Kurt Ian's Pov
"How dare her?! I can't fucking forgive that bitch!"
Kanina pa — ay hindi kahapon pa pala ganyan si Jeff. Magmula kahapon na tinulungan kami nung Diana. Hindi ata matanggap ng ego niya. Sa akin kasi ayos lang. Ibig kong sabihin, agrabyado talaga kami kahapon kasi lima sila at malalakas din naman pero kaya namin. Sabagay ano pa nga bang aasahan ko eh Alpha tong nainsulto niya. Tsk tsk.
"Watch your tongue Alvarez." isa pa tong si Daymoon. Kahapon pa niya laging pinagtatanggol yung babae.
"Huh! Weren't you guys insulted? Huh? Look, I don't care kung sino pa siya. Because the moment she stuck her butt in yesterday, I already hate her. And I won't let it pass."
Napapailing na lang kaming dalawa ni Jelo sa inaasal nitong si Jeff. Speaking of Jelo, heto at kumakain ng mga gummy bears. Sheez bata. Nandito kami sa cafeteria ng maaga. Napag-usapan kasi namin na maagang pumasok at dito na lang mag-almusal para mapagusapan namin ang nangyari kahapon. Kaya heto kami ngayon kumakain ng cakes lang kasi hindi kami heavy meal ng umaga.
Ang nakaaway namin kahapon, sina Jericho. Taga kabilang school. Matagal ng mainit ang dugo ng mga yon sa amin. Di naman talaga kami dapat mapapaaway kung hindi lang nakipag-flirt sa akin yung kasama nilang babae. Tsaka isa pa di ko naman alam na kasama pala nila sya. Biyaya yun syempre, tatanggihan ko ba? Kaya ayon nakita ni Jericho, nag-aya ng away.
"Next time kasi piliin mo din yung mga babaeng papatusin mo. Hindi yung kung sino sino na lang."
"Oo na po, oo na po tatay Jelo." one thing we like about Jelo is this. He may be a childish but in times like this he acts as our father. Parang switching siya ganon.
Napatigil ako sa pagkain nang makita ko kung sino ang pumasok dito sa cafeteria. Hindi pwede baka makita sya ni Jeff—
"Looks like the bitch is here." ito na nga ba ang sinasabi ko. Naloko na nablongoy na.
Alam kong narinig yun ni Diana dahil ng sabihin yun ni Jeff ay saktong nasa harapan namin siya para dumaan. Ang pwesto kasi namin, nasa may medyo malapit sa counter. Pang-apat na tao na mesa. Ako at si Jeff nakarap sa may entrance. Habang katapat naman namin sina Jelo at Daymoon.
Mabuti na lang at hindi sya pinansin ni Diana at nagpatuloy sa paglalakad hanggang malampasan kami at makarating sa may counter. Pero tingin ko wrong move yon. Lalong maiinis si Jeff nito.
Tumayo si Jeff, hinampas ng mahina ang mesa tsaka nya dinuro si Diana, " H-hoy! Anong karapatan mong hindi ako pansinin ha? Sino ka ba ha? Porket ikaw yung Diana?!" nakaduro pa nyang sambit kay Diana na nakaharap sa counter parang wala namang pakielam.
"Babae! Hindi ka ba haharap ha? Ang bastos mo ah. Pag ako hindi nakapagtimpi sisipain talaga kita."
"Isang juice tsaka yung tinapay lang na yun ate, sandali lang ha?..." dahan-dahang humarap si Diana at nakita ang nakadurong kamay ni Jeff sa kanya. Tsk mukhang di gusto ni Diana ang dinuduro ah. Naloko na. "Ano bang pinuputok ng butsi mo?" mahinahon na tanong ni Diana.
"Ikaw! Ininsulto mo ang pagkatao ko! Ang pagkatao namin!"
"Huh? Bakit kaya? Anong nangyari?"
"Insulted? Who insulted who?"
"This is so rare. What's going on?"
Naloko na talaga, oo! Medyo dumami na yung mga studyante kaya marami na ang mga nakakakita. Tinignan ko ang orasan ko, 7:13 am. Sht alas otso palang ang klase pero dapat makaalis na kami dito bago pa magkagulo.
"Wow! Ako pa ang nanginsulto? Baka nakakalimutan mo, kung di ako dumating e' natsugi na kayo?"
"Kaya namin yon kahit hindi ka pa dumating! Masyado kang mapapel! Pabida! Pabibo! Kamag-anak ka ni Jollibee!"
BINABASA MO ANG
D I A N A
ActionDIA University, a school that was entitled to be the most prestigious university in the land Pampanga. Where the richest, brainiest, coolest, most beautiful, most handsome, and of course the bitchiest study or rather, belong. DIAU has always been pe...