Mga patak ng luhang aking pinakawalan
Mga ala-ala na nawala ng biglaan
Tanging sakit ang saakin ay nararamdaman
Mga sakripisyong nawalan ng katuturanUnan ang kaakibat,kayakap sa pagtangis
Kamang nagsilbing tahanan nung ika'y umalis
Kumot na nagtago sa aking mga hinagpis
Silid na may ala-ala ng iyong pag-alisMasakit kung isipin, mahirap sa damdamin
Na ikaw ay nawalang mistulang parang hangin
Mga pangakong sinasabing ikaw ay akin
Ay mga pangako rin na mahirap tuparinTama na, ayoko na, ikaw ay malaya na
Malaya na sa'yong mga pangakong salita
Tanging sakit at awang para saki'y natira
Sugatan at luhaan, dulot ng pusong sira