Chapter 2

1.4K 28 0
                                    

Kiana's Pov

Habang nag luluto ako ng umagahan ng biglang Yumakap sa likod ko

"Hmmm ang bango naman"sabi nito
Ngumiti naman ako at tumingin sa kanya

"Talaga?"masaya kong sabi

"Ikaw ang mabango"sabi niya sabay kindat ito nanaman si Cheeks namumula

Nakita ko siyang naka tingin saakin
Nakaka inis kase sa tuwing nakikita ko siya laging Tumitibok ng malakas ang puso ko.

"Pshh nambola pa "sabi ko sabay pisil ng pisngi niya

"Hoy masakit yoon ah!"sigaw niya saakin
Napaka bipolar talaga! Hayst bahal na siya jaan
Hahawakan niya sana kamay ko ng tinabig ko ito
Inirapan ko siya paano naman kase nakaka inis siya!

Pinisil ko lang naman pisngi niya galit na siya agad?

Kinuha ko na yung Bacon At umupo na para kumain

"Oy sorry na"sabi niya bahal siya jaan
Niyakan naman niya ako patalikod
Hindi ko alam pero ang hilig nito Mangyakap patalikod

"Tchh sorry mo mukha mo!"muryot kong sabi at kumain nanaman

"Sorry na mahal ko,baby ko,honey bunch ko,honey ko,wife ko,Gf ko,Kiana ko"habang naka yakap parin saakin sinabi talaga lahat eh no?

"Oo na po !"sabi ko sa kanya at tumawa
Hindi ko alam pero Ang bilis kong mapatawad ang Lalaking ito

Pag katapos kong kumain nag paalam muna saakin si carl May pupuntahan lang daw muna siya

Pumunta na akong Taas para maligo Ang lagkit ko na eh

May nakalimutan pala akong sabihin sainyo nakapag tapos na akong pag aaral pupunta nga sana akong ibang bansa para mag trabaho pero Nahinto dahil Kay Carl ayoko siyang iwan dito.

Naligo nalang ako at pag katapos ko nag bihis ako may pupuntahan ako ang bestfriend ko si Annie

Wala akong magawa eh wala naman si carl kaya pwede naman akong mag suot ng maikling short at nag crop top hehehe hindi naman siguro niya makikita hindi ba?

Sinuklay ko ang mahaba kong buhok At umalis na
Malapit lapit lang naman bahay nila saamin

Andito na ako ngayon sa labas ng bahay nila

Kumatok ako at agad naman nitong binuksan

"Oh ikaw pala kiana !pasok"sabi nito
Ngumiti naman ako sakanya

Nagulat nalang ako ng bigla siyang pumalakpak

"Ay bet ko yang suot mo! Buti at hindi ka binungangaan ng BOYFRIEND mo?"natatawa nitong sabi saakin

"Wala siya kaya pwede naman siguro at saka dito lang naman sainyo"sabi ko sakanya umiling-iling naman si Annie

"Lagot ka sa Boyfriend mo pag nakita ka niya"sabi nito at umiiling-iling"kung ako sayo palitan mo na bess"dagdag nito

"Hindi naman siguro yan ! "Sabi ko at pekeng tumawa

"Ano yan pupunta ka lang dito? Gala naman tayo!"Excited na sabi ni annie

"S-sige ba!"sabi ko tumayo naman siya at nag paalam mag bihis
Nakita ko siya na lumabas na
"Tara naaaa" ang ingay talaga ng bunganga nitong babaeng ito!

Umalis na kami sabi niya pupunta raw kaming Mall
Pumayag nalang ako sa gusto niya minsan lang naman ito kaya ieenjoy ko na

Kumain kami pagkatapos nag laro kami
Napaka saya hinila niya ako sa mga nag titinda ng mga dress

Kumuha ito Black siya May pag kamabaha Kumikinang ang ganda!

"Try mo isukat Kiana"sabi nito at binigay saakin
Wala naman sigurong masama pag tinry ko ito

Kinuha ko iyong dress na black at sinukat sa fitting room(tama ba?)
Tinignan ko.muna sa salamin kung bagay ko ito

At saka ko binuksan ang pintuan

Nakita ko naman siya na lumaki ang mata
Kelan pa siya naging kwago?kasi ang laki ng mata niya

"Wahh bess bagay mo!"sabi niya at lumapit saakin

"Talaga?"naka ngiti kong sabi

" oo ano bilhin ma natin?"masigla niya sabi

"Wala akong dalang pera "sayang wala akong dalang pera
Hindi ko ito mabibili

"Ano ba! Ako na mag babayad para sayo !"sabi niya at binigay sa counter
Ang mahal 5,000

Binigay niya naman saakin yung dress pero naka paper bag na siya

"Saakin to?"tangka kong tanong

"Ay hindi saakin"pamimilosopo nito ay ganyanan pala ah

"Oh sayo naman pala kunin mo na"inosente kong sabi at ibibigay na sana sakanya

"Hindi lang mabiro te?"tumatawa niyang sabi

Haynako bagtit talaga eto no
Napa tingin naman ako sa cellphone niya kase may tumawag sinagot kaagad ito ni annie

Maya maya tumingin siya saakin

"Bess pwedeng mauuna na ako?"sabi nito parang may emergency
Tumango naman ako

"Oo sige mag ii ngat ka"kaway ko sakanya umalis naman ito

Uuwi nalang ako
Nag lakad nalang ako pero parang gusto ng paa kong pumuntang Park hindi ko alam pero doon Ang gusto ng paa ko

Kaya pumunta nalang akong park

Nasa bench ako ng may nakita akong isang babae at isang lalaki naka talikod Nag uusap

Parang familiar yung likod niya saakin

Bigla namang tumibok ng malakas ang puso ko

Si carl ata iyon?

Na curious ako kaya Tinawagan ko siya

Nakita ko naman yung lalaki kinuha niya ang cellphone niya pero maya-maya ay Binalik nito ulit sa bulsa

Tama nga ang hinala ko siya iyon
Ang sakit ng puso ko first time niyang hindi sinagot ang tawag ko

Umuwi nalang ako baka kase may pinag uusapan lang sila tungkol kung saan o kaya pinsan niya hindi ba?
Hindi dapat ako mag selos o magalit sa kanya

Pag dating ko sa bahay kumain nalang ako at natulog

Nagising ako ngunit hindi dahil anjaan si carl dahil sa sikat ng araw dati-rati si carl ang gumigising saakin
Pero ngayon wala na?

Busy lang siguro siya
Umiling iling nalang ako

Tatayo na sana ako ng makita ko ang frame namin nila mama at papa

Namimiss ko na sila
5 months na sila sa U.S pero hindi parin sila bumabalik may importante daw kase silang ginagawa

Hindi ako nagagalit kila mama kase lagi silang wala
Alam ko namang para din yoon saakin

Tinawagan ko si carl
Para sabay na kami kumain hehe gusto ko siya makasama eh

Tumatawag ako pero binabaan niya lang ako

Eh ilang ring palang dati sinasagot niya na tawag ko..
Inulit ko pero wala parin

Wala nalang akong nagawa kaya kumain nalang ako mag isa

___________________

Fb acc;BlackinWhite WP
Please dont forget to Vote and comment to my story hehhehe :)

My Possesive BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon