NASH's POV
T_______T huhuhu
.
.
O___O waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
.
.
T_______T huhuhu
.
.
O___O waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
.
.
.
T_______T hu---
*poink! (BATOK)
"Aray naman Katie! ah ah! Kanina ka pa ah! Nakakailan ka na sakin!" batukan ba naman ako bigla?! Naiyak na nga yung tao tapos babatukan pa?
Note: awas na kami nito
(a/n : sa mga hindi taga San Pablo ang meaning po ng "AWAS" ay nakalabas na sa klase or tapos na ang klase)
Pagkatapos nung nangyari sa food court kanina, kinaladkad na lang ako ni katie palabas at nag sorry sa mga tao dun, ako? tulala parin nun. Pumasok kami sa last subject pero, wala naman akong naintindihan, lumilipad ang utak ko at ngayun nga, nandito na kami sa kwarto namin ni Katie.
"Eh kasi naman Nash! Para kang tanga! Iiyak, sisigaw! Iiyak, sisigaw! . Aba! Mabuti sana kung ikaw lang dito sa kwarto no?! pero hindi eh! Hindi ako makapanuod ng ayos gawa mo! Para kang nanganganding pusa!" pusa? ayoko sa pusa!
"Eeeeeeeeeeeeeeh! Katie! Bawiin mo yung sinabi mo! Bawiin mo yun! Kahit ikumpara mo na ako sa nauulol na aso, sa nangangating pulgas o kahit na sa tumatalong garapata, wag lang sa pusa! Kaya bawiin mo yung sinabi mo! bawiin mo! bawiin mo!" Inaalog ko na sya nan.
"God! stop it! Stop it Nash or I swear I'll kill you! " napatigil naman ako nun sa pag alog sa kanya
"Eh kasi Kat--"
"Heh! Tahimik! Ako muna huh Nash?! pwede?!"
Anu pa nga bang magagawa ko? edi ayun..tumango nlng ako at nakinig =__=
.
.
"*sigh Unang una Nash, shet naman! Hindi naman tungkol sa pusa ang issue dito eh! Ginawa ko lang yun na comparison! Pangalawa, anu bang iniiyak-iyak mo dyan?! Eh ikaw tong napakatapang at naghahamon agad ng away dahil sa isang cake! Nash isang cake? Handa kang makipagpatayan para sa isang CAKE?! Malala ka talaga! At pag minamalas ka pa nga naman, makikipag-away ka na lang din, kay BRYLE STANFORD PA! BRYLE S-T-A-N-F-O-R-D"
"Eh hindi ko--"
"Hep hep! Sinabi ko bang magpaliwanag ka?!"
Umiling lang ako.
"Hindi mo pa kilala ang lalaking yun Nash. Oo gwapo sya, mala anghel ang mukha, ngiting parang tinatangay ka sa langit, matang---ay teka! ahaha, crush ko kasi yun eh! haha. Pero kahit ganun yun nako, nakakatakot yun magalit. Wala syang sinasanto, kahit mga teachers nga hindi nakakaligtas sa mga kalokohan nun, ikaw pa kaya?! Alam mo, wala pang nang away sa kanya ng ganun at alam mo ba? wala pa yung kinakausap na babae sa school ng ganun kahaba ang sinabi. Kadalasan kasi, dadaanan ka lang niya. Kung sasagot minsan oo, hindi, *katahimikan lang. Swerte ka na kung magsalita yun sayo ng more than 3 words! Tapos nilapitan ka pa niya?! Wala pa syang ginagawan ng ganun kahit nung high school pa kami. Hay.. hindi ko nga alam kung dapat akong mainggit sayo o maawa."
"Oh tapos?!"
"Anoooooooong oh tapos ka dyan?!" uwaaaah, nakasigaw na si Katie
*takip mata
.
.
*silip
.
.
Waaaaah! Nanlilisik na yung mata nya! Wrong move Nash! Wrong move
.
.
"He-he ^_^v" nag peace sign ako
Hinampas nya ng kamay niya ang muka niya, nababaliw na ata tong isang to haha.
"Hay nako Nash! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo. Basta ang payo ko lang sayo, pagpasok natin bukas ihanda mo na ang sarili mo sa pwedeng mangyari. Maging attentive ka, magpakatatag ka. Andyan ka na eh, wala ka ng magagawa. Basta wag ka lang susuko. Si Bryle, pag nagsawa na sya sa target niya, tumitigil na sya. Ikaw na ang target niya simula bukas. Ipagdasal mo na lang na makahanap sya agad ng bagong target."
Akalain mong concern din naman pala sakin tong lukang to! yakapin ko nga!
"Touched naman ako dun Katie! Concern ka rin naman pala sakin! I love you talaga!"
"Nash! Bitawan mo na nga ako! Kilabutan ka naman! Nakakadiri eh!" kunwari pa tong si Katie! If i know gusto niya rin yun!
Bumitaw na ako, baka nga kasi hindi na sya makahinga dahil sa higpit ng yakap ko.
"Pero Nash, ahm, promise mo, mag-iingat ka huh?! Promise mo kahit anung mangyari, hindi ka aalis sa school huh?!"
"Oo naman! promise! Ako pa?! Matapang ata to!"
Actually medyo kinakabahan ako sa mangyayari, natatakot din, pero bahala na! Nagpromise na ako eh at hindi ko ugaling sumira sa pangako. Basta hangga't kaya ko, lalabanan kita Bryle Stanford!
------------------------------------------------------------
-------------------------
BRYLE's POV
Dumating ako sa tambayan ng barkada at hindi ko parin mapigilang ngumiti. Naiisip ko parin kasi yung nangyari kanina sa foodcourt! hahahaha
"Pare! Mukang masayang masaya ka yata ah? Kanina lang badtrip ka tapos ngayon naman hindi maalis-alis yang ngiti sa muka mo."- si Tommy yun
Obvious ba ako masyado?! Nako Tommy kung nandun ka lang sana.
"Baka naman in love ka na naman pare! Kayo na ba ulit ni Eli-"
"Hindi! Hindi ako in love! Don't you dare mention that name Steve! Hindi ba nag usap na tayong barkada tungkol dyan? ayoko ng marinig ang pangalang yun kahit kailan!"
Ang ganda ganda ng mood ko, sisirain pa nitong si Steve! Pasalamat sya at masayang masaya ako ngayon,kung hindi!
"So-sorry Bryle akala ko kasi.."
"Steve naman kasi eh, ganda ganda na ng mood nung tao, panira ka lage!" sabat ni Third
"Eh kaya nga nagsosorry na diba?!" sagot naman niya
"Tama na nga! Baka mag-away naman kayo dyan, sisirain niyo lang mood ko. Masaya ako kasi nakahanap na ako ng bagong target "
"Target?! sino na namang lalaki yan? anu na namang atraso sayo? o baka naman nagpagtripan mo lang ulit?" tanong naman ni Third
"Hindi lalaki."
"Eh ano? bakla?" -sabay sabay pa silang tatlo nun, mga tanga talaga tong mga to
"Hindi no! Ano ba kayo? Babae, babae ang target ko ngayon."
"Teka, babae? Akala ko ba hindi ka nananakit ng babae? Isa pa, wala namang babaeng kayang umaway sayo diba? Eh isang ngiti mo lang susunod na yung mga yun sayo eh. Kahit paghubarin mo pa sa harapan mo, susunod yung mga yun. Kaya bakit? sino yun? anong ginawa sayo?"- takang takang tanong ni Tommy
"Hehe..iba tong isang to.."
Tapos nun, kinwento ko na sa kanila yung nangyari sa foodcourt kanina.
Excited na excited ang mga loko, gusto na daw nila makita yung babaeng nangahas na lumaban sakin. Kaya eto, todo research ang mga loko. Alam ko naman kasi yung buong pangalan nung babaeng yun eh tapos may access pa ako sa school records hehehe
.
.
.
Click. Click. Click..
Ayun, lumabas din.
Nami Shanaia F. San Jose
17 years old
B-day: December 28 1993
bla bla bla..
.
.
*SCROLL DOWN
.
.
.
Akalain mong HRM student yun?! Hospitality student sya? Eh mukhang pag may guest tas sya ang maghahandle baka matakot lang sa angas niya eh! Ni hindi nga ata marunong ngumiti yun! Tapos kung tama ang pagkakaalam ko, nagluluto rin sila?! haha. Parang hindi bagay sa kanya ang magluto, bigla ko tuloy syang naimagine na nakasuot ng apron..
.
.
"Oh hon, nakauwi ka na pala.." -pawis na pawis sya pero ang cute parin nya
"Anu bang niluluto mo?" lumapit ako sa kanya tapos niyakap ko sya habang nakatalikod,ang bango.
.
.
.
"Ikaw! Ikaw ang lulutuin ko!!!!!!!!!!"
Uwaaaaaaaaaaaaaaaah! erase erase! Anu ba naman kasing pumasok sa utak ko, nagdedaydream na naman ako! Nakakatakot na nakakadiri!
Hanggang sa imagination ko galit parin sya sakin! hanep! haha
.
.
*SCROLL DOWN
.
.
Aba at akalain mong ang tataas ng grades nya nung high school! May 97 sya at sa PHYSICS pa! Ang lowest grade niya 87 tapos sa P.E. pa! Physical Education! Eh dun nga lang ako mataas eh.
.
.
*SCROLL DOWN
.
.
Ohoi!
*evil grin
So scholar pala siya nitong school? tingnan mo nga naman! hahaha. Alam ko na talaga ang gagawin ko bukas.
Humanda ka Nami San Jose! Excited na kong makita kang umiyak.
*poink
Aray! Nauntog ako. Bwisit! Nakalimutan ko nasa sasakyan na nga pala ako ngayon, napatayo naman ako sa sobrang excitement ! Panira tong bubong na to eh! Ang angas na eh! Nasira pa tuloy yung mood ! -______-
"Manong bukas na bukas din, sirain mo tong bubong nitong sasakyan na to ah! o kaya naman palitan mo na mismo tong sasakyan na to!"
Nakakainis kasi tong bubong na to! Ang sakit huh! Alam na tatayo yung tao, ayaw umadjust!
"Huh? ah eh sir bakit po?" ay tanga, isa pa to eh pandagdag pa sa badtrip ko eh
"Wala kang pakialam! Basta bukas ayoko ng sumakay dito sa kotseng to! Palitan mo! kung hindi, ikaw ang papalitan ko!"
"Oo-opo sir."
Bwisit.. hays.. =__=
~love hearth and seth😍🤣