Chapter 3

2 0 0
                                    

Jefferson's Pov

Nag-announce ang mga teachers na break time na daw yung mga natitirang time since first day palang naman. Tch. If I know tamad lang silang magturo. Mga walang kwenta.

Dahil nga wala naman ding pasok, naisipan naming apat na tumambay muna sa mall. Naglalakad kaming apat ng sabay sabay sa may bandang corridor nang mamataan namin yung babae kanina. Yung nakaaway ni Lacey! Simple lang itong naglalakad kahit na pinagtitinginan na siya ng mga tao dahil siguro kanina.

Rumehistro ang pagkagulat sa mata nito ng makita niya kaming apat, specifically Daymoon. Sandali lamang ang pagkagulat nito at napalitan iyon ng blankong ekspresyon hanggang sa malagpasan niya kami.

"Huy! Araw na buwan napano ka?" tanong ni Kurt.

"What the?" bulong ni Daymoon na parang hindi makapaniwala.

"Chocolates gusto mo? Nakita mo na sya kanina diba?" ngumunguyang tanong din ni Jelo.

"He did not see her. Nagpaalam siyang may dadanan saglit kaya di niya nakita nung may nakaaway na yung babaeng yon. Why, Day? Something wrong?" ako na ang nagtanong dahil bihira ang ganito.

Among the four of us, Daymoon is the most secretive. He doesn't tell anything which is too personal to him. Especially if it's about his family. That's why with what we're seeing, I know something's off.

"Wala, h-hindi lang ako familiar sa kanya. I bet s-she's a transferee. C'mon let's go. " alanganin pa rin nyang sagot.

We just shrugged it off and continued our way to our cars. Since lahat naman kami may dalang sasakyan kaya we decided to do a convoy nalang.

Heck.

I feel so fucking conyo.

Pagkadating namin sa Athena's  Mall agad naming ginawa ang mga bagay na ginagawa ng mga lalaking nasa mall — chic hunting.

(^_*)

Diana's Pov

Pagkauwi ko ng bahay agad akong nag-ayos. Aalisin ko na muna sa utak ko ang nakita ko kanina. Nakakasayang lang ng oras. Tsaka isa pa kailangan ko pang makahanap ng trabaho kahit sana part time lang. Lalo pa ngayon na sa DIAU ang pinasukan ko. Napakamahal ng mga gastusin don.

Nagpapasalamat na din ako dahil scholar ako. Sa tantya ko kasi lagpas isang daang libo ang tuition don. Hayy, naalala ko na naman yung naging kaaway ko kanina. Ke bago bago ko may aberya na agad sheyt.

Pagkatapos kong alisin ang uniform ko — na sobrang iksi at sikip — nagpalit ako ng t-shirt at pantalon tsaka ko kinuha yung mga requirements na kakailanganin ko. Kailangan bago matapos ang araw e' makahanap na ako ng trabaho. Tinignan ko ang orasan sa loob ng bahay ko, alas diyes. Kumuha ako ng isang Extreme na tinapay at nilagay yun sa bag ko. Baka kasi di na rin ako makapaglunch mamaya kaya mabuti ng handa ako. Lahat naman ng kailangan ko nasa akin na kaya lumabas na'ko ng bahay at nilock ito.

-*-

"Hayy! Kanina pa ako paikot - ikot wala pa rin akong nakikitang pwedeng maging trabaho ko." bulong ko sa sarili ko habang pagod na pagod na nakaupo sa isa sa mga benches dito. Alas tres pasado na pero hanggang ngayon wala parin. Napadpad na nga ako dito sa mall eh. Tinignan ko ang pangalan ng mall.

Athena's Mall

Napatawa na lang ako ng pagak sa pangalan ng mall. Athena? Kalokohan. Akmang aalis na ako nang mapansin ko ang isa... lima... dalawa... apat... tatlo.... sampu.... siyam! Siyam na mga lalaking nagsusuntukan? Sus mga batang walang magawa. Papabayaan ko na sana sila pero— wait! Mga taga DIAU yung apat! At ang mas matindi, sina Daymoon yun! Anak ng baka naman oh! Pinagtutulungan sila ng lima. Hindi ko kilala yung uniform ng lima pero mga nag-aaral din sila. Obviously, naka uniform nga eh.

D I A N ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon