THAT NERD
By: binibini_kyzzPREMIER
Blue.
This color means sadness.And sadness means being unhappy and hurt.
Hindi masaya ang buhay ko dahil napapalibutan ako ng mga matang mapanghusga na araw-araw na pinapakialaman ang katauhan ko. Pero nang dumating 'sya', nalaman kong hindi lahat ng tao ay mapagsamantala.
Nang dahil sa kanya, natutunan ko kung paano maging masaya, natutunan kong imulat ang isip ko na may mga tao pa ring kaya kang pakisamahan sa kabila ng estado at kaanyuan mo sa buhay.
Pero. Hindi pa pala doon nagtatapos ang mga suliraning susubok sa akin. Ang kaisa-isang tao na nasa tabi ko noong mga panahong kailangan ko sya, nagsinungaling lang pala. Akala ko dati na pwede ring mangyari sa totoong buhay ang mga nangyayari sa panaginip ko. Na pwedeng kahit mataba ako ay pwede pa rin akong makahanap ng isang lalaki na magmamahal at magpapahalaga sa importansya ko sa mundong ito.
Nakakalungkot isipin na isang araw nagising na lang ako at narealize ko na wala na nga palang lalaki ang tumitingin sa panloob na katangian ng isang tao. Mas pipiliin nilang makahanap ng babaeng may ipagmamalaki pagdating sa panlabas na kaanyuan.
Masakit. Sobra. Pero ngayon alam ko na, ang panaginip ay mananatiling panaginip lamang dahil kahit kailan hindi ito maaaring mangyari sa totoong buhay. Ang totoong mundo ngayon ay isang bangungunot para sa isang tulad ko, dahil hindi mo malalaman kung sino sino ang mga taong totoo at kung sino yung mga taong manloloko.
*FLASHBACK*
"Ate para sayo po, may nagpapabigay po."
Tinanggap ko naman yung binigay na bulaklak nung bata, pero nagtataka lang ako kung bakit kulay itim yung kulay. Hindi ko alam kung anong klaseng bulaklak yun. Nakaramdam ako ng takot pero inisip ko na lang na binigay to sa akin ng boyfriend ko.3 months na kami ngayon kaya naman hindi na ako nagtaka kung bakit mayroon akong natanggap na bulaklak ngayong araw.
NANG makarating ako sa classroom ay wala akong naabutan na tao rito ngunit may nakasulat sa blackboard na pumunta daw ako sa field dahil andun daw lahat ng estudyante. Nagtataka lang ako kung bakit nandun lahat ng estudyante, wala naman kasing inannounce na may program ngayon sa school.
"Oyyy! Punta ka na dun sa unahan! Hahaha!"
"Bilisan mo! Andun yung boyfriend mo, may surprise sayo!"
"Sana lang masayahan ka sa regalo nya."Yan ang nadatnan ko sa field, sari saring bulungan na naman pero anong meron? Bakit pinapapunta nila ako sa unahan? At anong kinalaman dito ng boyfriend ko? Sya ba ang dahilan kung bakit nandito ang mga estudyante ngayon? Pero bakit? Hindi naman nya gawain na ipagmalaki sa lahat ang relasyon namin, lalo na kapag araw ng monthsary namin.
Sa katunayan, hindi kami tulad ng mga couple dyan na palaging nag dedate at lumalabas. Lagi lang kaming nasa bahay ko kapag nag dedate kami at kapag monthsary namin. Kaya ngayon, sobrang nakakagulat na ginawa talaga nya ito para sa akin.
Pag dating ko sa unahan, napatingin ako sa mga estudyante na nakapalibot sa akin, nagulat na lamang ako ng isa isa nilang ibuhos sa akin ang dala nilang tubig. Napatingin agad ako kay Swine.
Swine Raven Scoff. My Boyfriend.
Akala ko ipagtatanggol nya ako gaya nang ginawa nya noong una naming pagkikita ngunit nagulat ako nang hindi nya ako pinansin at umalis. Pero ilang sandali lamang ay bumalik sya,mayroon syang dala dalang balde.
Natigilan ang lahat nang makita syang bumalik, tila nasa isa kaming pelikula at sila naman ay ang mga manunuod na inaabangan ang mga susunod na mangyayari.
BINABASA MO ANG
That Nerd
Teen Fiction"Everybody have their own way of showing their beauties." - Master B.M Abigail Chaste. -Babaeng nagpapatunay na may panget sa mundo. -Tinaguriang Reyna ng mga Eyeglasses. -Sya ang nagpauso ng " SABOG-TALI " buhok style. -Babaeng mas jologs pa m...