CHAPTER 5- FIRST MOVE😸👽

1.4K 28 7
                                    

NASH's POV
6:30 AM
.
.
.
"Nash gising na." -Katie
.
.
"Nash..oi!" -Katie
.
.
*buklat ng kumot
.
.
"Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
aaaaaaaaaaaah!" kung makasigaw naman tong si Katie.. =__=
"Anu ba?! agang aga. Gising na nga ako ah diba? bakit sinisigawan mo parin ako?"
"Anung nangyari sayo Nash?! nakakatakot yang itsura mo! Akala ko nasapian ka na! Mukha kang multo! ang lalim ng eyebags mo! sobrang itim! tapos..tapos dilat na dilat ka pa! kyaaaaaa"
"Hindi ako makatulog eh." pinipilit kong wag isipin ang mangyayari sakin pagpasok ko sa school pero... kahit anung pilit ko.. sumisingit parin yun eh!
Yung tipong puro aso na yung naiisip ko tapos, imbis na yung aso ang sabihin "aw, aw" ang sinasabi.. "patay ka bukas Nash!" Pati yung mga garapata nung aso, nakikisabay pa! waaaaaaah..makakatulog ka ba nun? sabihin mo nga? huh? T____T
"Akala ko ba matapang ka? may pasabi sabi ka pa dyan ng 'ako pa? matapang ata to!' tapos takot ka din naman pala!" -nang asar pa tong isi Katie eh no?
"Hi-hindi ako takot no! sinong may sabing takot ako? Hindi ako nakatulog dahil sa sobrang excitement sa gagawin kong pagpapahiya dun sa Bryle Stanford na yun! mwahaha" -yan haha! ang galing mo magpalusot Nash! hanggang salita ka lang naman ata! ahay! bahala na tlga..
"Oo na lang Nash."-Katie, napilitan?
.
.
*gulp
Nandito na kami sa harap ng gate ng school..
Bakit ganun? parang naging horror house yung school sa paningin ko? hindi naman ako takot sa multo o sa aswang pero bakit? Bakit nanginginig ako ngayon? parang pakiramdam ko pag pumasok ako ngayon sa gate na yun, hindi na ako ulit makakalabas pa! waaaaaaaaah!
.
.
*poke *poke
"Nash?! buhay ka pa? baka gusto mong gumalaw? gate lang yan oh? hindi ka mamamatay kung papasok ka."
Huh? ah oo nga.. sh*t.. nawawala na naman ako sa sarili..
"Huh? ah eh kasi.. wala ka bang napapansin Katie? parang may ginawa sila dun sa gate? para kasing may nagbago.. kanina ko pa tinitingnan pero hindi ko tlga makita kung ano. Sa tingin mo Katie?"
"Katie?" bakit hindi sya nasagot?
pagtingin ko sa lugar kung nasaan si Katie..
-__-
.
.
Nakapasok na pala sya sa gate. -___-
.
.
.
Nandito na kami sa first class namin, Personality Development kay Sir Steven..kaya naman si Katie ang itsura?
.
Kulang na lang lumuwa ang mata sa pagkakatitig kay sir! Hay nako.. Wala na talagang pag-asa tong isang to! Nkakatawa eh! Si sir parang naiilang narin kay Katie, kasi pansin ko hindi makatingin si sir sa side namin! haha.
"Sir, may tao po sa labas, hinahanap po ata kayo." -sabi nung isa kong classmate na hindi ko pa alam ang pangalan, actually wala pa akong alam na name ng kahit isa sa mga classmates ko
Lumabas si sir, may kinausap saglit tapos pumasok naulit sa room.
"Ms. San Jose? who is Ms. Nami San Jose?!"
.
.
O___O!
.
.
Eto na ba yun? *gulp
Masyado akong naaliw sa panonood sa kabaliwan ni Katie na nakalimutan ko ng may mangyayari pa nga pala sakin ngayong araw na to! Sh*t.
Tinaas ko ang kamay ko..
"A-a-ako po yun sir! Ba-bakit po?" tanong ko..kahit parang alam ko na kung bakit..
"Pinapatawag ka sa OSAS.."
( OSAS- short for Office of Student Academic Services) Dun pinapapunta ang mga studyanteng may problems na dapat harapin sa school or may something na dapat pag usapan sa grades, sa attitude.. bla bla..ganun..basta..hays..mukang alam ko na talaga kung san to pupunta.
"Bakit daw po ako pinapatawag?"
"Hindi ko alam eh..basta ang sabi sakin, pinapatawag ka ng Dean. Pumunta ka na lang miss. Wag ka mag alala, excused ka sa subject ko. "
Hindi naman ako nag alala tungkol sa kung absent or excused ako eh. Ang inaalala ko.. eh kung anung mangyayari sakin ngayon.
"Ah ok sige po.. thank you sir." lumabas naman ako
.
.
*Lakad. Lakad. Lakad.
May nakakabunggo na nga ako kasi parang wala ako sa matinong pagiisip, para akong zombie na kahit tinitira na ng mga snow peas eh patuloy parin sa paglalakad! Ni hindi ko nga makuhang magsorry sa mga nabubunggo ko.
.
.
*gulp
Eto na..nasa harap na ako ng pinto na may label na "OSAS" sa harapan nito..
.
.
*Katok. Katok. Katok.
.
.
Walang nagbubukas ng pinto.
"Oh wala naman palang tao eh.. makaalis na nga." tumalikod ako at palakad na para bumalik sa room pero
"Hay.. kailangan kong pumasok para matapos na to. Hindi ko rin naman to matatakasan."
Bigla kong naisip na hindi naman talaga solusyon sa problema ang takbuhan ito. Isa pa ako ata si Nami Shanaia San Jose, kailan ba ako tumakbo sa problema? sa ipis pa siguro pero sa problema? Bahala na nga.
1...
.
2...
.
3..
*Pihit ng doorknob
Bukas naman pala eh.
.
.
Pagbukas ko ng pinto..
.
.
>___<
.
.
*grip yung parang manununtok na kamay.. ganun..(d ko kasi alam kung pano yun sasabihin)
.
.
Natapunan lang naman ako ng isang balde ng malagkit na kulay yellow na substance, as in malagkit talaga. Pagkatapos kong matapunan nun.. lumakad ako, hiyang hiya ako pero lumakad parin ako na parang walang nangyari..
*Lakad. Lakad.
May sumalubong saking dalwang lalaki, may dala silang plastic eh. Ewan ko lang kung anu ang laman.
At mukang mas mabuti na ngang hindi ko na alam..
Napatigil ako, humarang kasi sila.
"Maligayang pagdating dito sa OSAS miss!" sabay pa sila, sabay tapon sakin nung mga feathers ng manok na nandun pala sa supot na dala-dala nila
Di ba natapunan ako nung malagkit na substance?! edi syempre digkitan sakin yung mga feathers ng manok na sinaboy sakin nung dalwang lalaking yun! Asar! Pero kailangan magpigil. Nandito ako ngayon sa OSAS! OSAS Nash..at dean ang makakaharap mo.
Naglakad parin ako na parang wala lang sakin ang nangyari. Sobrang nagpipigil ako ng galit.
Naglalakad ako pero ang labo ng paningin ko. Habang palapit ako ng palapit sa desk nung dean, lumilinaw na yung nakikita ko.
Una kong nakita yung dean, nakaupo sya dun sa may desk niya. Teka..dean ba talaga to? Mukhang studyante lang na nakasalamin eh?! Pero sabagay, kung si Sir Steven nga napagkamalan kong studyante lang eh! Hmm..mahilig ata tong school na to sa mga batang staff ah?
Tapos..may isa pang lalaki. Nakaupo sa harap nung desk, may dalawa kasing upuan dun eh. Siguro para sakin yung isa.
Nakangisi yung lalaki. Teka..parang alam ko na kung sino to!
Tama..sya nga.
Ang unggoy na yun! sabi ko na nga ba eh!
"Ikaw?!" galit kong sabi
"Ako nga. Dean, ang sabi ko po sa inyo, isang babae ang umaway sakin pero bakit po parang manok po ata tong nasa harapan ko ngayon? tingnan niyo oh may feathers sya! Haha..bokbokbokbok.." (at nag act pa sya ng parang manok dun! kainis!)
"Pffft..ha-ehem..maupo ka ahm Ms. San Jose? teka bakit ganyan ang itsura mo?!" parang nagpipigil ng tawa yung dean
Aba, at magkasabwat sila? Akala mo hindi nila napansin nung natapunan ako sa may pinto at nung hinagisan ako nung dalwang lalaki dun ng balahibo ng manok ah! Nagbubulagbulagan pa!
"Ah eh..meron lang po kasing WALANG MAGAWA dyan na nagtapon sakin ng kung ano kaya iyon, nagkaganito yung itsura ko." malumanay parin ang boses ko nun, dean parin sya, ginagalang ko padin kahit na inis na inis na ako
" Bleh " nakuha pa akong dilaan ng unggoy na yun!
Pasalamat siya nandito kami sa OSAS kung hindi nako! Mapapatay ko talaga sya! Alam ko naman na sya ang may kagagawan nito eh.
"Ms. San Jose.. nasabi sakin ni Mr. Stanford na inaway mo daw sya sa foodcourt dahil lang sa naunahan ka nya dun sa cake na bibilhin mo sana diba?" -Dean
"Actually, hindi naman po talaga pang aaway yung ginawa ko. Sya po ang mali, inunahan niya po ako sa pila kaya ayun, nainis po ako at sinigawan ko sya."
"Ms. San Jose.. hindi ba scholar ka ng school na ito? Ibig sabihin, ang school na ito ang nagpapaaral sa iyo. At sino ang may ari nitong school?" parang lumagpas lang sa tenga nung dean yung mga paliwanag ko, kainis
Alam ko naman kung anong gusto niyang ipamukha eh. Grabe! Naiinis na talaga ako!
"Ahm..ang Stanford family po." sagot ko
"Tama..at sino ang lalaking inaway mo?" hindi ko nga sabi sya inaway eh!
"Yung unggoy!--este..si Bryle Stanford po.."
"Bryle Stanford, apo ng may ari nitong school na nagpapaaral sayo. Alam mo bang kung gugustuhin ni Mr. Stanford na sabihin to sa lolo nya, pwedeng mawala sayo ang scholarship mo? Pero Ms. San Jose dahil nga sa mabait si Mr. Stanford, hindi na daw niya ito papaabutin pa sa lolo niya, kung...."
"Luluhod ka at hihingi ng tawad sakin " sumabat bigla ang unggoy
"Aha-ha! at ako pa ang hihingi ng tawad sayo? Ikaw na nga tong sumingit sa pila, ako pa ang mali?"
"Oooh..so ayaw mo? Ikaw rin, mawawala ang scholarship mo, mapapatalsik ka pa sa school. Isang sorry lang namn ang hinihingi ko at kakalimutan ko na ang nangyari, mahirap ba yun?"
Luluhod? hihingi ng tawad? hindi ko kaya yun! Lalo na dito sa unggoy na to!
Pero..pano na ang mga pangarap ko? Pag nawala tong scholarship ko, wala na lahat.
Kahit sumubsob pa ko sa pagtatrabaho, hindi parin sapat para makapag-aral ako. Tapos..nangako pa ako kay Katie. Sabi ko, hindi ko sya iiwan, hindi ako aalis dito sa school kahit anung mangyari. Isang luhod at sorry lang naman Nash eh, yun lang naman. Wala namang ibang makakaalam.
.
.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit na dun sa unggoy, humarap ako sa kanya. Pababa na yung tuhod ko..
.
.
Nakangiti pa talaga sya. Mukhang tuwang tuwa talaga syang makita akong unti unti ng lumuluhod.
.
.
"Sorry..................."
.
.
"Sorry dito sa gagawin ko!"
At *boogsh!
Paluhod na ako pero bigla akong tumayo, bumwelo at saka sya sinuntok!
Bwisit sya! Nung kasing mga oras na luluhod na sana ako, naalala ko yung sinabi sakin ni dad nung may nakaaway ako dati. "Basta alam mong tama ka, alam mong wala kang ginawang mali, ipaglaban mo ang sarili mo! Lumaban ka!" at ayun nga ang ginawa ko.
.
.
May dugo yung labi nya. Mukang malakas din pala ang suntok ko. Unang beses ko tong makasuntok. Pwede na pala akong magboxing! hehe. Ang sarap sa pakiramdam.
Nakatingin lang sya sakin nun, pinupunasan yung dugo sa labi nya. Yung dean naman..
O______O <<<<<< nasa state of shock padin! Kahit ako naman eh, nabigla din sa ginawa ko.
"Kanina ko pa gustong gawin yan!" sabi ko dun sa unggoy, hindi naman sya sumagot, nakatulala lang din
"At sa inyo naman po, ang alam ko po mawawala lang ang scholarship ko kung magkakaron ako ng grade na mababa sa 83, o meron akong bad records. Pero dahil nga start pa lang ng class, wala pa po akong grades at sa tingin ko hindi naman po counted yung pagsigaw ko sa lalaking to over a cake as a bad record diba? Kasi hindi ko naman sya sinaktan physically! Well, ngayon siguro, pero hindi ba masama rin yung pagtatapon ng malagkit na kung ano at pagsaboy ng balahibo ng manok sa isang tao na wala namang ginawa sayo? So I think we are even. Tungkol naman sa pagpapaalis sa school, binasa ko na yung student handbook at sa ginawa ko nun sa foodcourt o yung ginawa ko ngayon, hindi pa sya counted sa expulsion. Suspension siguro? Kaya kung iiinsist niyo parin na tanggalin ang scolarship ko at patalsikin ako dito sa school...eh sa korte na lang po tayo magkita."
.
.
*clap clap clap
.
.
??????
Nasiraan na ata ng bait yung dean! Pinalakpakan pa ako?
"Hahahahahaha. Tama na! Sorry Bryle, hindi ko na kaya." tinanggal nung dean yung glasses niya
"Hahahahaha, miss, iba ka nga talaga. By the way, ako si Third, classmate lang ako ni Bryle. Hindi naman talaga ako dean eh. Nahiram lang namin tong OSAS. Hindi ka naman talaga kayang patalsikin dito ni Bryle eh o tanggalin ang scolarship mo, kasi pag sinabi yun ni Bryle sa lolo nya, baka sya pa ang parusahan nun! Hahahahaha."
Talaga? ganun yun? nakahinga ako ng maluwag nun ah.
"Totoo ba yan?"
"Oo.. kaya please, wag mo ng idaan to sa korte huh? Sorry talaga, napakiusapan lang ako nitong si Bryle eh, diba Bryle?"
*batok
Binatukan sya nung unggoy. Aba at natauhan din.
"Third ang daldal mo! ngayon alam na nya! At bakit nagsorry ka pa sa kanya?! Tingnan mo nga oh? Sinuntok nya ako! Papalampasin ko na lang ba to? hindi no!" -unggoy
"Pare, isipin mo huh. Pag nagreklamo siya sa korte, madadamay ang pangalan ng school na to at siguradong malalaman ng lolo mo. Malalaman din nya yung mga pinaggagagawa mo dito! Yung ginawa mo ngayon! Sayo din babalik yan pare, kaya wala tayong magagawa."
Wahaha! tama! matalino din pala tong isang to ah
"Bwisit!! Sige na nga..umalis ka ng babae ka!" kung makasigaw tong unggoy na to
"Oo na! sungit!" at umalis na nga ako..
*sarado ng pinto
Teka..
May nakalimutan pala akong gawin..
Hehehe
.
.
tok. tok. tok.
Pagbukas ng pinto, nakita ko si unggoy, nakasubsob sa desk habang si Third ba yun? tawa parin ng tawa.
"May nakalimutan lang akong gawin.." sabi ko
"Oh anu?" tumunhay naman si unggoy, bwisit na bwisit hahaha
"Eto oh.."
.
.
"bleeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh! " sabay palo pa ako sa pwet ko nun at agad na sinarado yung pinto! hahaha
Tawa ako ng tawa nun habang nakasandal pa sa pinto. Narinig ko sya, mukang nagwawala na dun. Naghahagis ata ng kung anu-anu. Para kasing may nababasag, wahahaha. Buti nga. Pagkatapos ng ginawa mo sa uniform ko! Pagkatapos mo akong puyatin sa pagiisip sa kakahantungan ko! Ngayon patas na tayo! At ang pinaka maganda, alam kong pwede mong gawin sakin lahat pwera lang sa palayasin ako sa school at tanggalin ang scolarship ko! Wahahahaha
Ang worst day na pinakakinatatakutan ko..
Akalain mo bang magiging the BEST pala?
At akalain mong pasasayahin ako ng ganito?!
Wahahaha pwede na ata akong mamatay sa tuwa! Haha joke! wag naman! hehe..madami pa akong pangarap!
.
.
Ang lagkit na ng pakiramdam ko, lakad ako ng lakad dito. Excited na kasi akong magkwento kay Katie. Hindi ko namalayan na mukha nga pala akong basang manok! Pinagtitinginan tuloy ako, aw.
~love hearth and seth

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

😀😂Girlfriend For Hire😋😍Where stories live. Discover now