngayong transferee.
Si Nathan...
Matalino, gwapo, medyo suplado at tahimik. Tipikal na gusto ng mga kababaihan gaya ko.
Kakasabi ko nga lang na si Nathan ay tipikal na gusto ng mga kababaihan gaya 'ko'.
So ayun na nga... Nang dahil sa pag-hanga ko sa kanya ay...
nag-be bake ako ng mga cupcakes para sa kanya. Lagi kong inaagahan ang pag-pasok sa school.
Para ilagay sa table niya ang mga cupcakes ng walang nakakaalam. 'Yon ang naging routine ko araw-araw sa loob ng isang buwan.
Halo-halo lagi ang nararamdaman ko tulad ng natututuwa, na-eexcite at kinakabahan.
Lalo na kapag iniikot na niya ang mata niya sa buong sa room. Para lang malaman kung sino yung nag bibigay sa kanya ng cupcakes.
.-..-..-..-.
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW! Thanks a loooot! ^_^
~ y u n n i v e r s ♥
YOU ARE READING
Not You Anymore [On-Going(Slow Update)]
Kort verhaalTotoo nga ang kasabihan na 'Ginto na naging bato pa.' Ang masasabi ko lang talaga sa sarili ko ay ang tanga-tanga ko dahil nasa kamay ko na ang ginto pero mas pinili ko pa rin ang bato. Na pinakawalan ko pa ang taong nasa kamay ko na, na dapat iniin...