Nasa kanyang kwarto si Laxterx. Nakabukas ang kanyang bintana ay nagbabakasakali siyang buksan ni Frilia ang kanyang bintana. Kahit na inip na inip na siya. Sinubukan niya parin maghintay.
"11 p.m na oh, wala na yung pag-asa lumabas. Sigurado tulog na yun. Ano ba talaga kaya ang nangyayari sayo Frilia. Hindi ko malaman kung ano ba talaga ang problema mo. Ano ba talaga ang nagawa kong mali sayo. Pansinin mo naman ako oh. Hays, di ko alam ang gagawin ko sa mga ginagawa mo ngayon. Bakit bigla ka nalang naging ganyan. Hindi ko man lang malaman ang dahilan. Please, sabihin mo na saakin kung ano talaga ang dahilan. May problema ba saakin? Nasaktan ba kita? May nasabi ba akong mali? May nagawa ba akong mali? Aaaiish, kamusta ka kaya. First time kong makaramdam ng ganito ha. Ano ba talaga ang nagawa kong mali. Sabihin mo naman saakin oh, kung nakikinig ka diyan. Sige Goodnight" Laxterx
Isinara na Laxterx ang kanyang bintana at natulog na ito. Maya-maya binuksan ni Frilia ang bintana niya.
"Laxterx, pasensiya na ha. Sa totoo lang wala kang kasalanan. May bagay kasi dapat kong pag-isipan. Lalo na sa nararamdaman ko ngayon. Wala ka dapat ipag-alala saakin kasi ayos lang ako. Pasensiya na kung naguguluhan ka ng dahil saakin. Wala kang nagawa mali Laxterx kung bakit ako nagkaganito. Siguro, pag-iisipan ko muna kung ano dapat kong gawin saaking nararamdaman. Sorry Laxterx kung binibigyan kita ng sakit sa ulo. Goodnight Laxterx" Frilia
Isinara ni Frilia ang kanyang bintana at natulog na ito.
Sa pagsapit ng umaga. Sa paglabas ng Gate ni Laxterx agad niyang nakita si Frilia. Ngunit hindi niya ito pinansin. Pagdating sa paaralan tila ang dalawa ay hindi kumikibo sa isa't isa. Nagtataka din ang kanilang mga kaklase kung ano nangyari sa dalawa dahil bigla itong nagtahimik. Hanggang sa pag-uwi ang dalawa ay hindi nag-sabay. Sa oras na iyon ay mas nauna pang umuwi si Laxterx.
Pagdating niya kanilang bahay agad siya tumungo sa kanyang kwarto at binuksan ang kanyang bintana. Nakita niyang lumabas si Frilia sa kanilang bahay. Agad niya naman ito sinundan.
Habang naglalakad si Frilia may humila sa kanyang kamay
"Oh, Laxterx ano ba ginagawa mo dito?" Frilia
"Ahh, sinundan kita kasi nakita lumabas. So, ayon sinundan kita baka kasi may mangyari sayo" Laxterx
"Salamat nalang Laxterx, mauuna na ako" Frilia
"Frilia sandali hanggang diyan ka lang. Ano ba ang pinagsasabi mo kagabi. Ano ba yan nararamdaman mo? May sakit ka ba? Aaaaissssh dapat sinabi mo saakin na may sakit. Iniiwasan mo ba dahil sa sakit mo? Bakit kailangan mo pa akong iwasan ha Frilia" Laxterx
"Laxterx, Mali ang pagkaka-intindi mo saakin ( maluha-luha niyang sinabi)" Frilia
"Eh ano ang mali dun! Frilia" Laxterx
"wala akong sakit Laxterx" Frilia
"Wala kang sakit? Eh ano yung nararamdaman mo (pagalit)" Laxterx
"Kasi Laxterx hindi mo maiintindahan ang nararamdaman ko ngayon." Frilia
"Ano kasi yan nararamdaman mo! Ba't kailangan mo pa iwasan ako!" Laxterx
"Bakit ka nagagalit saakin ha! Sorry na kung nagkakaganito ako. Sino ka naman para alalahanin ako.( paiyak)" Frilia
"Wag ka naman ganyan saakin Frilia sabihin mo kasi kung ano dahilan para hindi mo ako pansinin ng ganoon na lamang" Laxterx
"Laxterx, may bagay kasi dapat pag-isipan ko......" Frilia
"Pag-isipan na ano......" Laxterx
"Sige mauuna na ako" Frilia
Hinala ni Laxterx ang kamay ni Frilia
"Frilia, sabihin mo na saakin kung ano ba talaga ang dahilan ( Being Sincere)" Laxterx
"Di kayang sabihin saiyo sapagkat......" Frilia
"Sabihin mo na, I won't judge you" Laxterx
"( She take a deep breathe) eh kasi I-I---I...." Frilia
"Ok, kaya mo yan" Laxterx
"Gu-gu-gusto...." Frilia
"Gusto na ano?!" Laxterx
"Wag kang sumigaw dahil natatakot ako at dahil GUSTO KITA!" Frilia
"Haaaaaaaa! Ulitin mo hindi ko narinig" Laxterx
"I like you Laxterx" Frilia
Ngumiti lang si Laxterx sa sinabi ni Frilia
"Ba't wala kang ma-ma-masabi diya Laxterx" Frilia
Niyakap ni Laxterx si Frilia ng mahigpit
"Hay naku, Frilia yun lang pala pinag-iisipan mo at hindi mo kayang sabihin Aiiisssh. Ang mga ganyan bagay hindi na dapat pag-isipan" Laxterx
"Ano yun lang? Ang hirap kaya Laxterx. Teka lang Ba't mo ako niyakap pala" Frilia
Aalis na sana si Frilia sa pagkayakap ngunit niyakap ito ulit ni Laxterx
"Kasi gusto rin kita, I like you. Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko. Kahit hindi tayo star kaya natin mag-spark. Kahit wala tayong spark kaya natin maging star. Kaya puwede tayong maging The Sparkling Stars" Laxterx
"ay, medyo natatagalan na ang pagkayakap natin ah. Uwi na tayo hinahanap na ako ni Mom. Sa bintana na tayo mag-usap" Frilia
"Tara, Uwi na tayo. Lumalalim na yung gabi eh" Laxterx
Umuwi na ang dalawa
(To be Continued)
YOU ARE READING
The Sparkling Stars
Teen FictionThe Story tells about a love story. A love story that end with a......... What kind of love story is that? Is it amazing? Is it wonderful? Who are they? They will end it with a happy ending?