Diana's Pov
"Hoy Diana dalian mo dyan! Susmaryosep ang tagal tagal mo kanina ka pa naliligo walangya ka dalian moooooo!" shete! Kanina pa 'yang si Victoria sigaw ng sigaw.
"Ikaw ang walangya Victoria ah. Makikiligo ka lang kaya tumahimik ka baka sungalngalin kita mablongoy ka!"
Aish, bakit ba kasi pinatuloy ko pa dito yang babae na yan. Kung di lang nakakaawa at nakakatawa yung histura nya kahapon eh. Hahahaha mukha siyang tanga kahapon na nagmamakaawang patuluyin ko muna dito. Kesyo paano na lang daw sya. Wala syang matutuluyan. Kesyo sya ng kesyo kagabi kaya ayon wala akong choice.
(-_-)
Sandali, kesyo? Cheese yung english non, lol.
"Dianaaaaaa! Ano ba! Oras na oh!"
Lumabas ako ng banyo kasi dragona to. Baka pasukin niya pa ako eh. Paglabas na paglabas ko, nakaabang na agad sya. Inisnaban niya pa'ko bago pumasok sa loob. Tinignan ko ang oras, abat! Gago talaga tong babaeng to. Wala pa'kong trenta minutos sa banyo ah! Tsaka isa pa, alas sais pa lang eh! Walanghiya talaga itong Victoria na'to. Nanggigigil ako, bat ang haba ng pangalan nyang Victoria? Aish.
Pumasok ako sa kwarto ko para mag-ayos. Habang kasalukuyan akong nag-aayos, may napansin akong isang papel, bond paper. Tinignan ko ito. Yung papel kahapon sa may bulletin board. Tsk, sa totoo lang kinakabahan ako. Ako yung tipo ng tao na madalang lang kabahan sa mga bagay bagay, pero oras na kinabahan ako panigurado may dapat ngang ikakaba.
Siguro naman hindi na nakita ng mga taga DIAU to no? Wala naman kasing mga estudyanteng pakalat-kalat nung makita ko 'to eh. Sana ako na lang. Sana ako na lang yung taong minahal ny— joke lang, kadiri naman. Seryoso, sana ako lang yung nakakita nitong papel na'to. Pero kailangan ko pa ring ihanda ang sarili ko sa anumang pwedeng mangyari. Lalo na't yung Jepoy na din na yon ang nagsabi, Lampha este Alpha daw sya. Nakakatakot, pwe.
__
Kapansin-pansin ang katahimikan nang makapasok na kami sa balwarte ng DIAU ni Toria. May mali. Ito na ba yung kinakakaba ko? Bawat estudyanteng madadaanan namin, ngumungisi. Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Toria. Pinapakiramdaman ang paligid. Para kaming mga hangin sa paningin ng mga tao, nararamdaman pero hindi tinitignan.
"Huy, Dia anong nangyayari?"
"Malay ko." sa mga ganitong sitwasyon kailangan ay kalmado lang ak— ANAK NG PUSANG BAKA! WALANGHIYAAAA!
Saktong nasa tapat na kami ng main building, isang balde ng scrambled egg — na hindi luto — ang bumagsak sa lugar namin. Huta! Kakaligo ko lang! Tinignan ko si Toria, nakikita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Kahit ako!
"Hahahahahahahaha bagay nga sa kanya."
"Hala pare diba sabe yung Diyana lang? Nasama yung kasama niyang chix, sayang."
"Hayaan mo na, at least nadali natin yung target."
"Hahahahaha"
Tiningala ko ang dahilan ng ito. Limang lalaki ang nagbuhos nitong pesteng malagkit na itlog na'to sa amin. Partida, amoy bugok na itlog! Tawanan ang maririnig sa buong paligid. Para silang mga batang nanonood ng clown show sa tawa nila.
"Huh, serves you right bitch."
"That's what you get from going against the Alphas."
"Hahahaha good thing we've got ourselves a new target. Thanks to Alpha Jeff."
"Dia, ano na? Tatayo na lang ba tayo dito? Hanep, pinaliguan ulit ako." bulong ng katabi ko habang nakatingin sa akin. Sasagot na sana ako kaso may epal na sumabat.
BINABASA MO ANG
D I A N A
ActionDIA University, a school that was entitled to be the most prestigious university in the land Pampanga. Where the richest, brainiest, coolest, most beautiful, most handsome, and of course the bitchiest study or rather, belong. DIAU has always been pe...