BRYLE's POV
Ayun nga, badtrip na ko buong umaga.
Buti na lang dalawa lang ang klase ko. Tinulugan ko na lang pareho! Haha
Ang ayaw lang naman ng matandang yun eh umabsent ako at malate. Wala naman syang sinabing dapat din ako makinig dito sa mga teachers , kaya tumulog na lang ako.
Takot naman tong mga teachers na ito sakin eh!
Pero badtrip parin ako, at pag badtrip ako, isang bagay lang ang kailangan ko.
Kailangan ko ng dessert! Kahit anung pagkaen na matamis.
Kaya pumunta ako sa canteen.
*Lakad.Lakad.Lakad..
*Tingin sa paligid. Tingin. Tingin.
Mukhang clear naman, wala yung mga balyena.
Sinong mga balyena yung tinutukoy ko? Hay -_____-
Meron akong FANS CLUB dito sa school, marami sila, parang lahat naman ata halos ng babae dito sa skul may gusto sakin!
Yung iba, nakukuntento na lang sa pagtingin-tingi
n sa malayo.
Yung iba naman, parang mga paparazzi, ang dame kong stolen shots!
Yung iba naman, ayun nagpapapansin. Kung anu-anu ng mga pinaglalalagay sa mukha nila para lang mapansin ko.
May nagbibigay pa ng pagkaen. ( hindi ko tinatanggap kahit matakaw ako kasi nung isang beses na tumanggap ako, may buhok! Ou isang tali ng buhok! Gagayumahin pa ata ako! Waaaaaaaaaah! Nakakatakot sila )
Pero ang pinaka grabe sa lahat ay yung mga balyenang yun! 5 sila sa grupo nila, puro sila ahm…Well, ok sana kung sexy at magaganda katulad nung ibang naghahabol sakin pero………waaah! bilbil dito, bilbil doon! Eh mas malalaki pa ang katawan nila kaysa sakin eh! Nakakatakot tlga ang mga yun.
Inaabangan nila ako tuwing lunch, hinahanap nila ako pag vacant sila tapos..tapos.. Hahabulin nila ako at hihingin ang kung anu-anung pag-aari ko! Buti na lang hindi pa nila ako nahuhuli kahit minsan -___-
Iniisip niyo siguro, kami ang may ari ng skul, bakit hindi ko na lang paalisin ang mga asungot na yun sa buhay ko?! Nako! Kung pede nga lang, kaso hindi!
Ang matandang yun! Sya parin naman talaga ang may ari nitong skul na ito. Siguro maaaring takot sakin ang mga teachers dito, nakukuha ko lahat ng perang gusto ko, papasa ako kahit tulugan ko pa lahat ng klase ko, pero, hindi ko magawang magpaalis ng estudyante!
Sabi ng matandang yun, hindi daw dahil sa apo ako ng may ari eh pati yung mga studyante na walang malay eh basta basta ko na lang papaalisin! Dapat daw may valid na reason akong ibigay sa kanya, it’s either lumabag yung studyante sa rules na nasa student handbook o kaya naman yung studyante na ang nagsabing aalis na sya ng skul.
Kaya kadalasan ang ginagawa ko pag ayaw ko sa isang studyante…
*evil grin
.
.
Kung hindi ko sya mapapaalis sa eskwelahan na ito, sisiguraduhin kong magiging miserable ang bawat araw niya hanggang sa siya na mismo ang magmakaawang umalis ng skul Fair naman diba? Hindi ko na kasalanan kung weak sila.
Most of my victims ay mga lalaki, hindi mali. Lahat pala ng victims ko lalaki. Wala pa naman kasing babae na nangahas na lumaban sakin. Lahat sila parang mga alipin na sinasamba ako.
Yung mga balyena ko namang fans, immune na yun sa pagsusuplado ko. Immune narin sila sa panttrip ko at mga traps ko, pati narin sa mga banta ko. Talagang wala na akong magawa para tigilan nila ako! Kaya eto, habang hindi pa ako nakakaisip ng paraan para mawala sila sa landas ko, patago tago na lang muna ako.
Mabalik tayo..ayun nga, pagtingin ko sa food court wala naman yung mga balyenang yun! Ayos!
Ang haba ng pila ah! Pero sino bang may sabing pipila ako? Ano ako tanga?!
Nagdirediretso ako ng paglalakad, nagaalisan naman yung mga studyante sa dadaanan ko eh. Yan tama yan! Matuto kayong gumalang
Pero pagdating ko dun sa may dulo, may isang babae, nasa harap nung counter, parang hindi nya ako napansin.
“EHEM!” -umubo na ako nun ng fake para naman mapansin niya ako, meaning nun tumabi sya.
Wala paring response. Napansin ko nakatitig parin sya dun sa slice ng cake na malapit dun sa counter. *evil grin
Ayaw mo akong pansinin huh, tamang tama, I’m looking for dessert tapos CHOCO-STRAWBERRY pa yung flavor! Favorite ko yun eh.
Tsinempuhan ko na dadamputin nya yung cake para mas nakakaasar diba?! Wahaha
wooooooooooosh..*grab
Mwahaha ang bilis kong nakuha, ni hindi man lang ako pinagpawisan.
Humarap na ako sa counter para bayaran yung cake.
Mukha namang hindi lalaban tong isang to.
Nakatalikod ako sa kanya, hindi ko man lang nakita yung mukha. Anyway, wala naman din akong pakialam kahit ano pang itsura niya. Pero biglang..
.
.
“Hoy lalaki!” -yun ang sabi nya, nakasigaw pa, napaharap tuloy ako.
Tiningnan ko lang sya. aka naman kasi nagkamali lang ako ng rinig.
Kasi naman diba? Simula nung high school ako, wala pang babaeng nagtangkang lumaban sakin, wala pang babaeng nanigaw sakin ng ganito, ngayon lang talaga.
Pero teka, dinuduro niya ako ah! So mukhang sinisigawan niya tlga ako!
“Ang kapal naman ng mukha mo! Wala ka bang utak?! Para kang walang pinag-aralan! Basta ka sumisingit sa pila! Tapos kinuha mo pa yung slice ng cake ko!”
ako?! makapal daw ang mukha ko? Sa gwapo kong to? Wala daw akong utak? Pag ganitong badtrip ako!
Pero bakit ganun? Badtrip ako na parang natutuwa din at the same time, ewan ko ba!
Sigurado ako bago tong babaeng to dito at mukhang hindi niya ako kilala hmmm..interesti
ng..mapaglaruan nga..
*evil grin
Napatingin sya bigla sa paligid nya, napansin sigurong pinagtitinginan na siya ng mga tao dun hahaha. Aba eh sigawan mo ba namang babae ka si BRYLE STANFORD! Ewan ko nlng kung hindi ka nga pag-usapan.
Mukhang mag-eenjoy ako sa pang aasar sa isang to, may thrill! At last,mukhang hindi rin naman pala ganun kasama tong araw na to.
.
.
Nilapitan ko sya, as in malapit na malapit. Ngayon mas naaninag ko na yung muka niya haha…nNatutuwa ako sa expression niya. (teka, ako natutuwa sa isang babae? erase erase! Natutuwa lang ako kasi may bago akong laruan! At mukhang pinakamasayang laruin tong isang to!)
Teka anu kayang magawa dito? ah alam ko na.
.
.
Hahaplusin ko sana yung buhok niya ng,
Bigla niyang tinabig ang kamay ko! Iba to ah. Lalo tuloy akong natutuwa na asarin sya!
“Hahahahaha bago ka dito no miss? hmmm..CAKE MO ba kamo?” nagsalita narin ako at ang lapit ko sa kanya, ilang na ilang na to sigurado!
“Ou cake ko! Babayaran ko na kasi dapat yan! Umepal ka lang!”-anak ng! akalain mo yun?! Sinagot niya ako?! Matapang tlga tong isang to ah?!
“Hindi mo pa naman pala nababayaran eh.."
“Kahit na! Ako kasi dapat ang una! Sumingit ka lang dyan sa pila! Akala mo kung sino ka ah! Kung umasta ka!!Bakit ikaw ba ang may ari nitong skul?!”
Mukhang ayaw talaga magpatalo ng isang to! The best!
Pero teka, tama ba ang rinig ko? Ako daw ba ang may-ari ng skul?! Ahahahahahaha. Talo ka na talagang babae ka! Wala ka talagang kaalam alam no?!
Nilapitan ko pa sya lalo, haha. Napapansin ko kasing naiilang sya pag malapit ako at babae parin naman to diba?
Yung mukha ko sobrang lapit na sa kanya. Nakatungo siya kaya hinawakan ko na sya sa baba niya para maiangat yung ulo niya at para tumingin sya sakin, mas matangkad din kasi ako sa kanya. Ang posisyon namin ay yung parang hahalikan ko sya.
Ngayon nakatingin na sya sakin. Nginitian ko naman sya! Syempre, pang asar yun eh!
Tama nga ang hula ko, babae parin tlga sya, weak parin. Ang reaction nya? Ganito..
.
.
O___________O >>> tulala!
hahahahahaha as in nakatulala lang siya dun! Tapos sobrang pula.
I maintain my eye contact sa kanya para mas nakakaasar tapos hahaha, siguradong maaasar sya dito sa gagawin ko. *evil grin
.
.
Bumunot ako sa bulsa ko, nakita kong napansin niya yun.
Yung mata niya nakasulyap at pilit tinitingnan kung anu yung bubunutin ko haha, biglang namutla! Laftrip! shet! Hahaha kung pwede lang tumawa! Kaso hindi, dapat seryoso kaya dito na lang ako sa isip ko ako tatawa.
Tapos ayun, nabunot ko narin sa bulsa ko yung PERA. Ou 1000 yun, gutom narin kasi ako eh. Gusto ko pa sana siyang paglaruan pero gutom na tlga eh.
Kaya naman..Inabot ko na yung pera sa counter pero sa kanya pa rin ako nakatingin habang ginagawa yun.
“Pano ba yan? Nabayaran ko na. So, that means AKIN na to diba?! Ahahaha” -hindi ko na nga napigilan ang sarili kong tumawa tapos binitawan ko narin sya at sya..
.
.
O____________O >>>tulala parin!
Wahahah..super effective tlga yung ginawa ko!
“Keep the change!” sigaw ko nun sa counter, para maangas ang dating!
Tapos lumakad na ako nun. Yung lakad na parang lalampasan ko siya..pero hindi! Haha. Kasama yun sa plano, para mabigla siya. Tumigil ako bigla sa tapat niya at bumulong…ang mukha niya? Wahahah. The best tlga! Ganito oh..
O__O
.
.
!!!!
.
.
Haha hindi ako magtataka kung ganyan yung reaksyon niya, ang sabi ko lang naman..
“Tinanong mo ako kanina kung ako ba ang may ari ng school na ito diba? well, hindi naman sa ako talaga ang mismong may ari, FAMILY ko lang naman. By the way I’m Bryle Caleb STANFORD, in case you didn’t know, wag mong kakalimutan huh?!” -tapos nagpatuloy narin ako ng paglalakad
Tapos may naalala ako, nakita ko nga pala yung I.D. niya, siguro mas maganda kung malaman niyang tinandaan ko yung pangalan niya haha. Siguradong kung anu-anu ang papasok sa utak nun. May naiisip na nga akong sunod na gagawin eh! Haha humanda ka sakin. *grins
“I’ll make sure na hindi ito ang huli nating pagkikita Ms. Nami San Jose! Hindi ko makakalimutan tong araw na ito..” sinigaw ko yun tapos umalis na
Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na yun pati ang babaeng yun, sobra niya akong pinasaya. Sorry sya, natuwa ako sa kanya masyado eh, ngayon sya na ang paborito kong biktima. At take note, kauna unahang babae sa listahan ko wahahaha. Ang saya ko talaga ngayon!
~love
-comment uli🤗😇