Ako nga pala si Nami Shanaia San Jose. 17 years old, 1st year college student, SCHOLAR.
Working student ako. Nakikitira lang ako sa auntie ko. Wala na kasi akong mga magulang.
Well enough of that boring introduction about myself, masyado ng common tong ganito. Kaya pumunta na tayo sa interesting fact about me.
Lahat na ata ng weird na trabaho napasukan ko na.
Ewan ko ba kung bakit ang wiweird ng mga trabahong napasukan ko. O___O?
Isipin niyo naman..
Naging taga alaga ako ng pusang may diabetes (SOSYAL NA PUSA NO?)
Naging taga tanggal ng pulgas ng aso ng kapitbahay namin (ANG DAMI KO NGANG KAGAT NUN!)
Naging mascot na sausage na nakatayo maghapon sa harapan ng isang restaurant na wala ng ginawa kung hindi sabihing “Masarap ako, tikman niyo!” (ah, ah! ayoko ng maalala na ginawa ko yan! Muntik na akong lapain ng aso dahil akala nga niya sausage ako T.T)
Naging waitress din ako sa isang restaurant na ang mga waitress kailangan nakasuot ng ninja suit! (Anu ba naman kasing trip ng mga restaurant ngayon?! Hindi ko talaga magets)
at marami pang iba…
hindi ko na nga matandaan yung iba eh..
Pero ang pinaka weird sa lahat ng napasukan kong trabaho…
ay ang trabaho ko ngayon..
Itong trabahong to ang pinaka, pinaka, pinaka, pinaka hindi ko ginusto sa lahat!
Mas gusto ko pang maglinis ng tae ng aso o kaya naman tagakudkod ng libag ng taong grasa sa kalye kaysa gawin tong trabaho na ito..Kahit ano wag lang ito!
Pero……
Wala na akong nagawa
Sa huli, pumayag din ako
pumayag akong………
O__________O
Waaaaaah! Ni hindi ko maatim na sabihin! Sobrang hindi ko matanggap!
Pero eto na sasabihin ko na at baka mapatay niyo ako sa sobrang inis…
*Lunok laway. Takip tenga.
Pumayag akong MAGING FAKE GIRLFRIEND NG PINAKA KINAIINISAN KONG LALAKI SA LAHAT NG MGA LALAKI SA BUONG MUNDO!
Oo..tama..
Pumayag akong magpanggap na mahal ko ang lalaking pinaka sinusumpa ko sa lahat.
Paano ito nangyari?
Paano ako napapayag ng lalaking yun na makisama sa katangahan niya?
Anong mangyayari sa aming dalawa?
Basahin niyo para malaman niyo ang sagot.
CHAPTER 1- Nami Shanaia San Jose call her “NASH”
Nash’s POV
“For your 1 million peso question Nash…Ayon sa akda ni Jose Rizal na Noli Me Tangere, ilan ang butas ng Bangka ni Crisostomo Ibarra ng lumubog ito?”
a.1 c.3
b.2 d. WALA. Mabigat lang masyado si Ibarra.
Huh?!
Anu ba namang klaseng tanong yan?! Pati ba naman butas ng bangka ni Ibarra eh itatanong pa sa akin?! Eh hindi naman yun nakasulat sa libro ah?
“Niloloko niyo ba ako?! Sabihin niyong nagloloko lang kayo..hindi naman talaga ayan yung 1 million peso question diba?!” pagtatanong ko sa host ng gameshow, parang tinittip lang kasi ako eh
“Hahahahahahahahahahahahahahahaha…HINDI -__-“ -host
Posha! Tumawa pa ng parang walang bukas tapos hindi din naman pala ang sagot? Pigilan niyo ko! Babanatan ko to!
“Kailangan mong masagot yan Nash. Wala ka ng natitirang life lines. Pag hindi mo to nasagot ng tama, you go home with nothing Nash..so now what’s your final answer?!”
Ah ah naman oh. Uuwi ako ng wala man lang napala pag mali ang sagot ko? Kahit pamasahe man lang pauwi wala?! Grabe. Bahala na nga.
“D. Yan ang sagot ko!” hula ko lang yan
“Is that your final answer Nash?!”
“Final answer..” *cross fingers *____* tumama ka please..
“For 1 million pesos Nash.. The correct answer is……………..”
Ayan na, sasabihin na nya! Sana tama.. Sana tama..
Teka..
Bakit ganun? Biglang umulan dito sa studio!
*Tingin sa taas
May bubong naman ah?! Eh bakit umuulan? Basang basa na tuloy ako! Waaaaaaaaaaah!
Nagkakagulo na sa studio, may sumabog na kable. Pati yung host patakbo narin!
“Teka! Saan kayo pupunta?! Pano na yung tamang sagot?! Hindi niyo pa sinasabi kung tama ako ah?! Pano na yung 1 million?” pagtatanong ko dun sa host
“Anu ka ba?! Malulunod tayo pag hindi tayo umalis dito! Kung gusto mong mamatay, wag mo akong idamay! Dyan ka na!”
Sungit naman nung host na yun! Anu bang sinasabi niyang malulunod? Hello? Ulan lang to? Kala mo naman tsunami.
Tumingin ako sa ibaba ko..
Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Bakit ganun?!
Ang taas na ng level ng tubig! Pataas ng pataas, malapit na ako sa may bubungan ng studio! Imposible!
Ganito na lang ba ako mamamatay? Ni hindi pa ako yumayaman ah?
Ramdam ko ng malulunod na ako, unti unti ng naaabot ng tubig yung mukha ko. Hindi pa naman ako marunong lumangoy! Siguro nga eto na ang katapusan ko.
“Paalam 1 million koooo!” ayun na lang ang nasabi ko at tuluyan na akong lumubog sa tubig, nawalan na ako ng malay, nagdilim na ang buong paligid
.
.
Mulat. Pikit. Mulat. Pikit. Mulat. Kurap kurap.
.
.
Nakita ko si Katie. May hawak na balde, namatay din ba sya? Bakit may hawak syang balde? Siguro namatay to habang naliligo haha!
“Katie…nalunod ka rin ba? Nasa langit na ba tayo?!” tanong ko sa kanya
“Aray ko naman! Masakit aba!” daing ko, binato ba naman ako nung hawak niyang balde?! Ang init naman ng ulo neto! Parang nagtatanong lang eh huhu.
“Langit langit ka dyang sinasabi! Umagang umaga Nash binibwisit mo ako! Gusto mong ipatikim ko sayo ang impyerno?! Ang hirap mong gisingin! Inalog na kita! Nagtatalon na ako sa kama mo! Gumamit na ko ng microphone para sigawan ka! Wala paring epekto! Kung hindi pa kita binuhusan ng tubig, hindi ka pa magigising!”
Galit na galit na talaga sya, umuusok na naman ang ilong eh! Nakakatakot talaga si Katie pag galit T__T
“Ah.. eh.. hehe.. so kaya pala ako basang-basa sa panaginip ko kasi binuhusan mo pala ako ng tubig! Hahaha, panaginip lang pala yun?! Katie naman! Napaka wrong timing mo talagang babae ka! Malalaman ko na yung tamang sagot eh. Mananalo na ako ng 1 million eh, alam mo yun?!”
"Hay nako Nash.. Tigilan mo na nga yang mga katangahan mo at maligo ka na! Maaga pa ang klase natin! Pag ako nalate dahil sayo nako!” nakaamba ng manununtok yung kamay niya, brutal talaga huhu
“Katie……………" (sweet pa ang boses ko dyan)
“Ano?!” - waaaaaah..galit parin sya!
“Kahit 5 minutes lang. .tutulog ulit ako. Baka kasi manalo na ako ng 1 million dun sa panaginip ko, itutuloy ko lang huh?! Pag nanalo ako dun, babalatuhan kita! ^___^v “ nakapeace sign pa ako nyan pero pag lingon ko kay Katie..
Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
.
.
T____T Bakit may hawak na syang kutsilyo?! Tapos nakatutok pa sakin!
“Katie! San mo nakuha yan?!” pinagpapawisan na ako habang sinasabi yan
“Wala kang pakialam. Pag bilang ko ng lima at hindi ka pa naliligo Nash! Magdasal ka na! tutuluyan na kita!”
“Wag Katie.. maawa ka.. wag.. Eto na oh (tumayo na ako sa kama) Sabi ko nga maliligo na ako.. hehe.. Oh tingnan mo oh papunta na akong c.r." (nakaturo pa ako sa c.r. nun sabay smile sa kanya)
Nakapause lang sya dun. Hindi inaalis ang mata sakin, nakatutok parin yung kutsilyo.
Bilis bilis akong pumasok sa c.r.
Hay.. Grabe talaga magalit si Katie.. Nakahinga ako ng maluwag pagpasok ko sa cr. Gising na gising talaga ako.
Si Katie, sya ay anak ng auntie ko. May kapatid sya si Stacy. Kung nakakatakot si Katie, nako walang wala sya kung ikukumpara kay Stacy, reyna ng kademonyohan yun. Sobrang init ng dugo nun sakin, buti na nga lang at magkasundo kami ni Katie. Oo, magkasundo kami ng lagay na yan! Ganyan kami maglambingan! Sweet no? hehe.
Ang totoo nyan mabait naman si Katie eh. Wag mo lang talaga sya gagalitin, sobrang mainitin kasi ulo nyan. Nako, nakakatakot talaga, pero dahil nga sa 3 years narin kaming magkasama, sya na halos ang best friend ko. Para na kaming magkapatid nyan.
Magkasama kami ni Katie sa room nya. Imposible naman akong hayaan ng Stacy na yun na tumabi sa kanya no! Dito nga pala ako nakatira kila Auntie Melba simula nung 14 years old ako. Wala na kasi akong mga magulang.
My parents got separated when I was only 13 years old. Kay dad ako nagstay since mas close ako kay dad, ayaw din naman nya akong isama sa kanya. Only child lang ako.
Naalala ko nun kung paanong magmakaawa si dad nun kay mom na magstay. Halos lumuhod na si dad para lang wag umalis si mom pero, talaga atang walang puso si mom, umalis parin sya. Iniwan niya parin kami ni dad.
Simula nun… si dad, naging sobrang malulungkutin na nya. Kung dati nakikipaglokohan pa sya sakin, pagkatapos nun, nakakulong na lang sya sa kwarto lage. Pag lumalabas sya, pinipilit nyang maging malakas sa harapan ko pero…alam ko naman kung gano sya nasasaktan ng mga oras na yon, at wala akong magawa.
Isang taon ang nakalipas pero mukhang hindi parin matanggap ni dad na iniwan na kami ni mom.
Nung araw ng anniversary nila ni mom, umalis si dad. Ayaw ko syang payagan pero aalis lang daw sya para makalimutan nya man lang na special ang araw na yun, wala rin akong nagawa.
Pasado alas dose na, hinihintay ko si dad. Wala parin kasi sya, hanggang sa..ayun biglang may tumawag narin sa cellphone ko, number ni dad, nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kasi kung anu ng nangyari sa kanya.
Pero ng marinig ko ang nagsalita sa phone, parang gumuho ang mundo ko.
Ibang tao ang tumawag sakin, gamit lang ang cellphone ni dad. Nasa hospital daw si dad, nag-aagaw buhay! Nagmaneho daw ito kahit sobrang lasing na at nabangga ang kotse nya ng isang truck!
Hay, hindi ko alam ang gagawin ko nun, walang tigil sa pagtulo ang luha ko pero wala na akong maisip, ang gusto ko lang nun makapunta kay dad.
Pag dating ko sa hospital, nakita ko si dad pero…….
Wala na…Huli na pala ako.
Kasi wala na syang buhay. Wala na si dad. Mag-isa na lang ako.
At ang babaeng yun, ang magaling kong ina, ni hindi man lang nya nakuhang pumunta sa burol ni dad! Kaya namatay si dad dahil sa kanya! Kung hindi niya kami iniwan, edi sana, hindi naglasing si dad! Edi sana buhay pa sya ngayon. Edi sana…hindi ako mag-isa.
Teka nga!
Ayan tumutulo na naman tong luha ko, peste talaga.
Bakit kasi napunta ang usapan dun. Tama na nga. Umagang-umaga puro ako drama.
So ayun nga, si Auntie Melba na kapatid ni dad ang kumupkop sakin ng mamatay si dad. Mabait naman si Auntie Melba, itinuring na nila akong pamilya ng asawa nyang si Tiyo Tony, pati si Katie, para na nya akong kapatid. Si Stacy, ayaw na nya talaga sakin nung una pa lang, ewan ko kung bakit.
Scholar ako kaya naman nakakapag-aral ako sa school nila Katie. Working student ako, nakakahiya naman kasi kung pati baon ko sa eskwela eh iaasa ko pa kila Auntie Melba, kaya naman nagpasyahan kong magtrabaho kahit na bata pa ak—
“Nash! Bilisan mo ngang maligo! Anu ba! Iiwan na kita dyan eh!”
Si Katie talaga! Hindi naman sya masyadong excited pumasok no?!
Sa susunod na lang ulit ako magkukwento, baka patayin na ako ni Katie!
CHAPTER 2- MOST UNFORGETTABLE FIRST DAY OF SCHOOL
Nash’s POV
Naglalakad na kami ni Katie ngayon papuntang school.
Classmates kami ni Katie, pareho kaming HRM students (Sa mga hindi alam ang meaning ng HRM ayun po ay Hotel and Restaurant Management.) 1st year kaming pareho.
1st day namin to as College students.
Si Katie, dito na sya nag high school kaya alam na nya ang bawat lugar dito sa school. Ako?! first time ko lang since sa public school na lang ako pinapasok nila Auntie nung namatay si dad. Si Stacy naman, tourism student sya, 1st year din.
Pagdating sa classroom…
.
.
Katok. Katok. Katok (Nakasarado na kasi yung room. Nagsisimula ng magpakilala yung ibang studyante. 1st day kasi ng class kaya nasa get to know each other stage pa ang lahat.)
Bumukas ang pinto..
“Erm..are you in this class?”
Ito ba ung prof namin? Muka syang estudyante. At in fairness, GWAPO. Kaya naman itong katabi ko, tutunawin na ata si sir sa pagtitig, ako na lang tuloy ang sumagot.
“Yes sir. HRM 1-A sir. I’m sorry we are late sir. It won’t happen again sir! PROMISE.” nakataas pa ang kamay ko nun na parang magpapanatang makabayan
“Hahaha.. masyado ka namang formal miss. Hindi naman masyadong malayo ang edad mo sakin! Haha..ayos lang yun, napagdaanan ko rin yan. Normal lang sa studyante ang malate. Ang cute mo!"
Hindi naman sya masyadong masaya no? Cool tong teacher na to ah, mukhang magkakasundo naman kami.
Siniko ako bigla ni Katie. Etong babae talagang to napaka brutal eh no?! -____-
“Selos ako! Ang cute mo daw! Waah Nash! Ang cool nyang teacher! Gaganahan na akong pumasok neto lage! “
“Katie! Wag ka nga masyado maingay! Baka marinig nya yang mga sinasabi mo! Teacher parin natin yan, mahiya ka naman ng konti.” bulong ko naman sa kanya
“Oh pasok na kayo. Give me your class cards and then occupy the seats at the back.” sabay nagsmile pa si sir, edi kayo na nga ang gwapo
“Thank you sir ^_____^” - Katie
Kung makangiti naman tong si Katie habang sinasabi yun akala mo wala ng bukas! Landi talaga nitong babaeng to.
Nagpakilala lang kami. 3 subjects ata yun na magkakasunod na puro ganun lang ang ginawa. Si Katie naman, wala ng bukang bibig kung hindi “Ang gwapo talaga ni Steven!”
Sino si Steven? Si Steven lang naman yung teacher namin kanina. Si Sir Steven De la Torre. Steven na lang daw ang tawag niya kay sir, feel nya un eh. Walang galang tong babaeng to. Feeling nya kaedad nya si sir. Hay..as if naman may patutunguhan ang kagagahan niya.
.
.
Papunta na kami ngaun ni Katie sa foodcourt para maglunch. May isang class pa kasi kami, tapos 4 pm pa yun. Nakakatamad, ang daming vacant.
Hayyyyyyyyy, pag dating namin dun ang dameng studyante. Ang haba ng pila
Tingin dito.. tingin doon.. tingin dito.. tingin doon.. tingin ulit hanggang sa…..
.
.
*______*
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Nakita ko siya! Oo siya nga! Matagal ko na siyang hinahanap. Dito ko lang pala ulit sya makikita!
Palapit na ako ng palapit sa lugar kung nasaan siya..
Dug dug. Dug dug.
Hindi ko na napapansin ang ibang studyante sa harapan ko.
Sya na lang ang nakikita ko.
Eto na, Malapit na. Konting konti na lang MAHAHAWAKAN NARIN KITA!
.
.
*Zooooooooooooom!
Biglang may lalaking dumampot sa kanya! O____O !
(Naguluhan ba kayo?! hehe. Hindi naman kasi tao ang tinutukoy ko dito eh. Ang sinasabi kong “siya” ay yung CHOCO-STRAWBERRY CAKE na nasa may counter.)
Waaaaaaaaaaaaaah! Last slice na lang yun eh! Bihira pa naman ako makatsempo ng flavor na yun! Asar! Sino ba kasi tong lalaking to? Hindi naman siya nakapila kanina ah? Kasi si Katie naman ang kasunod ko! Aba teka! Patay to sakin!
“Hoy lalaki!” sabay duro ko sa kanya
Napatingin naman sya, pero nakatitig lang. Nakakaloko ah!
“Ang kapal naman ng mukha mo! Wala ka bang utak?! Para kang walang pinag-aralan! Basta ka sumisingit sa pila! Tapos kinuha mo pa yung slice ng cake ko!”
Asar na asar talaga ako. Hindi na nga ako nakapag breakfast kanina, tapos aagawin pa sakin tong pinaka favorite kong pagkaen sa lahat?!
Ngumiti sya bigla sa akin.
Yung mga tao sa paligid talagang pinagtitinginan na kami. Napalakas ba ang sigaw ko?!
Ah basta wala na akong pakialam! Basta bwisit na bwisit ako dito sa lalaking to sa harap ko!
Lumapit sya sa akin hahaplosin sana yung buhok ko. Aba at mamanyakin pa ata ako! Tinabig ko nga yung kamay niya. Akala niya huh.
Nagsalita sya, ang lapit nya sa akin.
“Hahahahaha bago ka dito no miss? Hmmm..cake ba kamo?” eh bingi pala tong isang to eh! Gwapo na sana eh! Bingi lang.
“Oo cake ko. Babayaran ko na kasi dapat yan. Umepal ka lang.”
Hindi mo pa naman pala nababayaran eh." (sabay ngiti pa nya) bwisit talaga!
“Kahit na! Ako kasi dapat ang una! Sumingit ka lang dyan sa pila! Akala mo kung sino ka ah! Kung umasta ka, bakit ikaw ba ang may ari nitong school?!" galit na galit na talaga ako
Lumapit pa sya lalo sa akin pagkasigaw ko. Ano bang problema nito?! Ngayon pati mukha nya malapit narin.
Hinawakan niya ako sa may baba ko. Yung pwestong parang hahalikan, ganun. Tapos ngumiti na naman siya!
Natulala ako nun.
Tulala lang ako habang ang pwesto namin ganun parin. Tapos bigla syang bumunot sa bulsa niya, pero hindi parin inaalis ang titig nya sakin, hawak parin niya ako.
Tiningnan ko kung anu yung dinukot niya. Aba baka mamaya saksakin niya ako! Oh hindi! Pero pag bunot niya, ang nakita ko ay…
.
.
PERA! Oo. 1 thousand yun.
Pagkakuha niya nun, sabay abot ng pera sa counter. Nakatingin parin sya sakin, posisyon namin ganun parin at ako TULALA PARIN! Nakakainis! Anu bang nangyayari sakin?! Bakit hindi ako makagalaw?! Asar!
“Pano ba yan? Nabayaran ko na. So that means AKIN na to diba?! Ahaha.” -sya
Binitawan niya ako sabay kinagat yung cake. Nakatulala parin ako nun.
Sumigaw sya sa counter pagtalikod nya.
“Keep the change!”
1 thousand yung binayad niya ah? Hindi na nya kukunin ung sukli? Ilang slice pa kasi ng cake, ay teka isang buong cake na ang pwedeng mabili nun eh!
Lumakad na siya palayo.
Akala ko lalagpasan na nya na lang ako, pero..
Bigla siyang tumigil sa tapat ko, at may ibinulong sa akin..
.
.
.
O____O
.
.
.
O____O !
.
.
.
“Tinanong mo ako kanina kung ako ba ang may ari ng school na to diba? Well, hindi naman sa ako talaga ang mismong may ari, FAMILY ko lang naman. By the way, I’m Bryle Caleb Stanford, in case you didn’t know, wag mong kakalimutan huh?!” sabay ngiti nya ulit tapos nagpatuloy ng paglalakad
Ako naman, naiwan lang na nakatulala parin.
Pinagmasdan ko sya habang lumalakad. Likod na lang niya ang kita ko, tapos bigla syang tumigil, tapos sumigaw.
“I’ll make sure na hindi ito ang huli nating pagkikita Ms. Nami San Jose! Hindi ko makakalimutan tong araw na ito.”
.
.
Uwaaaaaah!
Natauhan ako bigla!
Lunok laway.. Bbb—Bryle Caleb Sss-STANFORD?!
STANFORD?!
STANFORD?!
Eh diba STANFORD UNIVERSITY tong school na to?!
Waaaaah!
So sila nga ang may-ari?! Tapos…
Tapos alam niya ang pangalan ko! Waaah! Nakita niya siguro yung I.D. ko! At talagang tinandaan pa nya!
Waaah! Paano na ako nito?!
Inaway ko lang naman ang may ari ng school kung saan hamak na SCHOLAR lang ako.
Ano kayang gagawin niya sakin?
Tatanggalin ang scholarship ko?
Papatalsikin ako sa school?
O kaya naman baka ipakidnap niya ako tapos ipabugbog at ipatapon na lang sa dagat!
Waaaaah! Erase erase!
Kung anu-anu kasing pinapanuod kong koreanovela kaya kung anu-anu na tong pumapasok sa isip ko!
Anu ba tong gulong pinasok ko? T___T
*Umpog ulo. Umpog ulo.
Hay! Bahala na! Wala naman akong ginawang mali eh!
Pero natatakot parin ako. Gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral. Gusto ko pang yumaman! Marami pa akong pangarap! Kaya hindi ako susuko!
Tama! Hindi ako papatalo sayo! Lalabanan kita Bryle Caleb Stanford! Waaah! Help me Lord! *sign of the cross
~loveComment lang kayo😎